Benjamin Alves, iniiyakan ng girlfriend tuwing magla-lock-in taping

Benjamin Alves sa kasintahang si Chelsea Robato once matapos ang kanyang lock-in: “I promise a long deserved trip after this. Wait for me.”

Photos: @benxalves

Benjamin Alves sa kasintahang si Chelsea Robato once matapos ang kanyang lock-in: “I promise a long deserved trip after this. Wait for me.”

Kahit ang pagla-lock-in taping ng mga artista ngayon ay nagiging mahirap na para sa mga pamilya o sa mga partners na maiiwan nila nang matagal. At mahirap din s’yempre sa loob ng mga artistang mawalay sa mga minamahal. Relate na relate sila ngayon sa pakiramdam ng mga OFW (Overseas Filipino Workers).

 

Katulad nalang ng Kapuso actor na si Benjamin Alves na nagpe-prepara na para sa magiging lock-in taping nito sa bagong GMA Teleserye na Artikulo 247, kung saan makakasama niya sina Rhian Ramos, Mark Herras, at Kris Bernal.

 

Naka-hotel quarantine muna, at press time, ang aktor at kapag nag-negatibo sa PCR swab test ay diretso na siya sa kanyang  lock-in taping na posibleng tumagal ng isang buwan.

 

Base sa Instagram post ni Benjamin, kahapon, September 27, tila naging emosyonal ito dahil iiwan  niya ang girlfriend—ang model na si Chelsea Robato—nang mahaba-habang panahon. Hindi raw talaga madaling gawin ito sa tuwing kakailanganin niyang mag-lock-in taping.

 

Nabanggit nga niya sa caption niya na umiiyak umano ang kanyang girlfriend sa tuwing mangyayari ito. Kung kaya lang daw niya ay ayaw raw niyang paulit-ulit niyang gawin ito dito.

 

Nangako naman si Benjamin na pagkatapos ng lock-in taping niya ay ilo-long drive niya ang kasintahan. At tila binigyan din niya ng assurance si Chelsea na kahit na magkalayo sila, sigurado raw na ito pa rin ang uuwian niya pag balik niya.

 

“Shoutout to the woman of my dreams,” panimula ni Benj sa kanyang IG post.

 

“Thank you for your sacrifice and strength: allowing me to work for weeks on end. I know it’s never easy, and hearing you cry while I leave the house is an experience I don’t want to repeat too often.

 

“You’re the strongest woman I know; bless your heart and courage.

 

“Know that I will always come home to you.

I love you babe.

 

“I promise a long deserved trip after this.

Wait for me.”

 

Sweet na nag-reply naman si Chelsea sa post na ito ni Benjamin, her boyfriend of two years.

 

“Proud of you baby. I love you so much. I’ll miss you everyday.”

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.