“Bida-bida” birthday greetings ni Jak Roberto para sa kapatid na si Sanya Lopez, patok sa netizens

Ang ikinaaliw ng mga fans ni Jak Roberto ay ang kalakip na second photo sa birthday greeting post n’ya para kay Sanya kung saan nakaayos s’ya na pambabae.  Naag-joke pa siya na si Sanya daw iyon.   Natawa naman si Sanya sa paandar na ito ng kanyang kuya. Ang nasabing photo nito ay kinunan three years ago when Jak competed as Nancy Langka sa Bebot 2019 segment ng Eat Bulaga!

PHOTOS: @jakroberto on Instagram

Ang ikinaaliw ng mga fans ni Jak Roberto ay ang kalakip na second photo sa birthday greeting post n’ya para kay Sanya kung saan nakaayos s’ya na pambabae.  Naag-joke pa siya na si Sanya daw iyon.  Natawa naman si Sanya sa paandar na ito ng kanyang kuya. Ang nasabing photo nito ay kinunan three years ago when Jak competed as Nancy Langka sa Bebot 2019 segment ng Eat Bulaga!

Kinaaliwan ng netizens ang naging birthday greetings ng Kapuso actor na si Jak Roberto para sa nakababata n’yang kapatid na si Sanya Lopez.

The First Lady lead star is celebrating her 26th birthday today, August 9, and Jak took to Instagram para batiin nga si Sanya. 

“Happy Birthday sa nag-iisa kong kapatid! More more success pa ang wish ko sayo para di ka na namomroblema kay judith [due date ng bayarin],” panimula ni Jak sa kanyang social media post.

Naging mahusay naman daw kasi talaga si Sanya sa mga natanggap nitong projects kaya deserve umano ng kapatid n’ya ang tinamasa nitong success. 

Malayo na nga rin talaga kasi ang narating ni Sanya sa showbiz mula sa pagiging parte ng Walang Tulugan with the Master Showman, naging isa siya sa bida ng Encantadia remake, at leading lady sa magkasunod na season ng First Yaya at First Lady.  

“Congrats sa bago mong blessings deserve mo lahat ng nakukuha mong biyaya dahil alam ko kung gaano mo pinaghirapan lahat ng yan,” ani Jak.

“Nandito lang kaming lahat sayo nakasuporta, stay humble and stay blessed! Hayyy bidabida,” saad pa ng Kapuso leading man. 

At ang ikinaaliw ng mga fans n’ya ay ang kalakip na second photo sa post n’ya kung saan nakaayos s’ya na pambabae at nag-joke na si Sanya iyon. 

“P.S di ko matandaan kung saan yung guesting mo dun sa 2nd pic. Bat ako meron nyan,” pahabol na biro ni Jak.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto)

Natawa naman si Sanya sa paandar na ito ng kanyang kuya. Ang naabing photo nito ay kinunan three years ago when Jak competed as Nancy Langka sa Bebot 2019 segment ng Eat Bulaga!

“Yung 2nd photo ang nagdala…nakakaiyak! thank youuuuu hayyyy bida bida,” komento ni Sanya. 

SCREENSHOT: @jakroberto on Instagram

As of this writing ay umabot na sa mahigit 51K ang reaction ng post sa Facebook, at mahigit 15K naman sa Instagram.

Happy birthday, Sanya!

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Barbie Forteza, aminadong selosa pero dedma sa intriga kina Jak Roberto at Kim Domingo

Barbie Forteza, inaming approved na sa pamilya niya sakaling magpakasal sila ni Jak Roberto; "Ipon na lang [ang kulang]."

Sanya Lopez, worried para kay Kakai Bautista dahil ito ang binabalingan ng mga bashers niya

Sanya Lopez, Jak Roberto, at Lovi Poe, nagluluksa sa pagpanaw ng kani-kanilang fur babies

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.