Candy Pangilinan, binigyan ng problema ang director na si Darryl Yap

Ayon sa February 8 Facebook post ni Direk Darryl, pinayagan niya umanong mag-dagdag si Candy ng mga linyang bibitawan sa isang eksena ng Ang Babaeng Walang Pakiramdam. Kumbaga, allowed itong kumawala sa original script. Kaso, bilang kilala sa pagiging hundred-words-per-minute na nilalang na may katabaan din ang utak, kaya nawili ito at kung anu-ano na ang dinagdag.

Photos: Instagram & Facebook

Ayon sa February 8 Facebook post ni Direk Darryl, pinayagan niya umanong mag-dagdag si Candy ng mga linyang bibitawan sa isang eksena ng Ang Babaeng Walang Pakiramdam. Kumbaga, allowed itong kumawala sa original script. Kaso, bilang kilala sa pagiging hundred-words-per-minute na nilalang na may katabaan din ang utak, kaya nawili ito at kung anu-ano na ang dinagdag.

Isang “happy problem” ang hindi sinasadyang naidulot ni versatile comic Candy Pangilinan sa director ng Ang Babaeng Walang Pakiramdam na si Darryl Yap, the same brains behind the 2019 blockbuster #Jowable.

Kasalukuyan na kasing sisu-shoot ang said second collab nina Direk Darryl at Kim Molina, kung saan kasali muli sa cast si Candy na tumatak sa kanyang madre role sa #Jowable

Ayon sa February 8 Facebook post ni Direk Darryl, pinayagan niya umanong mag-dagdag si Candy ng mga linyang bibitawan sa isang eksena ng Ang Babaeng Walang Pakiramdam. Kumbaga, allowed itong kumawala sa original script. 

Kaso, bilang kilala sa pagiging hundred-words-per-minute na nilalang na may katabaan din ang utak, kaya nawili ito at kung anu-ano na ang dinagdag.

Nagustuhan naman lahat ito ng director. Kaso lang ay nag-pose ito ng problema sa production team.

Ang original line kasi ni Candy, according kay Direk Darryl sa FB, ay eto lang: “Ah oo! Si Emy at si Mary Ann? Oo! Kilala ko yang mga yan, mga Tiyahin nya yan! Sobrang Masiyahin ang mga yan.”

Pero eto daw ang lumabas sa bibig ng komendyana: “Ah oo! si Emy at Si Mary Ann? Oo! Kilala ko yang mga yan, mga Tiyahin nya yan! KAMBAL YAN! MATATABA! MALAKI ANG SUSO, Sobrang Masiyahin ang mga yan.”

 

so ayun nga, pinayagan ko si Mama Candy Pangilinan na angkinin ang script ng role nya sa ANG BABAENG WALANG...

Posted by Darryl Yap on Friday, February 7, 2020

 

“Namrublema” ngayon ang director kung saan hahanap ng babaeng kambal na nagtataglay ng mga katangiang in-ad lib ni Candy.

Nakuha tuloy managawan ng k’welang director. At agad namang dinagsa ng suggestions at direct applications ang comments’ section ng said FB post ng director.

Humingi naman ng paumanhin ang komedyana, also in the comments’ space, saying: “Patawanin mo ako direk! Hindi ko sinasadya. Kasalanan yan ng mabilis kung bunganga. Hahahaha!”

Matapos ang tatlong araw, muling nag-post si Direk Darryl today, February 11, para i-announce na solved na ang “problema” niya. 

Ang announcement came in the form of a photo post kung saan kasama na ni Direk Darryl and mga babaeng kambal na pasok sa instant “requirement” na nilikha ni Candy Pangilinan.

 

Salamat #NORMALS Para sa KAMBAL NA CHUBBY NA MALAKI ANG BOOBAM! Ahhh Candy Pangilinan? Yun na yun? Ang Babaeng Walang Pakiramdam Soon VIVA Films x VinCentiments

Posted by Darryl Yap on Monday, February 10, 2020

 

Hindi pa man, riot na.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.