Bela, excited na sa first TV project with JC Santos

PHOTO: Anna Pingol

PHOTO: Anna Pingol

By mid-October ay magsisimula na raw mag-taping si Bela Padilla at ang big-screen loveteam partner niyang si JC Santos para sa Mea Culpa ng ABS-CBN at produced ng Dreamscape Entertainment.

 

Twice nang nag-tambal sa pelikula sina Bela at JC, sa 100 Tula Para kay Stella last year at The Day After Valentine’s na ipinalabas nito lang nakaraang August. Both movies were declared the biggest crowd drawers in their respective years sa Pista ng Pelikulang Pilipino. Proof na may cult following ang tambalang Bela-JC.

 

Bagamat natatawa si Bela na tawaging ka-loveteam si JC—dahil kapwa na raw sila may edad at hindi na mga teenagers para sa bansag na loveteam—ay excited na raw siyang simulan ang first TV project nila dahil hindi pa raw nila alam ni JC kung paano titimplahin ang atake nila sa pagiging magka-loveteam nila rito.

 

“Meron pa ring mga kilig scenes,” k’wento ni Bela sa Pikapika. “No’ng kinukwento nila sa amin, actually kinikilig na ako, e. At saka first time kong magkaka-trabaho si JC sa isang soap [opera] na araw-araw so kailangan din naming ibahin kasi pag pelikula buo mo nang napapanood diba? E, pag soap, ang dami naming kailangang ibigay kasi buong story kami ’yongparang siya ’yong loveteam ko doon sa show so kailangan siguro nagma-mature ’yong love? Hindi ko rin alam.”

 

Inalam namin kay Bela kung sino sa kanila ni JC ang “may kasalanan” dahil ang working title na Mea Culpa, na isang Latin word, ay nangangahulugan ng pag-amin sa kasalanan.

 

“Ang ganda niya kasi lahat may fault… lahat kami, we all share a common denominator doon sa soap kaya Mea Culpa ’yong title niya—although alam ko working title palang din siya right now—but basically ’yon ’yong story—lahat kami may contribution sa isang malaking kasalanan.”

 

By lahat, Bela meant the bigwig cast that includes Tony Labrusca, Janice de Belen, Ivana Alawi, Kit Thompson, Sandino Martin, Ayen Laurel, and Ketchup Eusebio.

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.