Bianca Umali, hindi apektado sa natamong pambu-bully at pang-ba-body-shame sa social media; aniya: “...nobody needs any validation from anyone to say how beautiful they are."

PHOTOS: @bianxa on Instagram

PHOTOS: @bianxa on Instagram

Binasag ni Kapuso actress Bianca Umali ang pananahimik four days after niyang maging top trending topic on Twitter dahil sa ipinost n’yang photo sa Instagaram.

Last July 25, nag-share ang 20-year-old actress ng kanyang photo sa IG where she was pictured na naka-off shoulder, naka- wet-hair look and at wlang make up maliban sa red lipstick. Advanced post n’ya sana iyon para sa #NationalLipstickDay. 

Dahil walang makeup kaya marahil mas lumutang ang tila pagpayat ng aktres. 

Inulan ng samu’t saring reaction sa comment section ang nasabing post na karamihan ay di maganda at umabot pa sa puntong bullying at body shaming.

Hindi lang ’yon dahil na-biktima din si Bianca ng mga sexualized comments from the Netizens at maging ang boyfriend n’ya, ang Kapuso actor na si Ruru Madrid, ay nadamay din. 

Hindi raw umano marunong mag-alaga ang binatang aktor, ayon pa sa mga Netizens, at pinayuhan si Bianca na bumalik na lang sa dating n’yang ka-love team na si Miguel Tanfelix.

Dumepensa naman si Ruru sa nobya sa masasakit na salitang ibinato kay Bianca ng mga Netizens. 

At kagabi nga, July 29, sa 24 Oras, nagsalita na si Bianca upang linawin ang naging issue sa IG photo n’ya.

Na-surprise daw ang dalaga nang malamang nag-trending s’ya sa Twitter dahil hindi naman daw s’ya sanay na mapag-usapan sa social media. 

"I was surprised kasi nagising na lang ako isang umaga and then my name was top trending on Twitter," natatawang paliwanag ng Sahaya lead actress kay GMA showbiz reporter Nelson Canlas. 

Kung marami man daw ang nakapansin na pumayat s’ya sa kanyang photo, iyon daw ang epekto ng kanyang mga pinagkakaabalahan habang nasa quarantine. 

"During the quarantine, I did actually focus on myself...self-care..." paliwanag ni Bianca. "I work out daily. I also took care of the things I eat. Nag-filter ako ng lahat ng mga ini-intake ko. And also a lot of yoga. Right now I eat small meals frequently. Maya't maya po ako kumakain pero pakonti-konti lang."

Masaya daw ang Kapuso actress sa kanyang ginagawang pagse-selfcare dahil hindi lang daw s’ya mas naging healthy, kundi may hatid din daw itong “glow” sa kanyang pagkatao.

"Actually, hindi lang po healthier e," tsika pa ni Bianca sa 24 Oras. "I would say na the glow you see after everyone takes care of themselves is 'yong happiness nila. And I think 'yon 'yong masasabi ko na na-achieve ko."

Tila hindi rin apektado si Bianca sa mga panlalait na tinamo these past few days dahil sa kanyang IG photo.  

Aniya: "Everyone is beautiful. Be confident of who you are and how you are. And nobody needs any validation from anyone to say how beautiful they are."

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Bianca Umali, na-bully at body-shame sa kanyang IG post; bf Ruru Madrid, dumepensa sa aktres

Pika's Pick: Bianca Umali’s cheesy post with boyfriend Ruru Madrid elicits kilig reactions from their friends

Pika's Pick: Bianca Umali finds a new hobby: floral arrangement

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.