Candy Pangilinan, gustong isoli ang “gift” na makaramdam ng mga spirits

Habang nag-iisa raw sa isang provincial hotel, nakaramdam ng “presence” ang komedyanang si Candy Pangilinan. "Habang nakahiga ako naramdaman ko lumubog ’yong kama. Alam n’yo ’yong parang may tumuhod sa kama sa likod ko tapos sinilip akong ganu’n.” ’Yon na. Tapos lumabas ako [ng kuwarto]."

PHOTOS: @candypangilinan on Instagram

Habang nag-iisa raw sa isang provincial hotel, nakaramdam ng “presence” ang komedyanang si Candy Pangilinan. "Habang nakahiga ako naramdaman ko lumubog ’yong kama. Alam n’yo ’yong parang may tumuhod sa kama sa likod ko tapos sinilip akong ganu’n.” ’Yon na. Tapos lumabas ako [ng kuwarto]."

May naranasan palang kababalaghan ang comedienne-actress na si Candy Pangilinan habang nasa out of town show s'ya sa Cagayan sa Mindanao.

Ibinahagi n'ya ito recently sa virtual media conference ng horror comedy movie n'ya na Sa Haba ng Gabi. Dahil horror-comedy ang genre ng pelikula, natanong namin silang mga cast members na sina Kim Molina, Jerald Napoles, at Candy Pangilinan kung meron na ba silang makapanindig-balahibong personal na karanasan sa mga multo or spirits especially because marami silang nararating na liba’t ibang lugar dahil sa kanilang profession.

Si Candy ang may pinaka-scary experience. Medyo hesitant pa siyang magbahagi dahil ayaw na sana niyang sariwain. But being the trooper that she is, nagpatuloy na rin. Dito n'ya inamin na talagang suki daw s'ya sa mga pagpaparamdam kung multo lang din ang usapan. 

Kasi nga lapitin ako [ng mga multo], e,” panimula niya. “Madali akong makaramdam. Hindi ko alam kung bakit. Sabi nila dahil free spirit daw ako. May nagsabi sa akin na free spirited ako.”

Umabot po ako sa ano…pumunta po ako kay Father [Ruben] Tanseco dahil nagpa-check po ako. ’Yong nagpasarado…ayaw nila tawaging third eye kasi daw pag third eye, ibig sabihin, hindi galing sa Panginoon kasi two eyes lang naman daw talaga [ang meron] tayo. So, ang tawag nila, gift.”

Pagbibiro pa n'ya para gumaan ang tsikahan : “Ayaw ko naman po masyado ’yong gift. Okey naman po ako kahit walang gift. Hindi ko naman gusto ’yong gift. Hindi ko naman birthday saka hindi ko masyadong gusto ’yong gift na ’yon.”

Doon na niya sinimulang i-share ang isa sa mga nakakatakot n'yang experience sa isang hotel sa Cagayan several years ago. 

Isa po sa na-experience ko sa show, naiwan po ako sa… Di ba, Iligan [at] Cagayan, magkadikit lang sila [na mga probinsya]? Tama ba ako, magkadikit lang sila?...So, may show po ako ngayong gabi sa Cagayan, next day po ang show ko sa Iligan. 

Ang nangyari po, ’yong RM [road manager] ko iniwan ako kasi nilalagnat ako. Sabi n’ya, ‘Ako na lang ang magsa-sound check.’ Tapos pumunta s’ya ng Iligan. Iniwan po ako sa Cagayan."

Nang mag-isa na lang daw s'ya sa hotel room nila ay saka nang-gambala ang nilalang na hindi n'ya nakikita. 

Tapos habang nandu’n po ako, nagbukas ako ng TV, namamatay s’yang mag-isa. Binuksan ko ulit, hihiga akong ganyan, namatay naman [ang TV]. So, naramdaman ko na, parang natatakot na ako,” pagbabalik-tanaw ng komedyana. 

Ang ginawa ko, tumawag ako sa baba [sa front desk] um-order ako ng room service. Tapos sa tuwing may pumapasok doon sa k’warto parang nawawala [ang presensya nu’ng nagpaparamdam].”

Hindi daw 'yon natapos doon dahil maging ang gadget na nilalaro n'ya ay pinagdiskitahan rin daw nito.

Ang ginawa ko, pinatay ko na lang po ’yong TV at naglaro ako [ng gadget],” pagpapatuloy niya. “Habang naglalaro po ako, namatay po ’yong laruan ko. So, binaba ko na rin tapos humiga na lang ako.

Ang pinaka nakaka-kilabot ay nang tabihan na daw siya ng “presence.”

Habang nakahiga ako naramdaman ko lumubog ’yong kama. Alam n’yo ’yong parang may tumuhod sa kama sa likod ko tapos sinilip akong ganu’n. ’Yon na. Tapos lumabas ako.”

At that point, tumawag na raw ang RM niya at pinagre-ready na siya. Laking gulat daw ng RM niya nang dumating ito sa kuwarto niya dahil bukas lahat ng pintuan.

Nu’ng bumalik s’ya, bukas ang pintuan, bukas ang banyo. Opo. Naligo akong bukas ang pintuan, bukas ang banyo. Kahit sino p’wede akong silipan. Sa sobrang takot ko bukas po lahat.

Nu’ng gabi, pag balik nu’ng RM, sabi n’ya sa akin, ‘Oh, bakit ang daming pagkain?’ Sabi ko, ‘Akala ko kasi makakain ko, e. Talagang wala akong gana.’ Hindi ko sinabi sa kanya [na may nagpaparamdam sa room]."

Ang hindi n'ya alam, may alam din pala ang RM n'ya sa mga nagaganap sa kanya kahit wala s'yang ikinukuwento dito. Nakumpirma lang daw n'ya ’yon nang muli silang magka-usap noong kapwa nasa Maynila na sila. 

Pag-uwi namin ng Manila, ito na ’yon. Nasa set kami ng isang taping, sabi n’ya sa akin, ‘Alam mo, Candy, may ikukwento ako sa ’yo. Ayoko lang sabihin sa’yo nu’ng nandu’n tayo sa probinsya. Pero habang tulog ka may nakita akong lalaki nasa paanan ng kama mo,” pagna-narrate ni Candy.

Hindi na rin n'ya naituloy pa ang kuwento dahil umawat na ang co-star n'yang si Kim Molina mula sa kabilang linya. Natatakot na din ito sa k’wento kahit pa kasama n'ya ang nobyong si Jerald Napoles.

Totoo, ’yon,” pahabol na lang ni Candy tungkol sa mga ibinahagi n'ya. 

Ang ipinagpapasalamat nalang kay Candy ay hindi naman daw sumusunod sa kanya ang mga nagpaparamdam. 

Baka nakikipag-friends lang pag napapadpad siya sa mga teritoryo nila?

Anyway, showing na simula ngayon araw, October 29, ang horror comedy film nina Candy, Kim at Jerald na Sa Haba ng Gabi sa Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery. 

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Also, simula noong October 1, meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, and New Zealand.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.