Break up nila ni Andrea Torres, kinumpirma ni Derek Ramsay; diin niya: “There is no third party!!!!”

PHOTOS: @ramsayderek07 (L) & @andreaetorres (R) on Instagram

PHOTOS: @ramsayderek07 (L) & @andreaetorres (R) on Instagram

Kinumpirma mismo ng sexy Kapuso actor na si Derek Ramsay na hiwalay na nga sila ng girlfriend n’yang si Andrea Torres

Nagsimulang kumalat ang espekulasyon na break na nga celebrity couple last November 16 nang mapansin ng mga Netizen na burado na sa kani-kanilang Instagram accounts ang photos nila together. Bukod pa rito, napag-alaman ding nag-unfollow na ang aktres sa IG account ni Derek. 

At ngayong araw nga, November 19, kinumpirma ni Derek na totoong hiwalay na sila ni Andrea. 

Dinagsa kasi ng samu’t saring komento ang latest photos ng aktor sa Instagram na kuha sa birthday celebration ng kanyang Mommy Medy. 

May ilang followers ni Derek ang naghanap kay Andrea habang ang iba ay sinisisi ang aktor sa paghihiwalay nila. 

Hanggang may isang Netizen na nagtanggol kay Derek at sinabing baka si Andrea ang may kasalanan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang isang taon nilang relasyon.  

“Ano ba kayo 1 yr lang sila ni andrea samantqla yong past nya 6 yrs lahat bakit gsnon kadali kY andrea somethi g is wrong with andrea wag nyo isisi kay dereck lahat yong past nya 6 yrs,” pahayag ng Netizen sa comment section. 

Tila ang tinutukoy ng Instagram user ay ang huling nakarelasyon ng 43-year-old Filipino-British actor bago kay Andrea na si Joanne Villablanca na tumagal ng anim na taon. Sa tono kasi nito ay tila nang-iintriga ito na bakit ‘yong previous girlfriend ay tumagal ng anim na taon habang si Andrea naman ay isang taon lang. 

Dito na sumagot si Derek para depensahan ang Kapuso actress. Sinabi rin n’yang naging mabilis ang mga pangyayari pero pagtitiyak n’ya ay wala daw third party na involve. 

“[P]ls don't point the finger at anyone,” sagot ni Derek sa komento ng Netizen. “There is nothing wrong with Andrea. She is a great woman. 

“There is no third party!!!!” pagdidiin pa n’ya. “The breakup has happened so fast. Maybe 2 people are just not meant to be.”

Humingi din ng respeto si Derek sa personal nilang buhay pero dedepensahan daw n’ya si Andrea tuwing may magpapakalat ng kasinungalingan para siraan ang aktres. 

“Pls respect us nalang. We shared our love to all of you sana naman we can keep this to ourselves. Mahal ko si ada kaya di ako magsasalita pero if I hear lies about her I will defend her,” pagtatapos ng aktor. 

SCREENSHOT: @ramsayderek07 on Instagram

Magpahanggang ngayon ay wala pa ring nilalabas na pahayag si Andrea tungkol dito.

Matatandaang September last year nang umamin sina Derek at Andrea sa kanilang relasyon matapos nilang magtambal sa Kapuso primetime drama na The Better Woman

September naman ng taong kasalukuyan, sa programang Mars Pa More, nang sabihin ng dalawa handa na silang i-level up ang kanilang relasyon. 

Moreover, nitong November 5 naman, sa vlog ng celebrity doctor na si Vicki Belo, sinabi ni Derek na gusto n’yang bumuo ng sariling n’yang pamilya sa bago n’yang bahay sa Alabang pero malabo daw ang kasalan sa taong ito.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Andrea Torres, nilinaw na hindi sila nagli-live in ng bf na si Derek Ramsay

Pika's Pick: Andrea Torres pulls off a birthday surprise for her “answered prayer” Derek Ramsay and post the sweetest birthday message after

Andrea Torres says “yes” to boyfriend Derek Ramsay’s proposal... to put up their vlog

Pika's Pick: Andrea Torres dedicates sweet birthday message to boyfriend Derek Ramsay's mom

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.