Bianca Umali, aminadong selosa; parking lot incident with Ruru noon, "exaggerated" daw

Kahit na selosa, iginiit ni Bianca Umali na nasa lugar naman siya kung magselos at palaging tama ang kanyang kutob. "'Yong pagkaselosa ko alam ko na nasa lugar, kapag alam ko na mayroon akong pagseselosan du'n ako nagseselos and I have been right all the time," lahad pa niya.

PHOTOS: @bianxa & @rurumadrid8 on Instagram

Kahit na selosa, iginiit ni Bianca Umali na nasa lugar naman siya kung magselos at palaging tama ang kanyang kutob. "'Yong pagkaselosa ko alam ko na nasa lugar, kapag alam ko na mayroon akong pagseselosan du'n ako nagseselos and I have been right all the time," lahad pa niya.

Inamin ni Bianca Umali na selosa siya kapag involved na ang boyfriend niyang si Ruru Madrid.

Sinabi iyan ng aktres sa episode ng Fast Talk With Boy Abunda kahapon, March 7, kung saan siya ang sumalang na celebrity guest.

Isa sa naitanong sa kanya sa show ay kung selosa ba siya at hindi naman niya iyon itinanggi.

Pero paliwanag ng Kapuso star, nasa lugar naman daw siya kung magselos at palaging tama daw ang kanyang kutob.

"I think kaya ko nasasabi na selosa 'ko, especially when it comes to my relationships, is because ganu'n po ako magmahal, that I am territorial," pag-amin ni Bianca.

"And 'yong pagkaselosa ko alam ko na nasa lugar, kapag alam ko na mayroon akong pagseselosan du'n ako nagseselos and I have been right all the time," natatawang lahad pa niya.

Dito na naungkat ang kinasangkutan niyang issue last 2019 kung saan nagselos daw siya nang husto sa premiere night ng Cara x Jagger movie nina Ruru at Jasmine Curtis-Smith.

Ayon sa mga lumabas na balita noon, umabot daw ang away nila sa puntong muntik nang masagasaan ni Bianca si Ruru sa parking lot ng isang mall.

Depensa ni Bianca, totoo raw na may quarrel sila ni Ruru that time pero eksaherado daw ang mga lumabas na write up sa pangyayaring iyon.

"Yes, to clear things out, there was incident. Pero 'yong lahat po ng lumabas na istorya na nababasa n'yo, to the point na muntik ko nang masagasaan…it was exaggerated at some point," saad niya.

Hindi lang naman daw siya basta nagselos dahil ang totoo daw nu'n, ayon kay Bianca, "Merong history na pinanggagalingan."

Isiniwalat pa niya na nag-break sila ng aktor matapos ang insidenteng iyon sa parking lot. Ganu'n pa man, sinuyo daw siya ni Ruru para magkabalikan silang muli.

"Ru did everything that he could to save the relationship as well and to win me back," ani Bianca.

"And I did so much work also to forgive and to say that, 'Okay, let's start again because I love you,'" she added.

Happy naman si Bianca ngayon na sa kauna-unahang pagkakataon ay magtatambal sila ng kanyang nobyo sa teleseryeng The Write One na co-produced ng GMA Network at Viu.

"For the very first time, nagsama na po kami for a project. And it has been a wonderful journey for the both of us," pagbabahagi ng aktres.

"And hindi kami makapaghintay na mapanood na po ng mga tao finally…soon, very soon. Actually on March 20 sa GMA Telebabad and on March 18 sa Viu."

At nang kumustahin naman siya kung paano ang naging working relationship nila ni Ruru sa serye, sinabi niyang meron itong madali at mahirap na parte.

"Mahirap at madali s’ya doon sa point na komportable kayo sa isa’t isa," paliwanag niya kay  Tito Boy.

"Mahirap because you’re too comfortable so you have to step back a bit to be able to work as co-actors and not as a couple. Madali because you’re working with someone you love and you know, you’re familiar with already," pagtatapos niya.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Bianca Umali, pinaiyak si Ruru Madrid sa South Korea

Bianca Umali, nasanay sa heavy drama kaya na-challenge at na-lowbatt sa pagko-comedy: “Ang hirap din pala nang palaging masaya lang. Hahahaha!”

Ruru Madrid at Bianca Umali, hindi pa raw engaged

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.