Bubble Gang comic Denise Barbacena revisits the recording scene via her latest single, "The Last Thing I'd Do"

Bukod sa pagiging mainstay ng Bubble Gang, tinuloy na rin ni Denise Barbacena ang pag-arte sa mga teleserye na Little Nanay, The Millionaire's Wife, Contessa, TODA One I Love, Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko, Beautiful Justice, Owe My Love, at sa sitcom na A1 Ko Sa’Yo. Kasalukuyang napapanood si Denise sa GMA Afternoon Prime teleserye na Artikulo 247. In between ng kanyang paglabas sa TV, nagawang makatapos ni Denise ng kanyang kursong Bachelor of Science in Medical Technology from Our Lady of Fatima University, Antipolo noong 2020.

Bukod sa pagiging mainstay ng Bubble Gang, tinuloy na rin ni Denise Barbacena ang pag-arte sa mga teleserye na Little Nanay, The Millionaire's Wife, Contessa, TODA One I Love, Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko, Beautiful Justice, Owe My Love, at sa sitcom na A1 Ko Sa’Yo. Kasalukuyang napapanood si Denise sa GMA Afternoon Prime teleserye na Artikulo 247. In between ng kanyang paglabas sa TV, nagawang makatapos ni Denise ng kanyang kursong Bachelor of Science in Medical Technology from Our Lady of Fatima University, Antipolo noong 2020.

Muling nagbalik sa pag-awit ng mga original songs ang Kapuso singer at Bubble Gang mainstay na si Denise Barbacena.

Noong nakaraang April 29, ini-launch na ang kanyang latest single titled "The Last Thing I'd Do" sa ilalim ng GMA Playlist. 

Sinamahan pa ito ng isang music video kunsaan kasama ni Denise ang Sparkle talent na si Anjay Anson. 

Sa naging panayam kay Denise via Zoom noong nakaraang April 12, nagpasalamat si Denise sa composer ng song na si Rina Mercado at producer na si Rocky Gacho dahil sa comeback niya bilang singer. Huling nag-recording si Denise ay noong 2017 pa para sa original soundtrack ng GMA primetime series na Destined To Be Yours. Ito ay ang mga kantang “To Be Yours, I'm Destined,” and “Aking Tadhana.”

"When the song was first pitched to me, it was in the middle of pandemic where everyone was so uncertain about what's going to happen. It feels like hopelessness na lang and sobrang negative,” tsika ni Denise sa  back story ng kanyang recording comeback.

"There's so much negativity on the internet, in the outside world because we were locked-in. Noong na-pitch sa akin na-move ako, na-touch ako, na for a long while I haven't felt like that. I haven't felt 'yung warmth, I haven't felt warm inside from a song. Noong narinig ko siya sabi ko 'Okay, this is it. This is what I wanna share out there.

"Ang goal to offer something na people can still feel love and hope. This song, hopefully the audience, the people who will get to watch the video or listen to the song will somehow feel like that."

Pinost ng 27-year-old singer-comedian ang countdown ng pag-drop ng kanyang single via Instagram. Sinimulan niya sa isang video na para siyang beauty pageant contestant. Pangalawang video ay isa naman siyang delivery rider. Pangatlong video ay naglalakad siya sa kuwarto at aksidenteng nakanto ang binti niya sa gilid ng kama. Pang-apat ay isang black and white teaser ng music video kunsaan nasa ibabaw siya ng isang lalake. Panglima ay nagising siya at nagpapagulung-gulong sa kama. At pang-anim ay para lang siyang marites na nakiusyoso sa mga nanonood ng music video niya sa cellphone. 

Caption pa niya: This is it! I poured my heart out on this, and with all of me, I now share with you the music video of my FIRST EVER SINGLE "Last Thing I'd Do", under @gmaplaylist

"‘Last Thing I'd Do’ is OUT NOW and available for download on iTUNES and streaming on Spotify, Apple Music, YouTube Music, and other digital stores WORLDWIDE.

"What a journey! Enjoy my humble offering. To God be the Glory. #LastThingIdDoDeniseBarbacena"


Denise was 16 years-old noong sumali siya sa first season ng GMA reality-based singing talent search na Protege: The Battle For The Big Break in 2011. Naging mentor niya sa naturang singing contest ang rapper na si Gloc 9. Nagtapos siya in 8th place sa competition.

Nagkaroon ng pagkakataon si Denise na makipag-collaborate with rapper Gloc 9 sa hit single nitong “Hari ng Tondo" at “Dapat Tama.” Nakipag-duet din siya kay Janno Gibbs para sa kantang "My Jagiya" na theme song ng GMA rom-com series na My Korean Jagiya.

Nakasama naman si Denise sa cast ng Bubble Gang noong 2013. Ayon sa singer, nag-audition daw talaga siya sa Bubble Gang dahil gusto niyang ipakita ang comic side niya.

"Noong magkaroon ng audition for new Bubble Gang members, isa ako sa nag-audition talaga. Bukod sa paborito ko ’yung show noong bata ako, gusto ko ring ipakita ang comic side ko. Na nakakatawa pala ako at kaya kong nakipagsabayan kina Kuya Bitoy (Michael V), Kuya Paolo (Contis) at sa iba pang idol ko sa Bubble Gang," k’wento pa niya.

Tinuloy na rin ni Denise ang pag-arte sa mga teleserye na Little Nanay, The Millionaire's Wife, Contessa, TODA One I Love, Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko, Beautiful Justice, Owe My Love, at sa sitcom na A1 Ko Sa’Yo.

Kasalukuyang napapanood si Denise sa GMA Afternoon Prime teleserye na Artikulo 247.

In between ng kanyang paglabas sa TV, nagawang makatapos ni Denise ng kanyang kursong Bachelor of Science in Medical Technology from Our Lady of Fatima University, Antipolo noong 2020. Naging online ang graduation rites ng college batch ni Denise dahil sa pandemya.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.