Benj Manalo, na-sign up ng Viva dahil sa pagka-multi-hyphenate; threat nga ba kay Jerald Napoles?

Kung may competition man gusto kasi namin lahat umangat nang umangat. Lahat kami pare-pareho kami ng mindset. So, I’m just happy now dito na ’yong mga close ko sa industry, since bumalik ako no’ng 2015, e, mga kasama ko sa isang pamilya. ’Yon ’yong importante sa akin.”

PHOTOS: Melo Balingit

Kung may competition man gusto kasi namin lahat umangat nang umangat. Lahat kami pare-pareho kami ng mindset. So, I’m just happy now dito na ’yong mga close ko sa industry, since bumalik ako no’ng 2015, e, mga kasama ko sa isang pamilya. ’Yon ’yong importante sa akin.”

Kaninang hapon, February 6, ay pumirma ng exclusive film and management contract ang dancer-musician-actor na si Benj Manalo sa VIVA Films at VIVA Artists Agency (VAA).

Sa mga suki ng FPJ’s Ang Probinsyano, nakilala si Benj bilang Pinggoy at lumabas na rin sa iba pang bigating shows ng ABS-CBN gaya ng On the Wings of LoveThe Story of UsMy Super D and Kadenang Ginto.

However, sa artista search na StarStruck ng GMA-7 unang nasabak sa pag-aartista si Benj—na, by the way, ay anak ni Eat Bulaga! host Jose Manalo—noong 2005 hanggang sa maging talent siya ng Cornerstone Entertainment (same firm that handles Sam Milby, Julia Montes, and Catriona Gray) for five years.

Nang mag-busy na raw sa mainstream showbiz ang mga theater gems na sina Jerald Napoles at Pepe Herrera, siya raw ang isa sa ni-recommend sa iconic role na boatman Tolits sa Rak of Aegis musicale na siya ring nagbigay-daan para mas lumawak din ang reach ni Benj sa industriya.

This time around, habang inihahanda ni Benj ang wedding nila ni kapuso star Lovely Abella, ay ginusto niyang sabayan daw ito ng pagpapalawak ng kanyang acting career through movies kaya niya naisipang lumipat ng Viva. Maayos naman daw siyang nakapagpaalam sa Cornerstone.

Bukod kasi sa acting, balak ding pasukin ni Benj ang pagbuo ng mga konsepto ng pelikula at sa tingin niya, Viva ang tamang tahahan para sa mga bago niyang gustong gawin.

At ayon naman kay Viva president and COO Vincent del Rosario, ang pagka-multi-hyphenate—meaning versatile at maraming alam gawin—ni Benj ang naka-akit din sa kanila para papirmahin ang aktor dahil kaya nitong i-fill-up ang iba’t ibang needs ng VIVA.

“’Yong multi-hyphenated na mga actors, p’wedeng mag-teatro, pw’deng mag-music...kasi tingin namin kasi diba we’re into music, into movies, into programs on television...kailangan namin ’yong mga talents that can...We’re doing stage [play] now, ’yong Annie Batungbakal sa Resort’s World...

“Lamang ’yong nakakatawid sa iba’t-ibang platforms. So, si Jerald Napoles, si Kim Molina... I think ’yon ang isang strength ni Benj. Gusto namin ma-ano, ma exploit ’yong talent na yon,” paliwanag ni Viva Boss Vincent.

Dagdag paliwanag pa ni Vincent: “S’yempre alam mo pag nagpapapirma si Veronique [del Rosario of Viva Artist Agency] ng artist, kailangan ’yong promiso ma-fullfil namin. Kung hindi matatapatan ng tamang project, sayang naman. Nangangako ka doon sa artist ta’s hindi mo ma-deliver. 

“So, when we sign artists, we see to it na merong pupuntahan ’yong pagsasama...whether maiksi ’yon or 10 years or 20 years—meron ’yon. Hindi inimbento ’yon na kaya 5 or 10 [years]...may reason.”

Agad namang um-agree si VAA head Veronique by saying: “May plano, there’s always a plan.” 

Nagbiro tuloy si Benj na kasama nga raw sa kontrata niya ang pag-aalaga din ng Viva sa anak niya.

Sa part naman ng mataba din ang utak na si Benj, inamin niyang siya ang mismong lumapit sa Viva at naglatag ng mga gusto niyang gawin creatively. At laking tuwa niya nang buksan ng Viva ang pinto nila for him. 

“Sobrang happy po ako kasi unang-una, aminin naman po natin mahirap talaga magkaron ng gano’n kind of contract na mabibigay sa’yo and the trust na binibigay ng Viva is something that I wasn’t really expecting,” lahad ni Benj. “Kasi no’ng lumapit nga ako kina Boss [Vincent], parang ni-lay down ko lang talaga sa kanila ’yong cards ko na this is what I wanna do...I want to expand my career and all in terms of everything. And ayon nagkasundo-sundo kami doon sa mga gusto naming mangyari. I’m just really happy na I’m here.”

Ayon pa kay Vincent, isang araw lang daw naganap ang pag-uusap at sarado agad ang deal. Reasonable daw kasi ang mga propositions ng multi-hyphenate actor.

“Madali pag ano nakagaanan mo ng loob ’yong artist,” say ni Vincent. “Tapos ayon nga, reasonable ang mga nire-request or doable. All deserving naman ’yong mga hinihingi niya so madaling ikasa.”

Ayon naman kay VAA head Veronique, hindi siya nagdalawang-isip kunin si Benj nang lumapit ito dahil una, bumilib na siya dito nang makita niya noon sa OTWOL (On the Wings of Love) ang teleseryeng pinagbidahan nina James Reid at Nadine Lustre.

“Nandoon dati ’yong mga alaga namin diba? Nakita ko na siya doon. So, hindi naman kami parang nagsi-seek out or nama-mirate...Hindi naman okey na...hindi ko din naman alam kung sino’ng may kontrata or kung sino’ng wala. So, pag may lumapit ta’s wala naman sabit... s’yempre you have to be conscious sa ibang managers. Sabi niya wala. Okay everything. Nagpaalam. Sabi ko, let’s help each other.’ Ganyan.”

At this point, muling nilinaw ni Benj na maayos ang pagpapaalaman nila ng Cornerstone. “I make a point naman po doon sa previous management ko naging maayos po ’yong pag hiwalay po namin kasi maliit lang naman po ’yong industriya and maganda din naman po ’yong naging treatment nila sa akin and everything. It’s just that nandoon ako sa phase ng life ko na gusto ko po talaga mag-expand sa career ko.”

At dahil kakapasok lang din sa Viva ng theater-to-mainstream crossover talent na si Jerald Napoles, natanong tuloy si Benj kung sino ang kumpetensya kanino. 

“Lamang lang ako ng balbas sa kanya at saka ng buhok,” patawang sakay ni Benj. “Actually hindi ko naman talaga nakikita si Je na competition.”

At dito na nga nilahad ni Benj ang naging papel ni Je sa professional acting career niya. 

“No’ng 2015, siya pa mismo ha, siya pa mismo ang kumuha sa akin...ang nag-recommend sa akin na, ‘Kunin ninyo si Dombe—Dombe po kasi ’yong ano ko e, kasi Dom Benjamin ako so ’yong nickname ko talaga Dombe—‘kunin ninyo si Dombe, ’yong kapatid ni Nicco Manalo. Siya ang kailangan natin mag-Tolits.’ Siya pa ’yong nag-gano’n.”

Ang tinutukoy ni Benj na Tolits ay ang iconic boatman role sa Rak of Aegis na siya ring nagbigay-daan para mapansin sa mainstream sina Jerald at Pepe Herrera.

“Kasi that time nam-moroblema na silang dalawa ni Pepe Herrera sa career nila kasi pareho silang nagbu-bloom that time. And given that kind of welcome sa’kin ni Je is something that I treasure. 

“I don’t see him as a competition. Kung may competition man gusto kasi namin lahat umangat nang umangat, gusto namin mag....—hindi showbiz na sagot ’yon promise—gusto namin magtulungan talaga umangat... pataas nang pataas. Kahit si Kim [Molina]. Lahat kami pare-pareho kami ng mindset. So, I’m just happy now dito na ’yong mga close ko sa industry since bumalik ako no’ng 2015, e, mga kasama ko sa isang pamilya. ’Yon ’yong importante sa akin.”

So, hindi sila threat sa isa’t isa?

“Hindi, hindi e, kasi may ibang need si Je, e...[Pero sige], gawa po tayo ng issue. Hahaha,” birong sakay ni Benj.

“Pero hindi po, e. Kung meron naman mas nandoon kami sa side na mas gusto namin paangatin ’yong isa’t isa kasi at the end of the day pare-pareho kaming magbe-benifit doon. We’re friends and sometimes lovers...”

Bukod sa kasama si Benj sa inaabangang Julia Montes TV return na 24/7 ay kasali rin pala siya sa Bela Padilla-Marco Gumabao starrer a Spellbound  na  kinaki-excite-an niya dahil first time daw niyang makaka-trabaho si Bela.

May isang movie pa raw na pagsasamahan kay Benj from the 34 movies na nilatag ng Viva sa press kamakailan. Pero ngayon palang ay tila iniisipan na sila ng concept para pagsamahin sila nina Jerald Napoles at iba pa na mala-Gamol group nina Andrew E., Janno Gibbs, at Dennis Padilla noong 90s.

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.