Beth Tamayo is now Mrs. Adam Hutchinson!

PHOTOS: @akhutchi & @bethtamayo21 on Instagram

PHOTOS: @akhutchi & @bethtamayo21 on Instagram

Dumagdag sa listahan ng mga celebrities na ikinasal ngayong panahon ng pandemya ang US-base na dating aktres na si Beth Tamayo.

Nagpakasal si Beth at ang American boyfriend n’yang si Adam Hutchinson nitong March 3 [March 4 sa Pilipinas] sa kanilang bahay sa Bay Area, sa San Francisco, California.

At dahil may on-going pandemic, simple pero modern ang naging kasal dahil nagpalitan ang dalawa ng kanilang wedding vows via online. 

Matatandaan na naibahagi pa last November 2020 ni Beth sa exclusive virtual interview sa kanya noon nina Butch Francisco at Anna Pingol sa online show na This Is Showbiz na small and simple wedding lang ang gusto n’ya. At tila ganu’n nga ang nangyari. 

Kahapon, March 4, ibinahagi ng 41-year-old actress-turned-executive assistant sa Instagram ang kanyang one of kind wedding experience.

“3.3.2021 [three red hearts emojis] Getting married during the pandemic was quite an experience,” panimula ni Beth sa kanyang post.  

“Ceremony is now online; very limited people to invite (even if it’s already remote) and all of this is happening at the comfort of our own home. 

“We even used a toolbox as our laptop stand! So classy!”

Sey pa n’ya, once na maging okey daw ang situation ay plano nila na magkaroon ng celebration kung saan p’wedeng maka-attend ang kani-kanilang pamilya at mga kabigan. 

“When it is SAFE, we will definitely celebrate with our family and friends and have the best time ever!” lahad n’ya.

Hindi rin n’ya nakaligtaang pasalamatan ang mga tumulong at naging bahagi ng kanilang kasal ni Adam kaya nairaos nila ito nang matiwasay. 

“Wanted to personally thank our friend @hannapotamus for taking the time to join us and help with last minute stuff and taking our pictures. To @ncueto19 for taking care of our flowers! My sister @joanne_414 who was one of our witnesses and surprised us with an awesome yard sign! 

“To @corbylange who officiated. To my in-laws Russ and @juliegma6 [three red hearts emojis]. To my mom @tamayozeny who woke up early to watch it behind the scenes. 

“To my co-workers and friends who sent us flowers. To everyone who texted us and sent their best wishes, THANK YOU! We feel the love and appreciate you all! Love you guys!” pagtatapos ni Beth.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Beth Tamayo (@bethtamayo21)

Dinagsa naman sila ng pagbati mula sa fans at mga kaibigan gaya na lang ng BFF n’yang si Judy Ann Santos at husband nitong si Ryan Agoncillo, ang talent manager na si Noel Ferrer, at aktres na si Nikki Valdez.

SCREENSHOT: @bethtamayo21 on Instagram

Congratulations and best wishes, Adam and Beth!

PANOORIN ang This Is Showbiz interview kay Beth Tamayo dito:

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Exclusive: Beth Tamayo, small and simple lang ang gustong kasalan with her American fiance

This is Showbiz (Ep.11): Mga hirap at sarap ng buhay-Amerika ni Beth Tamayo

Beth Tamayo world runner na!

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.