Beauty Gonzalez, binigyan ng markang A+ si Kelvin Miranda sa kanilang bed scene

Baptism of fire ni Kelvin Miranda ang love scene nila ni Beauty Gonzalez sa bagong GMA teleserye. Pero ayon sa ka-ekena niyang si Beauty Gonzalez,  more than pasado ito kung bibigyan niya ng grado.  “I enjoyed it a lot. And for Kelvin, for his first [bed scene] experience, he was a very good student. That’s from Miss Bridget [her character]… A+ [student].”

PHOTOS: @beauty_gonzalez & @iamkelvinmiranda on Instagram

Baptism of fire ni Kelvin Miranda ang love scene nila ni Beauty Gonzalez sa bagong GMA teleserye. Pero ayon sa ka-ekena niyang si Beauty Gonzalez,  more than pasado ito kung bibigyan niya ng grado.  “I enjoyed it a lot. And for Kelvin, for his first [bed scene] experience, he was a very good student. That’s from Miss Bridget [her character]… A+ [student].”

Hindi lang pasado kundi “excellent” ang iginawad na marka ni Beauty Gonzalez sa katambal n’yang si Kelvin Miranda sa naging love scene nila sa upcoming Kapuso drama na Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette.

Natanong kasi ng entertainment press ang dalawa tungkol dito during the virtual media conference kagabi, September 8, dahil sa patikim na bed scene na ipinakita sa trailer ng afternoon soap opera.

Paliwanag ng Kapamilya-turned-Kapuso actress na si Beauty, maganda daw ang naging chemistry nila ni Kelvin dahil bago kinunan ang nasabing bed scene ay marami na silang nakuhanang ibang eksena kaya’t naka-develop na ng rapport.

“That was not our first scene. Marami na kaming nagawang [eksena],” lahad ni Beauty sa press tungkol sa pinaka-una n’yang teleserye sa Kapuso network. 

“Actually, baliktad ’yong pag-shoot namin. Nauna ’yong ending bago ’yong simula. It was kinda different in a way. Quite challenging kasi inuuna mo ’yong other side of the story kesa ’yong simula but it was a very good challenge.”

Pero pag dating sa love scene, napangiting sabi n’ya, “I enjoyed it a lot. And for Kelvin, for his first [bed scene] experience, he was a very good student. That’s from Miss Bridget [her character]… A+ [student].”

Tawang-tawa naman si Kelvin sa naging papuri sa kanya ng co-actress. 

Dagdag pa ni Beauty, naiplano naman daw nang maayos ang bed scene na ’yon kaya nagawa rin nila nang maayos. 

Pinag-uusapan talaga ’yan. I mean, with any love scenes I’ve done in the past, pinag-uusapan po talaga with my co-actor,” aniya. 

“It’s a choreography. For me, a love scene is like you’re dancing together. Hindi dapat minamadali. Dapat ninanamnam mo every scene, every kiss, every touch, every nuance, every look…nanamnamin mo ’yan.

Dagdag pa ng aktres, “Like what I’ve said, Kelvin was a good student. And we have a very good instructor, si Direk Adolf [Alix Jr.] so it was an easy thing to do.”

Natatawang nagpasalamat naman ang tila “nabinyagan” na si Kelvin sa papuring ibinigay ni Beauty sa kanyang performance. 

Salamat, Beauty. Next scene ko na ganito alam ko na [ang gagawin]. Hahaha!” sakay n’ya.

Pati kay Direk, thank you. At least, next time alam ko na ang mga gagawin ko. Meron na akong…one step forward.”

Aminado si Kelvin na pag dating sa mga love scenes ay marami pa daw s’yang dapat matutunan pero may nakuha na daw agad s’yang lesson mula kay Beauty at Direk Adolf na p’wede n’yang magamit in the future. 

Marami pa akong kailangang matutunan. At least, dito sa first time ko, malawak na kaagad ’yong reach ng learning ko. Very thankful ako sa mga katrabaho ko,” pagtatapos ni Kelvin. 

Maliban kina Beauty at Kelvin, kabilang din cast members ng Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette sina Pamela Prinster, Adrian Alandy, Tart Carlos, Noel Colet, Nikko Co, Shanicka Arganda, Polo Ravales, Ms. Bing Loyzaga and Mr. Lloyd Samartino.

Mapapanood ang Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette simula September 13 sa GMA Afternoon Prime.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Kelvin Miranda, “nanginig” nang malamang magbibida sa rom-com series with Mikee Quintos; Mikee, game na raw magpakilig: “Single naman po ako. Wala namang magagalit."

Mikee Quintos, kumpiyansang “mapapalambot” si Kelvin Miranda sa pamamagitan ng titig

Pika's Pick: Kadenang Ginto actress Beauty Gonzalez is now officially a Kapuso

Beauty Gonzalez, aminado sa mga pagsusungit sa set ng 'Kadenang Ginto;' lalo na daw pag kulang sa tulog

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.