Beauty Gonzalez, naapektuhan din ng Bagyong Odette; nananawagan din ng tulong para sa mga Negrenses

Nagbalak pa palang bumisita sa Siargao ang actress na si Beauty Gonzalez bago dumating si super bagyong Odette. Kasalukuyan kasing nasa hometown niya siya sa Dumaguete noon. Buti nalang at hindi siya tumuloy. Otherwise ay naka-face-to-face niya ang bagyo. Nevertheless, apektado pa rin daw sila sa Dumaguete. “Naapektuhan ako ng bagyo,” balik-tanaw niya. “Actually, I was supposed to go to Siargao but I changed my mind. I remembered—ang sama ko, birthday ng mommy ko. “Sabi ng mommy ko, ‘Bakit ka pupunta ng Siargao? Pumunta ka muna dito sa Dumaguete.’ Blessing in disguise, we we’re not really that affected like Siargao. But there are some places also in Negros that got affected.”

Photos: @beauty_gonzalez

Nagbalak pa palang bumisita sa Siargao ang actress na si Beauty Gonzalez bago dumating si super bagyong Odette. Kasalukuyan kasing nasa hometown niya siya sa Dumaguete noon. Buti nalang at hindi siya tumuloy. Otherwise ay naka-face-to-face niya ang bagyo. Nevertheless, apektado pa rin daw sila sa Dumaguete. “Naapektuhan ako ng bagyo,” balik-tanaw niya. “Actually, I was supposed to go to Siargao but I changed my mind. I remembered—ang sama ko, birthday ng mommy ko. “Sabi ng mommy ko, ‘Bakit ka pupunta ng Siargao? Pumunta ka muna dito sa Dumaguete.’ Blessing in disguise, we we’re not really that affected like Siargao. But there are some places also in Negros that got affected.”

Ang actress na si Beauty Gonzalez ang isa sa mga direktang naapektuhan ng super bagyong Odette. Kasalukuyan kasing nasa hometown niya siya sa Dumaguete nang manalanta ito sa Kabisayaan ilang araw bago ang Kapaskuhan.   

“Naapektuhan ako ng bagyo,” balik-tanaw niya.

“Actually, I was supposed to go to Siargao but I changed my mind. I remembered—ang sama ko, birthday ng mommy ko. 

Sabi ng mommy ko, ‘Bakit ka pupunta ng Siargao? Pumunta ka muna dito sa Dumaguete.’ Blessing in disguise, we we’re not really that affected like Siargao. But there are some places also in Negros that got affected.”

Blessing in disguise, indeed, dahil kung natuloy siya sa Siargao, kung saan mismong nag-landfall si Odette, ay malamang nagkasalubong pa sila ng mapanalantang bagyo. Bagama’t mas less ang damages sa Dumaguete, marami pa rin daw siyang kababayan na nangangailangan din ng tulong. 

“And ’yong farm namin, awa ng Diyos, ’yong bakod lang ang nasira, pero talagang naramdaman namin ang bagyo. I was so happy because I was there also to help ’yong mga farmers namin and to help everyone else. But you know, we we’re just blessed that it’s not as bad [in Dumaguete] as [in] Siargao.

“But still, they need helps also. And until now, may mga places pa rin sa Negros na walang ilaw, walang tubig. I hope a lot of people will also help in Dumaguete. Not only in Siargao, not only in Cebu but a lot of people in Negros [also need help]...not only Negros Oriental but also Negros Occidental.”

Dahil rin sa bagong Odette ay natagalan bago naka-balik ng Manila si Beauty, dahilan para hindi niya magampanan ang mga natanguang commitments kabilang na ang promo ng 2021 MMFF movie entry na Huwag Kang Lalabas, kung saan isa siya sa mga cast.

“Yes, natagalan dahil ang daming kahoy na natumba. Ang daming nasira talaga. Medyo na-shock nga ako,” paliwanag ng aktres.

“I feel bad na hindi ako nakasama sa parade ng Huwag Kang Lalabas na movie at hindi ako masyadong naka-promo but I was stuck there. Walang signal...wala talaga.” 

Aniya pa, para nga daw siyang bumalik sa panahon noong araw na backward pa ang technology habang naghihintay ng [internet] signal at kuryente.

“Parang ang hirap pala. Parang bumalik ako noong panahon ng mommy ko. Parang kapag makikipagkita ka, kailangan nandoon ka talaga,” k’wento pa niya. 

“Kasi, hindi mo matawagan ang kakilala mo, wala kang makontak, e. It’s really a different kind of experience for me. 

“But I’m really happy that all of my family [members] are safe and everyone, even the farmers are safe. We are okay.” 

Samantala, back in the grind na si Beauty at ang unang pasabog niya sa 2022 ay ang primetime TV series niya kung saan kasama niya ang aktor na nasa top ng wish list niyang makatrabaho matapos lumipat sa Kapuso network, si Dingdong Dantes.

In fairness, ang bongga ng mga ibinibigay ng project ng GMA sa bagong-salta nilang talent. Matapos ang very interesting na Loving Miss Bridget, na isang May-December affair, eto’t level up na siya bilang leading lady ng primetime king sa romantic thriller na I Can See You: AlterNATE. 

“I’m very happy, I’m overwhelmed,” saad niya sabay humingi ng paumanhin na ninenerbiyos daw siyang talaga kapag interview. 

“Mas gusto ko pang umarte nang umarte [kesa magpa-interview],” nakangiting dagdag niya.

Pero masaya raw siyang talaga sa nangyayari sa career niya ngayon sa GMA Network. 

“I’m so happy, I’m overwhelmed. At sana nga, tuloy-tuloy na talaga. Tuloy-tuloy na ang magandang projects. Magka-Book 2 ang AlterNATE. Actually, nabitin talaga ‘ko sa project namin. 

“At sana, magka-Book 2 din ang Loving Miss Bridget. I’m so proud of that show also, kasi it’s my first show in GMA and it did well. And I’m very confident that with this show also, it’s going to be amazing and people will talk about it kasi, it’s a very intelligent show and it’s very different from the usual.”

Nae-excite raw siyang talaga kapag maganda ang script. Mahaba man o maikli ang istorya. Katulad nga ng I Can See You: AlterNATE na four weeks lang tatagal sa ere. 

“What important for me is the quality of the story and I’m so blessed na binibigay nila sa akin ’to,” proud na say ng magandang Visayan actress.

Ang I Can See You: AlterNATE, na directed by Dominic Zapata, debuts on GMA Telebabad on January 10.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.