All smile ang pagsalubong ni Kapuso comedienne Lovely Abella sa bagong taon.
Sa pangalawang pagkakataon kasi ay muling nag-propose sa kanya ang boyfriend n’yang si Benj Manalo.
This time, maging sa anak daw ni Lovely na si Crisha ay nag-propose din ang Viva artist. At “yes” ang sagot ng mag-ina, s’yempre.
“For 2nd time around I got engaged at nag propose na din si benj sa anak ko para maging Anak na din niya,” lahad ni Lovely sa kanyang Instagram post kagabi, December 31.
Matatandaang nag-propose na last June 2019 si Benj kay Lovely sa isang set ng kunwari ay shooting for a music video.
“[A]ng sarap sa pakiramdam na okay na ang lahat in Gods Perfect time..” pagpapatuloy pa ng dancer-turned actress sa kayang IG post.
“Nak, pangako ko na wala kang kahati, ikaw lang forever @crishakaye_ Babe @benj salamat sa lahat ng pagmamahal, madami mang pinagdaanan pero alam nating sila ang mapapagod sa atin,Cheers babe and Goodjob sa atin..”
Nagpasalamat din ang Bubble Gang actress sa lahat ng lessons na natutuhan n’ya sa nakalipas na taon. Isa na nga marahil dito ang dobleng pag-iingat pagdating sa kalusugan dahil nagka-COVID si Lovely noong August 2020.
“[A]t sayo 2020 thank you lahat ng tinuro mo sa amin, sa lahat ng sakit na binigay mo dahil sa lahat ng yun may bakas man, pero mas marami kaming natutunan..” pahayag pa ng actress-entrepreneur.
“[P]apasukin na namin ang 2021 ng panibagong buhay, sa lahat ng nangyari mas naeexcite na ako sa mga haharapin pa namin ng buong tapang..
“Happy New Year Everyone,” pagtatapos ni Lovely.
Congratulations, Benj at Lovely!
YOU MAY ALSO LIKE: