Bela Padilla and Norman Ben Bay shower each other with love and appreciation on their third anniversary

PHOTOS: @bela & @nocir on Instagram

PHOTOS: @bela & @nocir on Instagram

Nagpalitan ng sweet messages ang actress-director na si Bela Padilla at ang kanyang Swiss-Italian boyfriend na si Norman Bay. 

Nag-celebrate kasi ng kanilang third anniversary as a couple ang dalawa kahapon, February 22, kaya naman may special message sila sa isa't-isa na idinaan nila sa kani-kanilang Instagram.

Ayon kay Bela, ang nobyo na niyang si Norman umano ang pinakamabait na taong nakilala niya.  

"Happy anniversary, cutie! You’re the kindest person I’ve ever met and you always make me choose kindness too. Thank you for being exactly who you are [red heart emoji]," saad ng aktres sa kanyang post kalakip ang black and photo nila ng kanyang nobyo.

Thankful naman daw si Norman kay Bela for being on his side sa lahat ng oras. 

"To the powerful light that brings colour into my life, that even at night I know I’m never alone. I love you, thank you for being there through everything and anything [red heart emoji]," he wrote.

Taong 2017 nang magkakilala sina Bela at Norman noong magpunta ang aktres sa Zurich, Switzerland para mag-shoot ng kanyang pelikula.

Mula noon ay naging magkaibigan ang dalawa, hanggang sa i-level up nila ang kanilang status bilang magkasintahan noong 2020.

Happy anniversary, Bela and Norman!

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.