Bigat ng responsibilidad ng The Vice Ganda Network, handang pasanin ni Vice dahil aniya: “Hindi p’wedeng ngumanga.”

“Sa edad kong ‘to, kailangan marami pang made-develop sa akin at kasama ito sa growth ko, ’yong mga challenges na hinaharap ngayon... gaya ng pag-put up ng ganitong digital network.”

Photos: Xander Angeles for The Vice Ganda Network

“Sa edad kong ‘to, kailangan marami pang made-develop sa akin at kasama ito sa growth ko, ’yong mga challenges na hinaharap ngayon... gaya ng pag-put up ng ganitong digital network.”

Mamayang gabi, at 9:00 pm, ay magla-live na sa world wide web ang The Vice Ganda Network (TVGN) na accessible through viceganda.com.ph, kung saan exclusive na mapapanood ang weekly online live show na Gabing Gabi na Vice (GGV).

During the lockdown napag-desisyunan ni Vice Ganda na pa-bonggahin na ang kanyang digital platforms na aminado siyang napabayaan niya noon dahil sa kabisihan. 

Pero dahil maraming extra time ngayon ang Unkabogable Star, kaya inasikaso na niya, sa tulong ng Viva, ang kanyang TVGN.

Matagal ding binusisi ang technical aspect ng TGVN, kasama na ang pagbuo ng mga show concepts na ipapalabas dito.

Bukod sa GGV at Prize Ganda (na isa namang game show), may binubuo rin siyang sitcom kasama ang mga kaibigan beki na nais niyang bahaginan ng platform, exposure, at kita. In the future ay may documentary pa raw.

One concept at a time, ika nga. Pero tila ang laking responsibilidad nito para kay Vice. Pero ayon sa kanya, he’s up for the challenge.

“It’s a very big responsibility pero ganu’n talaga, e,” tsika ni Vice sa Zoom press conference ng TVGN kamakailan. “Mas maganda na ’yong mabigyan ka ng malaking responsibilidad kesa wala kang responsibility at all diba? 

“Hindi p’wedeng ngumanga, e. Hindi p’wedeng ngumanga. Hindi p’wedeng palipasin ko ’yong oras na wala akong ginagawa. And with the new normal, ang daming challenges and kasama ’yon sa mga tinatanggap kong challenges. At saka sa edad kong ‘to, kailangan marami pang made-develop sa akin at kasama ito sa growth ko, ’yong mga challenges na hinaharap ngayon... gaya ng pag-put up ng ganitong digital network.”

Isa pa sa positive outcome ng TGVN, bukod sa pagpapasaya at pagbibigay ng trabaho sa mga kaibigan stand-up comics, nakapagbigay-trabaho din si Vice sa ilang kasamahan sa ABS-CBN na na-displace din gawa ng shutdown.

“Kasi halos lahat ng makaka-trabaho ko, ’yong staff ko lahat. Ang kailangan namin unahin i-accommodate, mga taga-ABS-CBN na wala pang pinagkakakitaan ngayon—writers, graphic artists... especially ’yong mga naka-trabaho ko na noon pa. Kailangan kong buuin itong project para makapag-extend ng help sa kanila.” 

Bagama’t aminado si Vice na hirap din siyang mag-adjust sa “new normal,” ay pinipilit daw niyang magpaka-positibo ng pananaw sa araw-araw. In fact, ang mantra niya ay: “Hindi p’wedeng bumitaw. Hindi p’wedeng bumigay.”

“Kahapon nga magkaka-usap kami nila Regine [Velasquez] sa Zoom kasi may prayer group kami,” dagdag k’wento ni Vice sa entertainment press and vloggers. “Nagkakamustahan. Sabi ko sa kanila, ang hirap kasi everyday we’re all trying to be positive, to remain positive. But everyday, we wake up with heartache. Everyday there’s new heartache, diba? 

“Parang hindi ito natatapos... parang Tawag ng Tanghalan, hindi mo malalaman kelan ba ‘yong grand finals, resbak week na ba? Bakit akala mo magpa-final na pero bakit elimination pa rin pala? Ang daming ganap! 

“Pero we have to remain positive, we have to remain hopeful and faithful. Yakap and kapit. Hindi p’wedeng bumitaw, hindi p’wede bumigay.”

Kailangan daw hindi magpatalo sa lungkot at stress.

“Sayang ’yong life, e. Precious siya, e. Hindi p’wedeng ibigay nalang natin ng ganu’n-ganu’n ’yong ganda ng buhay na nasimulan, ’yong sarap ng buhay natin. Hindi p’wedeng i-let go nalang natin nang ganu’n-ganu’n tapos na siya agad. Ganu’n nalang?”

Moreover, ina-apply na rin daw niya sa sarili niya ang mga lessons na dala ng Covid-19 pandemic. 

“Madami [akong natutunan sa pandemic]...na napaka-importante ng buhay. Ito ’yong pinaka- importante sa lahat. Ito ’yong pinaka-kailangan natin alagaan bago ang iba pa. 

“Kasi for the longest time, we have been so focussed on material things. We have been so focussed on other things rather than life it self—focussed tayo sa pera, focussed tayo sa fame, focussed tayo sa social media, focussed tayo sa ganyan... Pero sa pagkakataong ito, p’wede mong bitawan ang lahat para lang pangalagaan mo ’yong kalusugan mo at ’yong buhay mo kasi ’yon ang pinaka-mahalaga. Kasi kung hindi mo mase-save ’yong buhay mo at kalusugan mo sa panahong ito, e, mawawala lahat yan. So, bago sila dumating, ’yong buhay muna ang may pinaka-may value sa lahat.”

Higit sa lahat, natutunan na raw niyang i-let go ang mga bagay na out of his control. Dahil dito, mas pinatibay umano ng pandemic ang pananalig niya sa Itaas.

“At saka isa pang na-realize ko, kahit gaano ka mag-galing galingan o kahit gaano ka ka-galing, maraming bagay ang hindi mo magagawan ng solusyon. Ang makakagawa lang niyan ay Diyos. Ibigay mo sa Kanya at magtiwala ka,” share ni Vice.

“Kasi kahit ano’ng galgal ang gawin mo, kahit stress-in mo ang sarili mo na bigyan ng solusyon ang isang bagay, may mga bagay na wala kang magagawa. Wala kang magagawa dahil ang tanging makakagawa nu’n ay ang Diyos. 

“Katulad ng pandemya, hindi mo yan maso-solve, e. Ang tanging magagawa mo lang, e, alagaan mo ang sarili mo, wag kang dumagdag sa stress sa dinudulot nitong pandemya at maniwala kang Diyos lang naman ang makakagawa ng paraan. Kumbaga, dito sa mundo magtulungtulungan tayo kung pa’no natin mapapagaan ang buhay pero ang totoong magbibigay ng pitik para matapos na yan, ’yong Diyos.”

At press time ay more than 100K na ang nag-register sa TVGN para masigurong mapapanood nila ng live ang opening salvo ng TVGN, ang weekly online talk show na Gabing Gabi Na Vice.  

Kaya sa mga hindi pa naka-register, do so by clicking: www.viceganda.com.ph

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Marian Rivera at Heart Evangelista, wish list ni Vice Ganda na mag-guest sa online show niyang Gabing Gabi na Vice

Vice Ganda, tipid mode din dahil sa pandemic

Vice Ganda gets solid support from fellow Viva artists to promote launch of online show 'Gabing Gabi Na Vice'

Exclusive: Vice Ganda, baka raw nabaliw kung na-lockdown na hindi kasama si Ion Perez; sure na raw siyang si Ion ang gusto niyang makasama habangbuhay

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.