Born To Be A Star host Matteo Guidicelli, bilib sa “judging” skills ni Janine Teñoso

“Her comments are very, very cool and insightful for our contestants. So, it’s a very nice feeling ba.”—Matteo on Janine as a “talent agent” in Born To Be A Star.

Photos: Viva

“Her comments are very, very cool and insightful for our contestants. So, it’s a very nice feeling ba.”—Matteo on Janine as a “talent agent” in Born To Be A Star.

Isa lang sa mga grand finalists si Janine Teñoso sa Born To Be A Star noong 2016 at hindi siya ang nanalo. Pero hindi pa rin siya pinakawalan at sinayn-up ni Boss Vic del Rosario ng Viva at pinag-produce pa rin ng single, ang own composition niyang “Fallen.”

Through the years, Viva kept honing her as a performer hanggang sa eventually ay nabansagan na siyang OST (Original Soundtrack) Princess sa music scene dahil ang malamyos niyang boses ang laging nasa likod ng mga theme song or soundtrack ng mga hit na pelikula ng Viva.

She did a cover of Rivermaya’s “214” na ginamit sa pelikulang 100 Tula Para Kay Stella. Boses niya rin ang nasa likod ng “Di Na Muli”—originally by Itchyworms—na ginamit namang theme song ng Sid & Aya (Not A Love Story); ng “Hindi Tayo P’wede” (ng The Juans) na naging soundtrack ng Indak; at ang pinaka-huli ay ang “Tag-Araw” (by After Image) ng ultra hit na Miracle in Cell No. 7. 

Ngayon, mas level up pa siya dahil isinalang siya ni Boss Vic as one of the judges—or in this case, talents agents—ng nagbabalik-TV na Born To Be A Star. Patunay lang na “may authority” na ang tingin sa kanya ng star builder.

More than excitement, kaba raw ang una niyang naramdaman nang sabihan na siyang magiging judge siya—alongside more veteran performers gaya nina Sam Concepcion, Katrina Velarde, Teacher Georcelle (Georcelle Dapat-Sy), at Andrew E. kung kantahan ay hindi aatras si Janine na halimaw kung mag-perform. Nalagpasan na rin niya ang kung paano ma-judge as a singing competition contestant. But judging contestants on national TV is another thing. 

My gosh...” natatawang panimula ni Janine nang marinig ang tanong kung paano niya hinanda ang sarili sa pagiging hurado. “Actually, no’ng una po akong sinabihan na magiging judge daw po ako do’n sa previous competition na sinaluhan ko, which is Born to Be a Star (2016), kinabahan po ako talaga...”

Agad daw siyang nag-marathon ng mga foreign reality shows para panoorin kung paano mag-judge ang mga musical influences niya na nasalang na din as judges.  

“So, I watched mga competitions, I researched talaga sa mga influences ko din na mga foreign artists pag nagda-judge sila in their own competition [shows],” k’wento ni Janine. “Talagang pinag-aralan ko po kung paano nila dine-deliver ’yong mga comments nila sa kids na sumasali. So, talagang nag-research po talaga ako. That’s how I trained myself po.”

“Hopefully, I get to be okay,” humble na pahabol niya.

Agad namang nag-butt in si Matteo Guidicelli, who, for his part ay tatayong host ng show alongside Kim Molina na gaya niya ay kaga-graduate lang ding mag-judge sa katatapos lang na Masked Singer Pilipinas.

Ibinida ni Matteo si Janine na aniya ay cool at insightful mag-komento. Moreover, hinalingtulad pa niya si Janine sa international pop singer na si Avril Lavigne (ang nagpasikat ng kantang "Sk8er Boi".)

“Ma’am, may dagdag lang ako diyan,” paghingi ng permiso ni Matteo sa amin. “Dahil birthday ni Janine...you know, she really brings a fresh feel in the stage...very...if I may say, parang Avril Lavigne—acoustic rockstar—onstage. Dahil her comments are very, very cool and insightful for our contestants. So, it’s a very nice feeling ba.”

Ang asawa na ni Popstar Royalty ang nagsabing magaling na judge si Janine based sa na-observe niya, kaya naniniwala kaming it’s about time na mas makilala na siya ng bigger audience.

By the way, ang tsikahan with Janine, Matteo, and the rest of the “talent agents” of Born To Be A Star ay naganap kaninang hapon, January 12 (via Zoom), para sa press conference ng nasabing show na siyang papalit sa slot ng Masked Singer Pilipinas.

Cute pero mukang nakaka-pressure lalo sa mga contestants ang dinagdag nilang elemento sa show kung saan each judge or talent agent can give a star to a contestant pero p’wede rin niyang bawiin agad kung may nakita siyang not-so-star quality sa nakasalang.

It definitely adds excitement to the show. At excited na rin kaming mapanood mag-judge ang OST Princess na si Janine Teñoso.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sunshine Dizon, nag-level up as associate director sa bago niyang project

Matteo Guidicelli, naniniwala bang “Born To Be a Star” ang future baby nila ni Sarah Geronimo?

KaladKaren takes a swipe at netizens telling her she is “sayang” because “[hanggang ganyan lang], di mabubuntis...”

Mikael Daez and Megan Young celebrate first wedding anniversary and 10 years of being lovers

Earl Generao releases music video for cover of “Yugto” from the Rico Blanco Songbook

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.