Successful si Bianca Umali sa ginawa n’yang surprise sa boyfriend n’ya na si Ruru Madrid kamakailan sa South Korea, kung saan mahigit isang buwang namalagi si Ruru kasama ang Running Man PH cast and crew para i-shoot ang Philippine adaptation ng hit variety show ng SBS network.
Sumunod kasi nang palihim ang Kapuso actress doon.
At sa video na in-upload ni Bianca sa kanyang Instagram last August 17, makikita na talagang nagulat at natigilan si Ruru nang bigla s’yang sumulpot sa tabi nito.
Speechless pa nu’ng una at pagkalipas ng ilang sandali ay napayakap si Ruru sa nobya. Yumakap din naman si Bianca sa kanya.
Halatang na-miss nila ang isa’t isa dahil almost two months din sila na hindi nagkita.
Hindi rin naiwasang maging emosyonal at maiyak ng aktor sa saya dahil sa hindi n’ya in-expect ang pagkikita nila ni Bianca.
“Baliw ka! Bakit?!” tanong pa n’ya na hindi pa rin makapaniwala sa pagdalaw sa kanya ng nobyang aktres.
Sa caption na inilagay ni Bianca sinabi n’yang, “Saved the best bit for last. YES - HE CRIED.”
Nagpasalamat din s’ya sa mga naging kakuntsaba n’ya para ma-pull off ang paandar n’yang surprise visit kay Ruru.
“[S]houtout to everyone who became part of my sweet little plan - To Air Asia (@airasiasuperapp.ph) for helping fly us to each other, to the GMA (@gmanetwork ) production people in Korea who spotted me waiting and decided to act na kunwari papagalitan at kailangan kausapin si Ru ( kaya siya finally bumaba ) and most especially, to my ever so supportive girlfriend - @thazziafalek (you know we love you!!!) Mission accomplished!!! AJA!” lahad n’ya.
Palusot naman ni Ruru sa comment section, “I wasn't crying... there was just something in my eye. p.s ü know how much u mean to me...”
Nitong August 7, nauna nang mag-post ng photo si Bianca sa IG kung saan makikita ang magka-holding hands nilang Ruru at kung saan ipinakita rin nila ang kanilang paired smiley tattoo.
Sa mga sumunod n’yang post ay ipinasilip n’ya ang naging coffee date at pamamasyal nila ng nobyo habang nasa South Korea.
May photos and video posts rin si Ruru ng naging bonding nila ni Bianca sa Seoul.
But it’s only know that Bianca lets us in to the fact na secret visit pala iyon. Mission accomplished!
YOU MAY ALSO LIKE:
Ruru Madrid, hindi nagpa-double sa mga stunt scenes niya sa Lolong
Bianca Umali releases heartbreak single “Itigil Mo Na”; swears all pain is worth it, “trust me.”
Bianca Umali, alay sa kanyang Lola ang tagumpay sa showbiz; “I owe my life to her.”
Bianca Umali, goal makapag-aral ng college this year
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber