Boobay, muntik nang sukuan ang buhay noong magka-mild stroke; muling pinasalamatan si Marian Rivera sa naging paglingap noon

Na-mild stroke noong 2016 ang komedyanteng si Boobay dahil sa dami ng workload at sa gabi-gabing pagpupuyat sa mga comedy bars. Inakala raw niyang hindi na siya makaka-recover.

PHOTOS: @boobay7 & @marianrivera on Instagram

Na-mild stroke noong 2016 ang komedyanteng si Boobay dahil sa dami ng workload at sa gabi-gabing pagpupuyat sa mga comedy bars. Inakala raw niyang hindi na siya makaka-recover.

Umiiyak na nagpasalamat ang komedyante at TV host na si Norman Balbuena, na mas kilala bilang si Boobay, sa aktres na si Marian Rivera sa pagsaklolo nito sa kanya nang ma-stroke s’ya five years ago.

Naganap ang emotional recollection ni Boobay sa Eat Bulaga! noong Martes, November 2. Isa kasi s’ya sa mga guests sa “Bawal Judgmental” segment ng noon-time show. 

Doon, napa-throwback ang Kapuso comedian sa pinagdaanan n’ya noong na-mild stroke s’ya at munting pang mag-agaw-buhay way back in 2016.

Dumating kasi ’yong point na muntik na ako talagang bumigay, ’yong stroke na talaga. Kung hindi lang ako naitakbo agad [sa ospital] baka kalahati ng body ko na-paralize na. Buti na-figure out nu’ng ex [-partner] ko [na na-mild stroke na ako],” pagbabalik-tanaw ni Boobay sa show. 

Ginawa n’ya ’yong sinasabi sa medical term na FAST. Ito ’yong face, arms, speak, tapos ’yong time…FAST. Physical therapist kasi s’ya,” k’wento n’ya. 

Ito ’yong titingnan n’ya ’yong face mo kung nagsa-sag ba ’yong kaliwa o kanan. ’Yong A naman, ’yong arms mo ipapataas n’ya parehas. Itsi-check n’ya kung nakataas pareho. E, ang nangyari sa akin nu’n hindi ko daw maitaas. 

Ang S naman, kung makakapagsalita ako nang dire-diretso. E, during that time daw hindi ko mabanggit ’yong mga pinapabanggit n’ya sa aking mga terms. 

Tapos ’yong T, ’yon ’yong time. Dapat daw, once na makakita ka na ng sintomas ng stroke agad-agad mo nang dalhin sa ospital bago pa maputukan ng ugat.

Nakakaramdam na daw pala s’ya noon ng sintomas ng stroke gaya ng memory loss pero hindi n’ya daw ’yon pinansin at patuloy pa rin sa pagtatrabaho. 

Akala ko dati ano ako, very strong person kaya ang gawain ko nu’n tanggap lang nang tanggap [ng mga shows at raket]…Tapos ’yon nga, dinisregard ko ang mga pinapakita palang sintomas sa akin nu’ng stroke at nangyari nga,”  patuloy niya.

Parang gumuho daw ang mundo n’ya noon dahil nasanay s’yang laging nasa trabaho. Tapos, sa isang iglap ay helpless s’yang nakahiga sa ospital. 

Dumaan din ako sa…di ko alam kung depression ’yon… Usually, ’di ba, gabi-gabi nagpe-perform ako tapos biglang nandu’n na lang ako sa loob ng room, naka-tengga lang. Puro tulala lang tapos nag-iisip ka kung kailan ulit babalik ’yong memories mo,” lahad pa n’ya.

Dumating din daw s’ya point kung saan sumuko na daw s’ya sa laban. Mabuti na lang daw at may mga tao na naging support system n’ya sa panahong ’yon na lugmok na lugmok s’ya. 

Sabi ko, ‘Lord, kung ito na ’yong time na hanggang dito na lang [ang buhay ko], sige, ibibigay ko. Maggi-give up na ako,’” pagre-recall pa ni Boobay. 

Pero may mga tao talaga na pinadala ang Poong Maykapal para mas pag-igihan ko pa at para mas mabalik ako sa dati.

Pag-amin pa n’ya, kahit ngayong naka-recover na daw s’ya ay may mga pagkakataon pa rin daw s’ya na nagiging slow s’ya sa pag-iisip. At sa tuwing nakakaramdam daw s’ya nito ay nagbi-break muna s’ya para magpahinga. 

Na-realize na daw n’ya talagang nagpakapagod din s’ya noon sa trabaho at inabuso ang kanyang sarili. 

’Yong binigay N’ya sa akin ang pagkakataon na ’yon na makapag-perform almost every night, inabuso ko ’yong sarili ko na, ‘Nagtrabaho ka na nga, e. Kumita ka na nga, e. Tumanggap ka pa ng iba,’” naiiyak na sabi n’ya. 

Kaya naman matinding aral daw ang napulot n’ya mula sa kabanatang ’yon ng kanyang buhay. 

“So, ’yon, ngayon, sabi ko, hindi na, iba na. Hindi na basta pera-pera na lang. Hindi na dapat… Matuto kang magpahinga. Para maipagpapatuloy mo pa rin ’yong binigay sa ’yo [na talento],” pahayag pa ng Kapuso comedian. 

“Learn to say no pag hindi kaya ng katawan mo. Listen to your body. Pakinggan mo ’yan. Ipaparamdam n’ya sa’yo. Pag hindi n’ya kaya, ’wag mong pilitin.

Hindi na rin n’ya pinalagpas ang pagkakataon na pasalamatang muli ang mga taong sumaklolo sa kanya, ang kanyang pamilya, mga kaibigan, kabilang na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. 

Gusto ko rin pong i-take ang opportunity na ’to, sa pagkakataon na maging bahagi ng ‘Bawal Judgmental’ ngayon para pasalamatan ’yong mga… Ito, magli-limang taon na po… ’yong sa aking naging karanasan nga sa mild stroke,” panimulang lahad ni Boobay. 

Gusto kong pasalamatan sa aking journey na ’yon ang aking pamilya, pamilya Balbuena, Papa Honorio, mga kapatid ko, mga kaibigan ko, ’yong Klownz family, ’Nay [Allan K], Ate Gay, at s’yempre, ang aking my loves, Marian Rivera.”

At dito na s’ya naiyak nang tuluyan. 

Ayaw na ayaw n’yang binabanggit ko s’ya tungkol sa ganito pero… Yan-Yan [nickname ni Marian], kung hindi dahil sa ’yo siguro wala talaga ako dito... kung hindi mo ako nilipat ng ospital…para magawa ’yong mga proseso para bumalik ’yong memorya ko,” pagtatapos ni Boobay.

Taong 2012 nang magsimula ang friendship nina Boobay at Marian sa set ng Extra Challenge Extreme.

At present ay regular na napapanood si Boobay sa comedy show na The Boobay and Tekla Show every Sunday kung saan co-host n’ya si Super Tekla.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.