Bela, walang keber kahit replacement lang kay Claudine

PHOTO: Melo Balingit

PHOTO: Melo Balingit

Kumpirmado nang si Bela Padilla nga ang pumalit sa role na dapat sana ay gagampanan ni Claudine Barretto para sa isang yet-to-be-titled movie under Viva Films na ididirek ni Sigrid Andrea Bernardo at kukuhanan sa Georgia, Russia.

Ito sana ang first project ni Claudine under Viva Films after a long time. Her last movie with Viva was In Your Eyes in 2010 with Anne Curtis and Richard Gutierrez).

Dapat din sana ay reunion movie ito ni Claudine with her ex-loveteam partner and ex-boyfriend na si Mark Anthony Fernandez.

Matatandaang pumirma ng managerial and movie contract si Claudine sa Viva mula pa noong October 2009 and nito lamang January 2018, after makalaya mula sa fourteen-months nitong pagkakakulong sa kasong possession of illegal drugs, ay purmirma rin ng managerial at movie contract si Mark sa Viva. Claudine even graced Mark’s Vica contract signing with her presence kaya noon pa lang ay umugong na ang balita sa possible big-screen project nila. [They starred in the 90’s youth-oriented films, Pare Ko  and Mangarap Ka.]

Pero kamakailan ay lumutang ang balitang nagpa-release diumano si Claudine sa Viva at balitang magbabalik ito sa poder ng Star Cinema at ABS-CBN. Bagamat hindi pa kumpirmado ang balitang ito, marami ang nag-speculate na ang pagkuha kay Bela para sa proyektong para kay Claudine ay senyales na baka totoo ang mga bali-balita.

Hindi na nagpa-tumpik-tumpik pa si Bela at agad niyang inamin sa Pikapika na siya nga ang pumalit kay Claudine sa project at kinumpirma niyang si Xian Lim nga ang papalit sa role na dapat sana ay kay Mark Anthony Fernandez.

Ayon kay Bela, walang kaso sa kanya kung tawagin man siyang replacement. Hindi naman na daw ito bago sa kanya at ang mahalaga raw ay sa kanya napunta ang project, na sa ngayon ay tinatawag muna nilang “Untitled” or “Russian Project” athough technically, ang napabalitang location nila na Georgia—na nasa intersection ng Europe at Asia—ay isa na lamang former Soviet republic.

“Ako kasi I don’t mind, e,” esplika ni Bela sa pikapika.ph. “Naka-ilang beses naman na ako na replacement lang ako sa film, e, like 100 Tula Para Kay Stella, wasn’t meant for me, it was for Jessy [Mendiola] and JM [de Guzman]…ako parang kung sino ’yong nakakagawa ng film and kung ikaw na ’yong pinalabas, I think that’s what matters the most. So hindi ako nao-offend sa kung replacement lang ako…basta nagawa ko nalang ’yong project. ’Yon nalang ’yong iniisip ko.”

Sa kagitnaan ng Oktubre na nakatakdang umalis si Bela at Xian para mag-shoot sa Russia. Bale pa ay lalagare si Bela dahil bukod sa pelikulang ito, uumpisahan na rin ni Bela ang first TV project naman niya with her perennial big-screen partner na si JC Santos, ang Mea Culpa, for ABS-CBN.

Here’s Pikapika’s full interview with Bela Padilla:

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.