Bianca Lapus, na-cyberbully dahil sa aso

PHOTO: @biancalapus

PHOTO: @biancalapus

Noong Biyernes, September 14, ay nakatanggap ang pikapika.ph ng isang message na may kalakip na screengrab ng isang Facebook [FB] post ng isang nagngangalang Chere Giosko.

 

Ang nasabing FB post ay tumutukoy sa isang aktres na diumano’y nang-abandona ng kanyang 11-year-old na aso—isang pug named Badong—na diumano’y iniwan na lamang ng aktres sa Mount Sinai Veterinary Clinic sa Taguig City. Ayon pa sa post, ayaw diumanong bayaran ng aktres ang accumulated bills nito sa apat na buwang pagkakalagak sa aso sa nasabing clinic kaya minabuti na ng clinic na ihanap nalang nito ng bagong adoptive family or individuals.

 

Nang buksan naming ang FB page ni Giosko—na sa obserbasyon namin ay isang dog lover—naroon pa rin ang post.

 

Ang kabuuang message ni Giosko (published as is), posted at 1:53 am on September 12, reads:

“Today I met an 11 year old pug named Badong. Badong was diagnosed with ehrlichia at Mount Sinai Veterinary clinic last May. The owner (an actress who cannot be named), insisted for him to be admitted (which is not necessary). I would also like to include that he arrived looking emaciated and dirty. 

 

“Lucky for Badong, he has now fully recovered from the disease,as a result of the care given by Mt Sinai, but it is heartbreaking to say his owners didn't want him back, and refused to pay for his medical bills.” 

 

“Because of this abandonment, it's been four months since Badong is at Mt Sinai Vet Clinic in Taguig. He is now up for adoption and will need full time care from a loving person or family. Welcoming donations as well.”

 

 

 

 

 

Ayon sa nagpadala sa amin ng screengrab post, si Bianca Lapus diumano ay ang tinutukoy na aktres, bagamat hindi naman binanggit ang pangalan nito.

 

Kasunod nito ay pinadala rin sa Pikapika ng message sender ang isa pang screengrab na FB post naman ni Bianca, kung saan tila ina-address nito ang isyu at ipinagtatanggol ang sarili sa nasabing blind item FB post ni Giosko.

 

Narito naman ang kabuuang post ni Bianca, posted noong gabi rin ng September 12 (also published as is):

 

“There are Pros and Cons of being in the public eye it can lead to hurtful judgement. Sometimes, you wonder if you ever regret sharing your world to everyone. To be honest, i don't because i know the truth and my Lord knows my heart and when i get to help or inspire or even make other people smile because of my presence, or with the little advice or words of encouragement to a stranger, i am always grateful that i was given a chance to be where i am. and to be able to connect to people, mostly moms or women struggling with their weight, breastfeeding, raising kids, etc. But 1 one sided issue can actually ruin all these beautiful things. People will praise you for all of it but in just 1 snap if they hear something negative, all these even when they dont know the whole story, even when they dont know wether you are innocent or have valid reasons, even when they dont know the real you, they will all forget the beautiful things you've done and will quickly judge you, give you threats, call you names as if they really know you. I chose to live a simple life, I love my family so much. I dont have much friends but i have few True ones. My dad is one of the greatest veterenarians in the Philippines, infact in the world modesty aside he even has an Award under his name in U.P. for graduating students. Together w/ my Mom, we were raised with good moral values to love and respect everyone no matter what their status in life even our pets like family. We have rescued and adopted several cats and dogs. We own up to our mistakes but we also fight for our rights. I think everything can always be fixed in a peaceful way and amenable agreement.... I must admit among our family members i must have the one who has the softest heart It is not doing me a favor right now especially with my condition, 41 y.o , 15 weeks high risk pregnant mom. I have been staying home due to series of spotting. I dont know whats happening actually but amidst all the messages i got today, i am thankful to all those who are more concerned rather than those who judged quickly, in times like this you will know who are true to you, who will fight for you and who is worthy of your loyalty and love.”

 

Ginamitan niya ito ng mga hashtags na:

#reminder #dontjudge #dontbash #truth#alwaysknowbothsidesofthestory #thinkbeforeyouspeak #bekind#alwayschoosetobethebetterperson

 

 

 

Kinuha namin ang panig ni Bianca tungkol dito at hindi naman niya itinangging nakarating na sa kanya ang balita.

 

Wala raw siyang kaalam-alam na pinagpipiyestahan na pala siya sa social media noong araw na yon kung hindi lang ipinarating sa kanya ang balita ng mga concerned friends. Napagtagpi-tagpi diumano ng mga kaibigan at kaanak niya na siya ang tinutukoy dahil na rin sa napangalanan siya sa ilang comments na deleted na diumano ngayon.

 

Kung babasahin ang comment thread sa post na iyon ni Giosko ay makikitang durog na durog sa panglalait at panghuhusga ng netizens ang tinutukoy na aktres.

 

Bagay na aminado si Bianca na ikinasama ng loob niya at ikina-stress nang husto, dahilan para mag-spotting diumano siya. (Four months pregnant ngayon si Bianca sa ika-apat niyang anak).

 

“Masakit lang na nahusgahan ka nang hindi naman nakuha ang side mo, na hindi naman nila alam ang puno’t dulo,” hinagpis ni Bianca. “’Yong nag-post, kung talagang for adoption [ng aso ang purpose], okay lang, e, nong nilagyan na ng ‘owned by an actress,’ the netizens focused on that.”

 

Aminado rin si Bianca na may hindi pagkakaunawaan ang clinic at ang asawa niyang si Jim—kasama ang yaya nila—na siya umanong direktang kausap ng clinic tungkol sa sa aso. Pero sana raw ay hindi na idinaan pa ng clinic sa ibang tao ang sitwasyon nila.

Sa ngayon ay ayaw muna niyang magbigay ng detalyadong paliwanag tungkol sa isyu. Pinagbawalan umano siya ng mga kaanak na magsalita, bagkus ay pag-aaralan muna nila bilang pamilya kung ano ang hakbang na gagawin nila.

 

Partikular niyang kinokonsulta ngayon ang tatay niyang si Dr. Zoilo Lapus na isang seasoned veterinarian at isang lawyer.

 

“So I can be guided accordingly,” paliwanag sa amin ni Bianca. “Kasi nga wala akong alam sa naging usapan nila [clinic at Jim]. Ako ang gagawa ng move ngayon to settle with the clinic on my own kasi bottomline, hindi showbiz si Jim at ang yaya ko na kasama ni Jim. Sila ang nakausap nila. At dahil ako ’yong kilala, ako ’yong kinukutya ng tao. And this affected my kids already in school. Hindi ko p’wedeng hayaan nalang ’yon. Nanay ako.

 

“This has gotten out of hand and I am really lost dahil hindi naman ako involved sa usapan kasi nga ini-spare ako ng asawa ko from stress…Mahal namin ng mga anak ko ’yong dog na ’yon, 10 years na sa amin, ni-rescue ni hubby ’yon from the streets in Makati, duguan at madaming tao ang saksi kung paano naming sinave at inaruga ’yon. Di namin makuha sa clinic dahil meron silang hindi mapagkasunduan sa mga dapat bayaran.Yan lang ang alam ko.

 

“Lahat naman p’wede pag-usapan nang maayos pero sobra naman na dinisclose ang identity ng owner. Bawal ’yon. At hindi ako ang nagdala para sabihin na nagmakaawa ako i-admit siya.

 

“Ang dami nang imbentong kwento ng mga tao na hindi naman totoo. Napaka-unfair. At dahil maselan ang kundisyon ko ngayon, buhay ko at nang dinadala kong anak na ang nalalagay sa panganib. Dahil sa stress na ito, ilang beses na ako dinugo. Kahit tanungin pa nila OB-Gyne ko. Pero wala, e, pangalan ko ang naipit at kinutya, damay mga anak ko, pamilya ko kaya tumakbo na ako sa daddy ko at abogado to seek advise.”

 

Hanggang diyan lang daw muna ang p’wede niyang sabihin sa ngayon. Tutal naman daw ay nakapaglahad na rin siya ng saloobin niya sa pinost niyang mensahe sa Facebook.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.