Aminado ang direktor na si King Mark Baco na may worry s’ya sa pagdi-direk ng mga real-life couples katulad nina Bianca Umali-Ruru Madrid and Mikee Quintos-Paul Salas sa isang project.
Inilahad n’ya ito sa grand media conference at pilot screening ng upcoming teleserye nilang The Write One nitong March 11.
Kinumusta kasi entertainment press ang naging experience n’ya sa pagdi-direk ng mga magkakasintahan.
Ayon kay Direk King, before pa daw nila simulan ang project ay nag-aalala na s’ya dahil nga mga celebrity couples ang lead stars nila.
“To be honest, bago s’ya i-shoot may apprehension ako na, ‘My God. What if mag-away sila? Maaapektuhan ba ’yong performance nila?’ ’Di ba? Normal ’yon, e, ’yong LQ [lovers' quarrel],” lahad ni Direk King.
At nagkatotoo nga daw minsan ang kinakatakot n’yang ito.
“Then one day…” panimulang pagbabalik-tanaw n’ya na ikinatili ng ilang cast members at press people.
Maging si Ruru ay napatayo sa kanyang kinauupuan.
“Ano ’yan?” natatawang tanong ng tila guilty'ng aktor.
“Wait lang. Lalabas ba muna kami, Direk,” natatawang hirit naman ni Bianca.
Pero hindi nagpa-distract ang GMA Public Affairs director.
“Lumapit sa akin ’yong isa sa mga crew, sabi, ‘Direk, may nag-a-unfollow ng IG [Instagram],’” natatawang pagpapatuloy n’ya.
“Oh my God! Sino ’yon? Kilala natin, ’di ba? Tapos nag-worry talaga ako. Sabi ko, ‘Oh, nasaan si Bia…’” pagpipigil pa ni Direk King.
Nakangiting mungkahi naman dito ni Ruru, “Sabihin mo na, Direk.”
And Direk King went on.
“‘Nasaan si Bianca?’ ‘Nasa tent, Direk.’ ‘Anong ginagawa?’ ‘Wala, walang kinakausap.’ ‘Ito na nga ang sinasabi ko, e!’ Alam mo ’yon, ’yong mga ganu’ng [scenario],” pagre-recall n’ya.
Hindi n’ya daw malaman kung paano ia-approach that time ang aktres.
“Bothered lang ako nu’ng araw na ’yon, to be honest. Parang sobrang sensitive ako na lapitan si B [Bianca],” pagpapatuloy ng direktor.
“Parang patay malisya ako na, ‘Oh, B, ito ang gagawin natin ha.’ Ganyan, ganyan, as usual. Pero at the back of my mind, ‘Oh, come on!’”
Ganu’n pa man, namangha daw s’ya sa ipinakitang professionalism nina Bianca at Ruru sa trabaho.
“Pero ang galing lang, sobrang professional naman. Parang okey lang naman. Ayon, ang galing pa rin, ang galing-galing pa rin,” papuri n’ya sa kanyang mga lead actors.
“Ang galing pa rin ng performance, especially itong dalawa, I mean, everybody. Sobra.
“Ako, naiiyak din ako, e, kapag dini-direk ko sila. Nagmumura ako sa sobrang ganda.”
Tawang-tawa naman ang RuCa (Ruru-Bianca] couple nang mahingi ng press people ang side nila sa pambubuko ng kanilang direktor.
“Direk, binuking mo naman ako,” malambing na sabi ni Bianca kay Direk King.
Paliwanag pa n’ya, mababaw na away lang daw ang nangyari at okay ulit sila ng nobyong aktor.
“It was a small fight lang naman so hindi s’ya something na dapat maging big deal. We followed na each other again. Hahaha!” natatawang lahad ni Bianca.
“Ang bilis kasi ng fans, e. So medyo ’yong naging pag-unfollow namin sa isa’t isa was just a spur of the moment, nasa height ng emotion.”
Gaya lang din daw sila ng mga normal na magkasintahan na nagkakatampuhan paminsan-minsan.
“Aminado naman kami na being in a relationship… Wala naman talagang perfect na relationship, ’di ba? You really go through mga mild na tampuhan lalo na for us,” aniya.
“We are together every single day working. It’s normal I guess to get burned a little bit. Pero okey naman.”
Ang mahalaga ay nagawa umano nila nang maayos ang mga eksena nila kahit pa may LQ sila that day.
“Isang buong araw ’yon,” dagdag naman ni Ruru.
Sey pa Bianca, kaya daw nilang ihiwalay ang personal life kapag nasa trabaho sila.
“Siguro it’s a skill I guess, somehow, for an actor to be able to separate ’yong personal life happenings sa trabaho. Kami naman, so far, nagagawa naman namin na hiwalay ang personal issues namin,” pagtitiyak n’ya.
“Kapag nasa eksena kami, when we know we’re working we are working. Hindi makakahadlang kung anuman ’yong nangyayari sa amin off cam,” she concluded.
“Tama naman,” pagsang-ayon ni Ruru sa inilahad ng nobya.
Mapapanood sina Ruru at Bianca, maging ang Kapuso couple din na sina Mikee at Paul kasama ng iba pang cast gaya nina Monching Gutierrez, Lotlot de Leon, Mon Confiado, Royce Cabrera, Kokoy de Santos, at marami pang iba sa The Write One, simula March 18 sa Viu at March 20 sa GMA Telebabad.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber