Beauty Gonzalez, ibibigay sa awtoridad ang "orifice covers" na isinuot niyang kuwintas kung sakaling kunin ang mga ito sa kanya

Tinawanan lang daw ni Beauty Gonzalez ang naging isyu sa pagsusuot niya ng kuwintas na diumano'y orifice covers sa GMA Thanksgiving Gala. Aniya, marami pa umano siyang isusuot na alahas sa mga paparating pang event na dapat abangan ng publiko.

PHOTOS: @beauty_gonzalez on Instagram

Tinawanan lang daw ni Beauty Gonzalez ang naging isyu sa pagsusuot niya ng kuwintas na diumano'y orifice covers sa GMA Thanksgiving Gala. Aniya, marami pa umano siyang isusuot na alahas sa mga paparating pang event na dapat abangan ng publiko.

Nagpaliwanag ang aktres na si Beauty Gonzalez hinggil sa kinasangkutan niyang isyu noong July sa pagsusuot niya ng diumano'y ancient death mask sa GMA Thanksgiving Gala.

Nangyari ito sa recent episode ng Fast Talk With Boy Abunda kung saan natanong siya ng host tungkol sa isinuot niyang "alahas" sa nasabing event.

Kung matatandaan, nabatikos si Beauty sa social media matapos siyang i-call out ng cultural critic and independent curator na si Marian Pastor Roces.

"Someone tell this woman that the orifice covers she is paying 'homage' to are grave robber stuff. Because if these were legally excavated, the pieces would belong to the National Museum or the Bangko Sentral," puna nito sa kanya sa Facebook.

"Or, if the pieces were excavated decades ago and therefore privately owned by sensible collectors before current restrictions, the question still remains: why death masks as necklace? Sure, the owners have been dead for a thousand years. BUT," dagdag pa niya.

Ayon sa aktres, mas pinili raw n’yang manahimik na lang muna noong maiinit pa ang isyu.

“I chose not to speak at that time because it's a very unending conversation. I believe she believes in what she believes. I also believe in what I believe,” pahayag ni Beauty sa show.

Wala raw siyang ginawang masama. Kung meron man, bakit hindi man lang daw siya nakatanggap ng tawag. 

"I don’t think I did something wrong. Some people think it may be wrong but, you know, I was waiting for the call but nobody called me," she said.

Isa pa, hindi pa nga raw napapatunayan kung authentic orifice covers nga ang isinuot niya dahil nakuha niya lang ang iyon mula sa mga collectors.  

"I don’t even know if it’s really real ’coz I got it from collectors. I love collecting stuff," aniya. 

Sey pa ng aktres, maganda raw ang intensyon niya nang isuot niya niya 'yon sa dinaluhang showbiz gathering.

"I had a good heart going to GMA [Thanksgiving] Ball. I was thinking kasi, when everybody wears Western jewelry, I want to wear something that is made from the Philippines, that is originally gawa talaga sa Philippine gold ’yan, at ginawa ng mga Filipinos thousands of years ago," paliwanag ni Beauty. 

"I was really proud of wearing it because hindi ko pinatunaw. It is as it is. Ginawa ko s’yang jewelry. Cause I know everybody will wear Western jewelry, I want to be different. I want to be myself. I want to be authentic. Like, if everybody can wear Tiffany’s, I can have my own and nobody can have it. ’Yon lang," pagpapatuloy niya.

Natanong din siya ni Tito Boy kung nag-usap ba sila ng mister niyang si Norman Crisologo tungkol sa isyung ito. 

"Yeah. We were laughing about it. ‘Baby, it’s okay. Every bashing is a blessing. Don’t take it wrong. Hindi ka naman pumatay ng tao, hindi ka nangidnap, hindi ka nangholdap. You are just wearing art, and art is not to be understood. The more it’s not understood the [more] beautiful it is,'" saad ng aktres.

Ayon pa sa kanya, willing naman umano siyang ibigay ang mga iyon sa awtoridad if ever. 

"I was willing to give it. Yeah, I was willing. Basta maganda ’yong p’westo [sa museum], may pangalan namin doon,” natatawang sabi n’ya.

"Because it’s years of love in collection, of me and my husband. We didn’t do that over the day. It’s years from different collectors," katwiran ng Kapuso star. 

"But they never called or they don’t have a machine here to tell if it came from that place or whatever."

At mukhang hindi nga siya affected sa nangyari dahil rarampa pa umano siya sa mga paparating na event suot ang iba pa niyang mga koleksyon. 

"But I’ll tell you, ha, abangan n’yo pa. Marami pa akong susuutin," natatawang pagtatapos niya. 

Napapanood si Beauty sa afternoon drama series na Stolen Life kasama sina Gabby Concepcion at Carla Abellana sa GMA Network.

Bibida rin siya sa horror movie and Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 entry na Kampon kasama si Derek Ramsay.

Mapapanood ang Kampon simula December 25 sa mga sinehan nationwide.


 

YOU MAY ALSO:

Beauty Gonzalez, niyayaya si Ellen Adarna na "manggulo" sa promo ng movie nila ni Derek Ramsay

Excavated gold jewelry na suot ni Beauty Gonzalez sa GMA Gala 2023, tinawag na "grave robber stuff" ng isang respetadong critic and curator

​​​​​​Beauty Gonzalez, nilaglag si Kelvin Miranda

Beauty Gonzalez, kahit naubusan ng English sa pagdalo sa Sundance International Film Festival, nagka-international film offer naman

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.