Kung mabibigyan ng chance ay game daw na makasama ng actress-writer and director na si Bela Padilla ang pinsan n’yang si Daniel Padilla sa isang pelikula.
Ayon iyan sa naging tugon n’ya sa tanong at suggestion ng isa sa kanyang mga supporters.
Nagkaroon kasi ng question-and-answer session si Bela with her fans sa Twitter nitong weekend at isa nga sa kanyang taga-suporta ang nagtanong kung naisip ba n’yang makasama ang Kapamilya actor-singer sa isang movie.
“[I]’m also just curious. [H]ow do you feel about working with [D]aniel [Padilla] & what genre do you hope to work in, if given the chance? [A]s you both are excellent at what you do, it’s great to see you in one film,” saad ng isang fan.
Sinagot naman ito ng aktres at sinabing willing s’yang makatrabaho ang kanyang pinsan. Kung sakaling matuloy ito, gusto umano n’yang crime or horror film ang pagsasamahan nila.
“I’d love to! He’s an amazing actor. I’d love to do a heist film/psycho thriller with DJ to show his range,” she answered.
Ikina-excite tuloy ng mga fans ang inilahad na ito ni Bela.
Mukhang namang magiging swak ang opportunity na ito para sa dalawang Padilla.
Matatandaang nagpahiwatig si Daniel at kanyang love team partner and girlfriend na si Kathryn Bernardo nito lang nakalipas na October na hindi na muna sila magsasama sa projets para makapag-explore sila sa kani-kanilang career.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber