Uuwi na pala dapat sa London ang actress-director na si Bela Padilla nitong March 19 pero ipagpapaliban daw muna n’ya ito.
Nakapasok kasi bilang entry ang pelikula n’yang Yung Libro Sa Napanood Ko sa first-ever Summer Metro Manila Film Festival (MMFF) next month kaya naman mae-extend ang pamamalagi n’ya sa bansa.
(Since late 2021 ay sa London, England na piniling manirahan ni Bela.)
Pagtatapat ng talented Viva artist, hindi n’ya daw inasahan na mapapabilang ang movie n’ya sa walong official entries na maglalaban-laban sa paparating na film fest.
“Hindi ko nga alam na ipapasok s’ya ng Viva. Akala ko this movie will come out later this year. So dapat flight ko na pauwi ng London bukas,” lahad n’ya entertainment press sa media conference nila last March 18.
Wala nga daw nagbalita sa kanya tungkol dito at nalaman na lang umano n’ya ang good news na ito sa social media.
Ganu’n pa man, nagpapasalamat daw s’ya sa ibinigay na tiwala sa kanya ng Viva.
“Sa Twitter ko nga lang nakita na pasok na s’ya sa MMFF. So I’m thankful for Viva because they do these things na hindi ako nape-pressure,” aniya.
“Hindi nila sinabi siguro para hindi ako mag-expect na makapasok kaya o hindi. Nalaman ko na lang nu’ng pasok na. So thank you so much.”
Hindi naman daw kasi ganu’ng kasimple ang pinagdaanan nila sa paggawa ng pelikula kaya’t malaking bagay din na mapasali ang obra nila sa walong official entries mula sa 33 na mga pelikulang pinagpilian.
“Actually, araw-araw ang dami naming group chat. May group chat kami for production design, for styling, for hair and make up… Parang lahat iintindihin mo talaga down to the smallest details,” pagde-detalye n’ya sa naging proseso nila.
“Parang you have to be very mentally prepared, I guess, pag sinabak mo s’ya.”
Natanong din ng press people ang Filipino-British filmmaker kung anong satisfaction ang nakukuha n’ya sa pagiging direktor.
“Siguro dahil wala akong [sariling] pamilya, wala akong asawa, wala akong anak so hindi ako responsable sa other people. I only take care of myself,” sagot n’ya.
“But on set, I guess, [fulfilling maging] direktor dahil lahat ng tao tinitingnan mo kung okey sila. I get that feeling of a being part of a big family. I think that’s the level of satisfaction. Parang personal, familial, ’yon,” dagdag paliwanag pa ni Bela.
Hiling naman ang aktres, mapanood daw sana ng viewers ang kanilang pelikula dahil tiyak na makaka-relate umano ang mga ito sa kwento at mga karakter nila.
Maliban pa sa karamihan ng eksena nila ay kinunan sa Seoul sa South Korea, maraming aral din daw ang mapupulot ng mga manonood sa movie nila.
“I really hope na mapanood s’ya. It’s very different pero very socially relevant. We discuss socially relevant issues to Filipinos, to Koreans, to anybody in the world…makaka-relate,” pagtatapos ni Bela.
Kasama n’ya sa pelikula sina Boboy Garrovillo, Boy Abunda, Lorna Tolentino, at ang Korean leading man n’yang si Yoo Min-gon.
Mapapanood ang movie’ng Yung Libro Sa Napanood Ko simula April 8 in cinemas nationwide.
YOU MAY ALSO LIKE:
Bela Padilla, niresbakan ang hindi napagbigyang fan sa concert ni Harry Styles
Pika's Pick: Bela Padilla gets featured in Forbes Magazine Korea; talks about new movie If
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber