Benj Manalo, nanghihinayang sa JaDine tandem; aminadong nasasaktan din sa pambaba-bash umano sa kanya ng mga JaDine fans

"Masakit lang kasi bina-bash ako. 'Ah plastic ka! Ah plastic ka!' Sabi ko, 'Where? Wala naman akong plastic.'  "Kasi nila-like ko daw 'yong mga post ni James. Ahas daw si James. Sabi ko, 'Huh? Ano’ng kinalaman ko dito?' Ganun din naman sa side ni James kapag nila-like ko 'yong mga post ni Nadine."

PHOTO: Melo Balingit

"Masakit lang kasi bina-bash ako. 'Ah plastic ka! Ah plastic ka!' Sabi ko, 'Where? Wala naman akong plastic.' "Kasi nila-like ko daw 'yong mga post ni James. Ahas daw si James. Sabi ko, 'Huh? Ano’ng kinalaman ko dito?' Ganun din naman sa side ni James kapag nila-like ko 'yong mga post ni Nadine."

Opisyal nang pumirma ng kontrata ang aktor na si Benj Manalo, ang anak ni Dabarkads Jose Manalo, sa Viva Films at Viva Artist Agency [VAA] kahapon, February 6.

Matapos ang contract signing, natanong si Benj sa mga gagawin nya under Viva at maging sa mga nagawa n'yang mga projects in the past.

Unknown to many, unang lumabas si Benj sa Kapuso artista search na StarStruck bago sya naging artist under Cor­ner­stone En­ter­tain­ment at napasama sa musical show na Rak of Aegis.

Naging cast din si Benj ng mga naglalakihang Kapamilya shows gaya ng FPJ’s Ang Probin­syano, Kadenang Ginto, at On the Wings of Love [OTWOL] na pinagbidahan nina James Reid at Nadine Lustre.

Dito, naungkat ng entertainment press kung nasaksihan ba nya personally ang pag-bloom ng romance sa pagitan nina James at Nadine na nito lamang January ay umaming hiwalay na.

"Actually, oo," sagot ni Benj. "Nakita ko talaga doon kasi lagi naming kasama si James sa tent. Kaming dalawa ni Paeng [Rafael Sudayan]. Tapos nakahiwalay si Nads [Nadine].”

K’wento pa ng aktor na noon ay gumanap na Axl sa nabanggit na serye, naramdaman daw nila ang namuong romance sa Jadine love team bago pa man matapos ang Kapamilya primetime drama noong 2016.

"Hanggang no’ng, siguro, mga pa-latter part na ng OTWOL days, 'yon na 'yong time na, siguro tao lang, mararamdaman mo na parang may something na. Parang 'di na 'to love team. Hanggang doon na [sa tent ni Nadine] tumitent si kuya mo [James]. Gano’n. Na parang, 'Ah okay. Understandable na 'to.'"

At kalaunan nga bago matapos ang pinagbidahan nilang teleserye ay umamin ang dalawa.

Dahil na-witness niya nang personal, natanong si Benj kung ano ang naging reaction n'ya matapos nga na umamin noon ang dalawa sa kanilang relasyon.

"’Wooh! Talaga?’”pa-kengkoy na sagot ni Benj sa press. "'Di joke. Alam ko na 'yon, e. Na-shoock ako kunwari."

Pero mas na-shook daw talaga ang aktor nang mabalitaang nag-split na ang Jadine.

Dagdag chika pa ng theater and TV actor, naba-bash daw s'ya ngayon ng mga fans na pro-James at pro-Nadine kapag nila-like n'ya ang post ng alinman sa dalawang Kapamilya stars.

"May mga buma-bash din sa'kin kasi nila-like ko 'yong mga post ni James. May mga buma-bash din naman sa akin sa side ni James [kapag] nila-like ko 'yong [posts ni Nadine].

"Pareho ko lang naman silang nakatrabaho't naging kaibigan, so...ano na 'yon. Private life na nila 'yon. And I respect their decision as long as they're happy.

'Yon 'yong pinaka-importante kasi, siguro sa'kin amongst anything, importante 'yong peace of mind ng bawat isa eh. Siguro 'yon na 'yong hindi natin kailangang matanggal sa mga tao, especially sa industriyang very... ano eh, alam naman na magulo talaga.

Pag-amin ni Benj, nasaktan din s'ya kahit papano sa mga ibinabato sa kanya ng mga bashers online.

"Masakit lang kasi bina-bash ako. 'Ah plastic ka! Ah plastic ka!' Sabi ko, 'Where? Wala naman akong plastic.'

"Kasi nila-like ko daw 'yong mga post ni James. Ahas daw si James. Sabi ko, 'Huh? Ano’ng kinalaman ko dito?'

"Ganun din naman sa side ni James kapag nila-like ko 'yong mga post ni Nadine."

Nilinaw ni Benj na wala s'yang kinakampihan kina James at Nadine. Isa nga raw s'ya sa mga fans na nanghinayang matapos nga na maghiwalay ang dalawa.

"Nakakapanghinayang kasi nakita mo 'yong growth nung dalawa, e. Nakita mo mahal na mahal nila 'yong isa't isa. So, nakaka-sad lang.

"To be honest, naging fan ako. Naging fan talaga ako walang halong biro. Oo, promise. Naging fan talaga ako. Kaya rin kami naging ganun ka-supportive ni Paeng sa dalawa.

"Ngayon, naging fan ako kasi, wala e, nakakakilig sila, e. Nakakakilig sila. On and off cam, that time, sobrang nakakakilig sila.

"And kapag nakikita ko sila lumalabas, makikita ko sila somewhere, they're still the same people na nakatrabaho ko. Like, kahit sabihin mong matagal kaming hindi nagkita, 'Yong kwento ni James, 'Oh, bro, what's up...’ Wala akong naintindihan puro English eh.”

Sa ngayon daw hindi pa nakakausap ni Benj ang alin man kina James at Nadine. Okay na rin daw 'yon para mabigyan ng panahon ng dating magkarelasyon ang kanilang mga sarili.

"Kasi this is the time na they wanted to have that complete privacy for themselves. Para at east hindi na sila maguluhan.

"Let's be honest, kapag nadidiktahan kasi tayo ng mga tao sa naririnig natin, doon napupunta 'yong decision-makings natin.

"And feeling ko ito 'yong pinaka-crucial part sa kanila if they wanna be apart or maybe just time off or anything.

"Alam mo 'yon? Anything can happen e. James and Nadine is a power couple already and hindi man sa business side pero nakita naman natin na they really love each other so.”

Ngayong nasa Viva na si Benj, balak niyang pasukin ang filmmaking, maliban pa sa plano n'ya na pagpapalawak ng kanyang acting career.

Congratulations, Benj!

 

YOU MAY ALSO LIKE: 

Nadine Lustre claps back at fan saying JaDine has broken up!

JaDine fans react to news of alleged break-up of James Reid and Nadine Lustre

A walk down the JaDine memory lane: A video compilation of their sweet moments that made them—and us— fall in love.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.