Bianca Umali, nasanay sa heavy drama kaya na-challenge at na-lowbatt sa pagko-comedy: “Ang hirap din pala nang palaging masaya lang. Hahahaha!”

Dahil naranasan na rin ng Kapuso star na si Bianca Umali ang mag-comedy, na-realize daw niyang kasing-hirap din ito ng drama. Aminado kasi siyang medyo minaliit n’ya noon ang comedy dahil hindi daw n’ya alam na parehong effort lang pala ang ibinibigay ng mga komedyante sa effort na binibigay ng mga dramatic actors.  “Actually, siguro pag sinasabing comedy dati…siguro ngayon ko napatunayan siguro na-underestimate ko ang meaning ng comedy. Hindi s’ya pahinga from drama. It’s something else. It’s as good as doing heavy drama series. It’s as good as that.  Kakaiba…ibang animal din po ang comedy,” pagtatapat n’ya.

PHOTO: @ichn_07 on Instagram

Dahil naranasan na rin ng Kapuso star na si Bianca Umali ang mag-comedy, na-realize daw niyang kasing-hirap din ito ng drama. Aminado kasi siyang medyo minaliit n’ya noon ang comedy dahil hindi daw n’ya alam na parehong effort lang pala ang ibinibigay ng mga komedyante sa effort na binibigay ng mga dramatic actors. “Actually, siguro pag sinasabing comedy dati…siguro ngayon ko napatunayan siguro na-underestimate ko ang meaning ng comedy. Hindi s’ya pahinga from drama. It’s something else. It’s as good as doing heavy drama series. It’s as good as that. Kakaiba…ibang animal din po ang comedy,” pagtatapat n’ya.

Dahil nasanay sa heavy drama’ng aktingan, aminado si Bianca Umali na na-challenge s’ya project n’ya ngayon kung saan kailangan n’yang magpatawa. 

Naganap ang pag-amin n’yang ito sa virtual media conference ng upcoming romantic comedy series n’ya na Mano Po Legacy: Her Big Boss kung saan katambal n’ya sina Ken Chan at Kelvin Miranda

Natanong kasi ng entertainment press ang Kapuso star ng tungkol sa kanyang role at kung paano n’ya ito pinaghandaan. 

Ani Bianca, ang character daw n’ya sa TV series na si Irene ang pinakamahirap sa lahat ng role na kanyang nagawa so far.

Ito na po siguro ang maituturing kong isa sa pinaka-mahirap na gagawin kong role. Hindi po kasi ako sanay [sa comedy]. Hindi po ako sanay na ganito ka-energetic,” pagkukumpara ni Bianca sa sarili n’ya at sa character n’yang si Irene. 

Kung mapapanood n’yo kasi si Irene [ang kanyang character] talagang energetic s’ya. Palagi s’yang masaya, palaging nakangiti, palaging aligaga, hindi mapakali,” lahad pa ng aktres. 

“First time ko pong mag-play ng ganu’ng role and napakalayo po kung sino talaga ako sa totoong buhay kaya siguro s’ya sobrang challenging for me.”

Na-realize nga daw n’ya na hindi pala madali ang maging consistent na masaya dahil nalo-lowbat daw s’ya. 

Ang hirap pala ng palaging masaya lang. Hahaha! ’Yon ’yong sabi ko. Ang hirap ng palaging may energy,” pagpapatuloy ni Bianca. 

Kahit nu’ng pictorial pa lang namin, nu’ng look test pa lang namin nabigla ako kasi doon ko unang naramdaman si Irene Pacheco, e, na grabe. 

“To the point na kapag nagka-cut [si Direk Easy Ferrer] o natatapos akong kunan nahihingal ako kasi ganu’ng nakakapagod para sa akin si Irene. Pero masaya kasi kakaibang experience s’ya.”

Pag-amin pa ng Kapuso star, medyo minaliit n’ya noon ang comedy dahil hindi daw n’ya alam na parehong effort lang pala ang ibinibigay ng mga komedyante sa effort na binibigay ng mga dramatic actors. 

“Actually, siguro pag sinasabing comedy dati…siguro ngayon ko napatunayan siguro na-underestimate ko ang meaning ng comedy. Hindi s’ya pahinga from drama. It’s something else. It’s as good as doing heavy drama series. It’s as good as that.  Kakaiba…ibang animal din po ang comedy,” pagtatapat n’ya.

Nasanay daw kasi talaga s’ya sa mga seryoso at mabibigat na drama noon. Kung matatandaan nga, ang tatlo sa pinakahuli n’yang telerserye - Kambal, Kariba, Sahaya at Legal Wives - ay pawang mga heavy dramas. 

Siguro dahil doon po ako na-train sa drama, sa heavy drama, sa action, sa mga mabibigat na istorya. Doon ako nahubog. Yoon po ang naging comfort zone ko sa mundo ng showbiz at sa mundo ng pag-arte. Ngayon po na naibigay sa akin ito, honestly, kakaiba po talaga s’ya,” pagpapatuloy ni Bianca. 

Akala ko ang comedy pag nakangiti ka, ’yon na ’yon. Basta tumatawa ka onscreen ’yon na ’yon. Pero hindi po pala. Kumbaga, ibang klase rin s’ya ng hirap, ibang klase rin ang challenge and it’s not less of an effort sa pag-arte.

Dagdag pa n’ya, “Nahirapan ako nu’ng una kasi hindi ko alam kung paano s’ya i-execute. Hindi ako sanay na ang karakter ay palaging masaya, bubbly, maraming energy… Bago po ’yon sa akin at napakalayo po kung sino ako sa totoong buhay.”

Naitawid naman daw ito ng aktres sa tulong si Direk Easy at ng kanyang co-actors, panood ng comedy films, at pagbabasa ng script nang paulit-ulit para ma-absord daw ng sistema n’ya ang kanyang karakter.

Kung may ikinatutuwa daw si Bianca sa role n’ya, ito ’yong pagiging office girl nito na dream pala n’ya noon pa. Kung hindi nga daw s’ya artista ay baka nasa corporate world din s’ya. 

“I believe kung hindi po ako nag-aartista, isa po sa mga pangarap ko…actually kahit ngayon na artista na ako, gusto kong nag-o-office work. Gusto ko ’yong may mga papel, may mga tina-type [sa computer], may mga pinipirmahan,” pagbabahagi n’ya. 

Parang ’yong trabahong secretary/assistant... gusto ko abala so isa ’yon sa mga dreams ko talaga, ang makapag-office work,” pagtatapos ni Bianca.

Mapapanood si Bianca with Ken Chan at Kelvin Miranda, kasama sina Teejay Marquez, Sarah Edwards, celebrity couple Marina Benipayo and Ricardo Cepeda, Pokwang, and more sa Mano Po Legacy: Her Big Boss simula ngayong gabi, March 14, sa GMA Telebabad.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.