Beatrice Luigi Gomez settles as Miss Universe 2021 Top 5 finalist

Gumawa ng kasaysayan si Bea bilang kauna-unahang openly out member ng LGBTIAQ+ community na nanalo bilang Miss Universe Philippines at kumatawan sa Pilipinas sa Miss Universe pageant.

PHOTOS: @powerhouseph_ & @themissuniverseph on Instagram

Gumawa ng kasaysayan si Bea bilang kauna-unahang openly out member ng LGBTIAQ+ community na nanalo bilang Miss Universe Philippines at kumatawan sa Pilipinas sa Miss Universe pageant.

Matapos ang dalawang taon,muling naka-pasok sa Top 5 ng Miss Universe competition ang Pilipinas in the form of Beatrice Luigi Gomez.

Naipagpatuloy ng Cebuana beauty ang pag-arangkada ng Pilipinas sa nasabing international beauty pageant na idinaos sa Eilat, Israel ngayong araw, December 13,  dahil patuloy na umaabante ang mga pambato ng bansa for the past 12 years.

Nag-trending sa Twitter ang #BeatriceLuigiGomez mula nang makapasok ang 26-year-old model and navy marine reservist sa Top 16 ng patimpalak kung saan nabigyan s’ya ng pagkakataon na magpakitang-gilas sa swimsuit competition. 

Umabante pa si Bea sa Top 10 kung saan naman nairampa s’ya ang gold Pintados-inspired gown na gawa ng world-renowned Filipino designer na si Francis Libiran.

Kinabahan pa ang fans ng huli s’yang tawagin bilang isa sa Top 5 finalists. 

During the Question-and-Answer portion for the Top 5 finalists, natanong ang kandidata ng bansa sa stand n’ya sa pagma-mandate ng universal vaccine passports.

Narito ang sagot ni Bea: 

“I believe that public health is everyone’s responsibility and to mandate vaccine and inoculation is necessary.

“And if mandating vaccine passport would help us in regulating and the rollouts of vaccine and mitigate the situation of the pandemic today then I would agree on mandating the necessary passport of vaccination.”

Sa puntong ito ay hindi na nakatungtong pa sa Top 3 si Bea. Eventually, ang pambato ng India na si Harnaaz Sandhu ang nakasungkit ng korona. 

Gumawa ng kasaysayan si Bea bilang kauna-unahang openly out member ng LGBTIAQ+ community na nanalo bilang Miss Universe Philippines at kumatawan sa Pilipinas sa Miss Universe pageant.

Thank you for making us proud, Bea!

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.