Nagpa-unlak ng interview ang mag-asawang Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna sa Usapang Real Life [URL] hosted by Ms. Luchi Cruz-Valdez na in-upload sa YouTube kagabi, October 5.
Dito, ikinuwento ng celebrity couple ang kanilang new experience having a kid ngayong may coronavirus disease pandemic.
“Our daughter is such a daddy's girl,” panimulang k'wento ni Pauleen via Zoom patungkol sa 2-year-old daughter nilang si Talitha o Baby Tali. "She's so sweet to me. She really is. Pero 'pag nandyan si Daddy parang nabubura talaga si Mommy."
Sey naman ni Bossing, mas naging close daw sila ni Tali dahil sa ipinatupad na lockdown dahil nakapirmi s'ya ngayon sa bahay. Sa bahay na rin s'ya naka-station kapag nagho-host sila ng noontime show na Eat Bulaga.
“Siguro it's some sort of a blessing in disguise itong quarantine natin dahil I get to spend more time with her unlike before the pandemic," paglalahad ng 66-year-old TV host-comedian. "Kapag nagkita kami gabi na, e. Minsan nga tulog na s'ya kapagka umuuwi ako. So [right now] we have more bonding time. Siguro mas nakilala lang namin [ang isa't isa] nitong past five months."
Thankful naman daw si Pauleen na hands-on dad daw si Bossing lalo na ngayong kailangan n'yang umaalis from time to time para sa work. Isa kasi si Pauleen sa mga host ng TV5's morning talk show na Chika, Besh! kung saan kasama n'ya rin sina Pokwang at Ria Atayde.
"The technicals like, 'yong pagtitimpla ng gatas, pagpapalit ng lampin o pagpapaligo hindi na namin pinapagawa sa kanya [kay Bossing Vic],” tsika ni Pauleen sa show. "Hindi n'ya po talaga kaya.
"But I can say that he's a hands-on dad," the actress continued. "Because, ngayon po I'm doing a show with TV5 and I can leave the house. Hindi naman po ako kinakabahan. I'm very kampante na Tali will be okay even if she is left with him."
Pag-amin naman naman ng Eat Bulaga veteran, nahihirapan din daw s'ya dahil nga may kabigatan daw ang baby daughter nila.
"Isa lang naman ang problema ko kay Tali, e. Kunwari bubuhatin. E, 100 pounds na ata s'ya. Medyo hirap ako kung iuupo o itatayo. 'Yon lang naman," natatawang pag-amin ni Vic.
Kung makakapag-travel daw sila as a family, una daw nilang pupuntahan ang beach dahil mahilig si Tali sa swimming.
"Mahilig sa swimming si Tali ngayon," paglalahad pa ni Bossing. "Lalo na nu'ng magsimula 'yong quarantine. We have a small pool in the house and halos araw-araw.
Dagdag biro pa n'ya: "Dati nga kasing kulay ni Pauleen si Tali. Ngayon ka-kulay ko na."
Sey naman ni Poleng [nickname ni Pauleen], mula daw nang matuto lumangoy si Tali ay mahilig na itong magyaya sa beach, na hindi naman nila mapagbigyan sa ngayon dahil nga sa pandemic.
"We also taught her how to swim nu'ng ECQ [Enhanced Community Quarantine] po so now she knows how to swim on her own. Minsan nga po naaawa kami kapag nagbi-breakfast kami hahatakin n'ya kami. 'Mommy, let's go to the beach.' Kasi she really loves the beach."
Sa murang edad kasi ni Tali hindi pa n'ya naiintindihan kung ano ang COVID-19 pandemic at ang panganib ng virus.
"She doesn't understand yet but we feel sometimes that she really wants to go out," ani ni Pauleen. "She wants to go to the playground. Hatak lang nang hatak palabas ng bahay."
Maliban sa swimming, love din daw ni Tali ang pagkanta na common interest nilang tatlo.
"One common interest is music," pagbabahagi pa ni Pauleen kay Ms. Luchi.
Dugtong naman ni Bossing: "Si Tali ang kumakanta..."
"Twenty four/seven," salo agad ni Pauleen sa sinabi ng asawa. "The moment she opens her eyes she's gonna sing a song. Different songs. Minsan po nursery rhymes. And she sings a Beatles' song as well [like] Obladi Oblada.
"At saka Ms. Luchi, nakakatuwa kasi you sing it to her three, four, five-time, on the sixth s'ya na ang kakatanta. Memorize na n'ya," dagdag pa ng aktres.
"Kahit matutulog na lang, antok na antok na 'yon kumakanta pa din," sey naman ni Bossing.
Pagbabahagi pa n'ya, ibang feeling at experience daw ang magkaroon ng maliit na anak ngayong may edad na s'ya. Malalaki na kasi ang mga anak ni Bossing.
"Iba, e," pagbabahagi ng Enteng Kabisote actor. "I have five children. Si Tali nga 'yong youngest. My youngest before Tali came is now soon-to-be a mother.
"At ang laki ng gap nu'ng baby na makikita mo ang first step, first ganito, first ganyan. So eto na-experience ko lahat kay Tali so it's a whole different experience for me as a father, as a dad," pagtatapos ni Bossing Vic.
YOU MAY ALSO LIKE:
Vic Sotto is shipping son Vico and Tarlakenyo Mayor Donya Tesoro!
IN PHOTOS: Pauleen Luna throws surprise birthday party for Vic Sotto