Palaisipan ngayon sa social media ang kuwento sa likod ng photo nina James Reid at Issa Pressman.
Naintriga kasi ang netizen sa isa sa mga larawan na in-upload ni Issa kagabi, March 16, sa Instagram. Kinunan ang mga ito sa nagdaang Harry Styles Love On Tour concert sa Philippine Arena sa Bulacan.
Sa first few photos, mistulang bonding lang ng magkaibigan na nanood ng concert ang ganap ng dalawa. Pero ang ikinagulat ng publiko ay ang pinakahuling larawan kung saan makikitang magka-holding hands sila.
Si James man ay may mga ipinost din na photos and videos nila ni Issa na nag-e-enjoy sa concert.
Dahil dito ay muling nabuhay ang balita tungkol sa naging breakup nina Nadine Lustre at James noong January 2020 kung saan nadawit si Issa na s’yang itinuturong third party umano sa nangyari.
Matatandaang matapos nga ang kompirmasyon nina James at Nadine na hiwalay na sila sa Tonight With Boy Abunda ay dumistansya naman si Issa sa issue at itinangging may kinalaman siya dito.
“If I stay silent, i’m ‘guilty’. If I stand up for myself, i’m ‘defensive’. The world judges either way. But to end it here & now, everything is 100% FALSE. #ThinkBeforeYouClick,” pahayag n’ya sa kanyang IG post.
Nahalungkat din ng netizens ang ginawang pagtatanggol ni Yassi that time sa kanyang younger sister matapos itong kuyugin ng JaDine fans sa social media.
“Hindi po papatol ang kapatid ko sa mga sinasabi ninyo. Pero bilang Ate, hindi ko naman po yata kayang panoorin na patuloy po siyang binabato ng mga masasakit na salita dahil nananahimik siya,” ani Yassi.
Iginiit din n’ya doon na walang gusot sa pagitan n’ya, ng kapatid n’yang si Issa, at ni Nadine.
“[T]his was me and nadz last night, watching how some of us become cruel over untrue statements,” she went on.
“Initially we all laughed about how crazy the things that woke us up yesterday were, and then…. they started getting out of hand, at din yun tama..”
Minabuti na daw nilang magsalita dahil naging cyber-bullying na umano ang nangyayari.
“Ayaw na po sana namin patulan, but we decided to post something because cyber-bullying is not okay, it is never okay,” lahad ng aktres.
“Be careful with the words you say, and things you THINK are true on social media. They are not always the truth.
“Do not be so quick to point fingers, when you do not have the proper information. #thinkbeforeyouclick.
“We’re all okay. Sana po kayo din. Let’s respect everyone,” pagtatapos n’ya.
Pero kalaunan, naglabas ng Instagram Stories noon ni Nadine kung saan meron s’yang disenyong ahas sa kanyang mukha. Cryptic message ang dating nito sa netizens at ang screenshots nito ay gumagala ngayon sa social media.

“But real friends don’t do that,” sey pa ng aktres that time sa isa pa n’yang IG Story na nite-tevive din ng netizens.

Samantala, iginigiit din ng mga netizens na tila totoo umano ang mga cheating rumors kay James Reid noon at ang third party nga daw ay si Issa talaga. Ang malaya umanong pagpo-post nila ng mga larawang magkasama ay tantamount na sa pag-amin sa itinagong relasyon nila noon pa.
Dahil dito ay nag-trending sila, pati na rin si Nadine sa Twitter. Pero kung sina James at Issa at bina-bash at hinuhusgahan, pawang mga papuri at well wishes ang natatamo ni Nadine dahil ni minsan ay hindi raw ito nagpakawala ng masamang salita laban kay James. May nagsasabi rin na mabuti raw at nakakawala na siya sa pagkakadikit sa dating kasintahan.
Bukas ang pikapika.ph sa panig ng lahat ng mga nabanggit na celebrities para bigyang-linaw ang isyung ito.
YOU MAY ALSO LIKE:
Is Issa Pressman one of the reasons behind the James Reid-Nadine Lustre break-up?
Nadine Lustre, aminadong na-frustrate noon dahil hindi natapos ang pag-aaral
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber