Bela Padilla, hindi in-expect na kikiligin sa mga eksena nila ni Marco Gumabao; "Sobrang rare na kiligin ako scenes na ginagawa ko.”

“Nakakatuwa. Hindi ko rin in-expect na [kikiligin ako] kasi nga ang tagal na namin magkaibigan [ni Marco]. Sabi ko, it can work either way—it can go really, really well or it doesn’t work at all kasi nga magkaibigan kayo. So, walang spark, wala ring in between. So, shocking ito for me but in a very pleasant way.” —Bela Padilla on her onscreen chemistry with Marco Gumabao

PHOTOS: @bela & @viva_films on Instagram

“Nakakatuwa. Hindi ko rin in-expect na [kikiligin ako] kasi nga ang tagal na namin magkaibigan [ni Marco]. Sabi ko, it can work either way—it can go really, really well or it doesn’t work at all kasi nga magkaibigan kayo. So, walang spark, wala ring in between. So, shocking ito for me but in a very pleasant way.” —Bela Padilla on her onscreen chemistry with Marco Gumabao

Hindi daw inaasahan ng actress-writer and director na si Bela Padilla na kikiligin s’ya sa team up nila ng aktor na si Marco Gumabao

Inamin n’ya ito sa press conference nila last January 30 after ng red-carpet premiere ng movie nilang Spellbound, ang Philippine adaptation ng 2011 hit Korean romance-horror film na may kaparehong tile. 

Napuri kasi nang todo ng mga nanood na members ng entertainment press ang mga lead stars ng pelikula, namely Bela and Marco, dahil nakapaghatid sila ng unexpected kilig kahit pa ito ang unang beses lang nilang naging magkapareha sa pelikula. 

First time lang ding napanood nina Marco at Bela ang kabuuan ng kanilang pelikula na na-shoot na nila bago mag-pandemic. At aminado si Bela na maski siya ay nasurpresa na may chemistry pala sila ni Marco.

“Actually, nu’ng nagtatanong kayo, tinanong ko kay Direk Jals [Zarate], ‘Nu’ng naghu-shooting ba tayo, nu’ng pinapanood mo ’yong rushes [raw footage], napi-feel mo ba ’yong chemistry [sa amin ni Marco]? Kasi sa set ginagawa lang naming ’yong trabaho namin. Hindi ko in-expect na ganito s’ya sa screen,” masayang pag-amin ni Bela sa press. 

Naka-ilang romance movie na rin naman si Bela, pero aniya, bihira lang daw s’yang kiligin sa mga eksenang n’ya kaya hindi daw n’ya inasahang kikiligin s’ya sa mga eksena nila ni Marco. But she did.

“Actually, kanina, noong nanoood tayo, may isang eksena na naapektuhan ako. Sobra akong natahimik na, ‘Ay, nakakakilig ’yong scenes.’ ’Yong sa phone call [scene],” pagbabahagi ng talented Viva artist.

Nagulat ako na, ‘Ah…okey.’ Kinilig ako sa tanda ko na rin pong ’to. Hahaha! Kinilig ako sa scene. Sobrang rare na kiligin ako scenes na ginagawa ko.”

Matagal na umano silang magkaibigan ni Marco at wala naman daw spark sa kanilang dalawa. Kaya ang naramdaman n’yang kilig sa napanood n’ya ay hindi raw talaga n’ya in-expect at all.

Nakakatuwa. Hindi ko rin in-expect kasi nga ang tagal na namin magkaibigan [ni Marco]. Sabi ko, it can work either way—it can go really, really well or it doesn’t work at all kasi nga magkaibigan kayo. So, walang spark, wala ring in between. So, shocking ito for me but in a very pleasant way,” saad pa n’ya.

Ganu’n din naman daw ang naramdaman ng Viva hunk na si Marco. Bagama't aminado siyang kabado siya bago magsimula ang premiere night lalo pa't after almost three years ay saka pa lang nila iyon mapapanood.

“First time rin po namin mapanood ’yong film. Nagulat din po kami sa naging [kinalabasan]. Kinakabahan kami kanina backstage kung hindi n’yo lang po alam. Sobrang kinakabahan kami because three years na nga po itong [pelikula], ’di ba… in the making,” lahad ni Marco. 

“And at the same time, some scenes…hindi ko na naaalala. ’Yong hospital scenes, I don’t remember shooting those scenes. So, alam mo ’yon, hindi namin alam kung anong ie-expect namin,” dagdag pa n’ya.

Palagay naman ng aktor, nakatulong nang malaki ang pagiging magkaibigan nila ni Bela para mapalabas nila ang chemistry ng mga characters nila. At nangyari daw ’yon dahil komportable na sila sa isa’t isa.

“But, feeling ko, nakatulong talaga ’yong… S’yempre, matagal na naming magkaibigan ni Bela. So siguro, nu’ng ginagawa namin ’yong mga eksena namin, it was easier for us to work together,” pagtatapos n’ya.

Maliban kina Bela at Marco, kasama rin sa pelikula sina Rhen Escaño, Cindy Miranda, Benj Manalo, Ronnie Liang, at Moi Bien.

Palabas na ngayon ang Spellbound in over 160 cinemas nationwide.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Marco Gumabao and Bela Padilla join forces in the Filipino adaptation of the Korean film, Spellbound

Josef Elizalde sa joke na siya na ang “bagong prinsipe” ng Vivamax: “Alam naman natin lahat na si Marco Gumabao pa rin.”

Pika's Pick: Bela Padilla gets featured in Forbes Magazine Korea; talks about new movie If

Bela Padilla, game sa suggestion na magsama sila ni Daniel Padilla sa pelikula

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.