Bela Padilla, nagsampa ng kasong unjust vexation laban sa stalker na nagpakilalang “classmate” at “boyfriend” para makapasok sa condo niya

Inireklamo ng aktres ang pagpupumilit umano ng isang lalaking nagpakilalang dating “ka-klase” umano ni Bela sa Davao para makita at makausap ang aktres. Base sa official na salaysay ni Bela sa piskalya na nakalap ng pikapika.ph, nangyari umano ang insidente mga bandang 8:20 ng gabi sa parking lot ng condo unit na tinitirhan ng aktres.

Photos: @bela

Inireklamo ng aktres ang pagpupumilit umano ng isang lalaking nagpakilalang dating “ka-klase” umano ni Bela sa Davao para makita at makausap ang aktres. Base sa official na salaysay ni Bela sa piskalya na nakalap ng pikapika.ph, nangyari umano ang insidente mga bandang 8:20 ng gabi sa parking lot ng condo unit na tinitirhan ng aktres.

Kaninang umaga, nagsampa ng kasong “unjust vexation” ang aktres na si Bela Padilla—Krista Elyse Hildalgo Sullivan offscreen—sa tanggapan ni City Assistant Prosecutor Dante Jerome Agra sa Mandaluyong City Fiscal’s Office laban sa isang 33-year old na lalaking napag-alamang taga-Parañaque City.

Prior to that ay nakapagpa-blotter na rin si Bela sa Mandaluyong Police station noon namang July 10.

Inireklamo ng aktres ang pagpupumilit umano ng isang lalaking nagpakilalang dating “ka-klase” umano ni Bela sa Davao para makita at makausap ang aktres.

Base sa official na salaysay ni Bela sa piskalya na nakalap ng pikapika.ph, nangyari umano ang insidente mga bandang 8:20 ng gabi sa parking lot ng condo unit na tinitirhan ng aktres.

Kumakain umano siya ng hapunan nang, as per protocol, ay tumawag ang guard ng condominium para sabihing may bisita siyang lalaki—na may kasama pa umanong dalawa pang lalaki. Sinabi umano ng lalaki na dati siyang ka-klase ni Bela sa Davao na agad naging red flag kay Bela dahil hindi naman siya nag-aral kailanman sa Davao.

Sinabihan umano ni Bela ang guard na hingan ito ng ID at doon mas lalong nakumpirma na hindi ito kilala ni Bela.

Pero nagpumilit pa rin umano ang lalaki na makapasok sa condominium at ang panibago nitong sinabi ay “boyfriend” umano siya ng aktres.

Nang maki-alam na ang mga Barangay officials na nakakasakop sa condominium ni Bela ay saka lamang umalis ang lalaki at mga kasama nito.

Pero hindi pa umano doon natapos ang lahat dahil agad raw tumawag ang hair stylist ni Bela sa kanya para ipaalam na may isang lalaking nagme-message umano sa kanya sa Messenger app ng Facebook. 

Kung anu-ano umano ang sinasabi ng lalaki sa hair stylist ni Bela gaya ng gusto nito umanong makita si Bela dahil mahal na mahal umano niya ito.

Nang busisiin nila ang larawan ng lalaking nagme-message sa hair stylist ni Bela ay lumabas na ito rin ang lalaking nagpupumilit makapasok sa kanyang condominium.

Doon na raw pinayuhan si Bela ng kanyang mga kapitbahay na dumulog na sa pulis at magsampa ng reklamo.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Bela Padilla clarifies involvement in Sagada SONA shooting with Piolo Pascual and Joyce Bernal; says she’s not a DDS

The Angelica Panganiban-Bela Padilla-Kim Chiu exchanges of affections show how much stronger their friendship has become

Bela Padilla reshares 3M COVID-19 donation breakdown to appease doubters

Pika's Pick: Bela Padilla reports on how the donation money was used and asks suggestions on how to use the remnants; says she’s doing relief effort part 2.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.