Camille Prats, hiyang-hiya na napagkamalan niyang beki ang isang beauty queen: “Gusto kong lamunin ng lupa.”

Huli na daw nang ma-realize ni Camille na napagkamalan n’yang beki ang isang beauty queen sa talk show nila noon kaya naman hiyang-hiya daw s’ya that time. “Nakita ko ’yong mga tao sa paligid ko, ’yong make-up artist, nag-disperse. Nawala, nawala sila sa likod ko. Hanggang sa may naglakas-loob na nagsabi na, ‘Ano ka ba? Babae ’yan, ano?’ Kasi akala ko beks,” pagre-recall n’ya.

PHOTOS: @camilleprats on Instagram

Huli na daw nang ma-realize ni Camille na napagkamalan n’yang beki ang isang beauty queen sa talk show nila noon kaya naman hiyang-hiya daw s’ya that time. “Nakita ko ’yong mga tao sa paligid ko, ’yong make-up artist, nag-disperse. Nawala, nawala sila sa likod ko. Hanggang sa may naglakas-loob na nagsabi na, ‘Ano ka ba? Babae ’yan, ano?’ Kasi akala ko beks,” pagre-recall n’ya.

Inamin ng TV host-actress na si Camille Prats na meron s’yang nakakahiyang encounter with a beauty queen dahil napagkamalan daw n’ya ito bilang isang beki.

Ibinahagi n’ya ang karanasang ito sa isang recent video ng Sparkle GMA Artist Center on YouTube kung saan isa-isa n’yang sinagot ang mga tanong – now that she’s been in the entertainment industry for more than three decades – habang nagbabalat s’ya ng patatas. 

Isa nga sa naitanong sa kanya ay kung ano ang most embarrassing moment n’ya in showbiz.

Kuwento ng Kapuso actress, nangyari daw ito noong co-host pa s’ya ng lifestyle show na Mars

Sa aking show na Mars Pa More – na nu’ng time na ’yon, e, Mars pa – meron kaming mga guests na beauty queens. Maliban sa beauty queen meron din kaming naging guest na Super Sireyna [trans beauty queen]. They’re all matatangkad, they’re all dressed nang magaganda…nakapambabae lahat, in short,” panimulang salaysay ni Camille. 

Hindi umano n’ya sinasadya na mapagkamalang beki ang isang beauty queen.

Ako, nag-nap ako bago mag-start ang episode na ’yon. Tapos nu’ng nagbi-briefing na…s’yempre, kaharap ko na ’yong mga guest. Akala ko sila lahat [ay] Super Sireyna. Sabi ko sa [isang beauty queen], ‘Ang liit ng boses mo, ’no?’ Sabi n’ya sa akin, ‘Me?’ Gumanu’n s’ya,” pagre-recall n’ya.

Huli na daw nang ma-realize n’ya na nagkamali s’ya kaya naman hiyang-hiya daw s’ya that time. 

Nakita ko ’yong mga tao sa paligid ko, ’yong make-up artist, nag-disperse. Nawala, nawala sila sa likod ko. Hanggang sa may naglakas-loob na nagsabi na, ‘Ano ka ba? Babae ’yan, ano?’ Kasi akala ko beks,” pagpapatuloy pa n’ya.

Alam mo, gusto kong lamunin [ako] ng lupa. Ang sabi ko na lang na, ‘Ah… Ang gaganda n’yo kasing lahat. Grabe, parang nalito na lang ako,’” palusot daw n’ya noong mga oras na ’yon. 

Tapos um-exit na lang ako pero hiyang-hiya ako. At buong episode, hindi ko s’ya matingnan sa mata…sa sobrang hiya ko na napagkamalan kong beks ’yong isang girl,” pagtatapos ni Camille.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Paolo Contis posts nostalgic childhood photo with 'Hiling' co-stars Carlo Aquino, Shaina Magdayao, Camille Prats, and Serena Dalrymple

Camille Prats’ birthday greeting to her husband is the sweetest thing you’ll read today!

Pika’s Pick: Camille Prats and husband VJ Yambao’s dream house is at finishing stages

Pika’s Pick: Mars Pa More hosts Iya Villania and Camille Prats reunite physically after one year of work from home set up

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.