Blooming si Harlene, ready na kayang ipakilala ang bagong special someone? “Soon, sa tamang panahon!”

PHOTOS: Lito T. Mañago & Dennis Evangelista

PHOTOS: Lito T. Mañago & Dennis Evangelista

Nakorner ng entertainment press ang former “That’s Entertainment” member-turned movie producer na si Harlene Bautista sa MMFF (Metro Manila Film Festival) Appreciation Dinner & Launch (45th edition ng MMFF), held ‪Friday night‬ at Sampaguita Compound, Valencia St., Quezon City. 

Si Harlene ang executive producer ng Heaven’s Best at nagprodyus ng “Rainbow’s Sunset,” ang itinanghal na Best Festival Picture ng MMFF2018 at humakot pa ng ilang festival awards kasama na ang Best Actress for Gloria Romero, Best Supporting Actor for Tony Mabesa, Best Supporting Actress for Aiko Melendez, Best Director para kay Joel Lamangan, at Special Jury Prize for Acting for Eddie Garcia and Max Collins.

Sabi ni Harlene, balak pa rin niyang magprodyus ng movie for the annual MMFF. Sa ngayon, nakikipag-usap na raw siya kina Dennis Evangelista (line producer ng “Heaven’s Best”) at writer Eric Ramos for a possible project at malalaman daw ito in the coming months. 

Higit sa mga plano niya bilang producer, nasentro pa rin ang usapan sa hiwalayan nila ng dating mister na si Romnick Sarmenta

Muling iginiit ng utol nina Mayor Herbert at Hero Bautista na walang third party involved sa kanilang hiwalayan. 

“Wala!” mariing sabi niya. 

Bago inilabas nina Harlene at Romnick ang joint statement last October 5, 2018 tungkol sa hiwalayan, nabanggit na sa amin nang una na matagal na silang hiwalay nang huli. 

Sa latest interview ng press kay Harlene, muli niya itong binanggit. 

“Matagal na,” na sinundan ng follow-up question na “Gaano katagal?”

“Basta, matagal na. Matagal nang may problema,” winika niya. 

Pero alang-alang daw sa kanilang mga anak, open naman daw ang kanilang line of communications ng dating mister. 

“Okay kami,” paglilinaw ni Harlene. “Friends kami. Nagkakakuwentuhan.”

Iginiit ng press na madali siyang nakapag-move-on sa break-up. 

“Ako naman kasi ‘yung nakipaghiwalay, so madali rin sa akin kasi ako naman ‘yung nagdesisyon, ‘di ba?” 

Sa ngayon, inaayos na raw nila ang mga papeles para sa kanilang annulment. 

Kasunod na rin daw ba ito ng pagpapakilala ng kanyang bagong special someone?

“Soon. Sa tamang panahon!” at sinundan niya ito nang malakas na tawa. 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.