Candy Pangilinan, nag-stage ng solo graduation rites noon para sa anak na may special needs dahil sa naranasan nitong discrimination sa sarili nitong eskwelahan

PHOTOS: @candypangilinan on Instagram

PHOTOS: @candypangilinan on Instagram

Binalikan ng komedyana at single parent na si Candy Pangilinan ang alaalang ginawan n’ya noon ng solo graduation ceremony ang anak na si Quentin Alvarado dahil sa naranasan nilang discrimination sa eskwelahan. 

Ito ang isinalaysay n’ya nang mag-guest s’ya sa online show ni Toni Gonzaga na ToniTalks on YouTube kahapon, May 2. 

Bale, early Mother’s Day special ang episode ni Candy kung saan napag-usapan nila ni Toni ang journey ng komedyana kasama ang kanyang anak na na-diagnose na may autism at attention deficit hyperactivity disorder (ADHD).

Natanong kasi ni Toni ang aktres kung ano ang hardest part sa pagiging isang ina ng gaya ni Quentin na may special needs. 

“Actually, ‘yong rejection. Marami kasi, e,” diretsang sagot ni Candy.  

“Discrimination?” dagdag na tanong ng Kapamilya TV host.

Tugon naman ni Candy, “Sobra. Ang dami.

‘Yon ang pinakamasakit?” tanong pa ni Toni. 

“For a mother [na gaya ko]. Kasi sa kanya [kay Quentin] wala lang, e,” lahad ni Candy sa show. “‘Yong uma-attend ka ng party walang [ibang bata na] nakikipaglaro sa anak mo. So, si Quentin umabot sa pag alam n’yang a-attend ng party nagdadala ng sariling laruan. Siguro alam n’yang walang maglalaro sa kanya.

Naranasan din daw ng 48-year-old celebrity mom na ma-reject sa eskwelahan dahil sa kanyang pagiging single mother. 

Dahil single mom ako, I had also experienced na…‘yong sa school? Hindi ako tinatanggap kasi single mom [ako],” pagre-recall n’ya. 

Binalikan rin n’ya ‘yong panahong hindi pina-attend ng graduation si Quentin kahit pasado naman ito at naka-tatlong beses pang nag-kinder. 

Kasi ang mommy ko, gusto n’ya ipasok [si Quentin] sa big school,” paliwanag ng aktes. “Sabi n’ya, ‘Kayo, naka-big school kayo. Tapos si Quentin sa maliit na eskwela?’ 

“So, sige. Papano nakapasok? Kasi kilala n’ya ‘yong may-ari ng eskwelahan. S’yempre, ‘di ba? So nakapasok kami. Nu’ng nandu’n na kami hindi [si Quentin] pina-graduate ng kinder.”

Inakala daw n’ya noon na makakaakyat ng stage ang kanyang anak base sa ini-report sa kanya ng yaya ng bata na kasa-kasama nito sa school.

“So, nu’ng third time na, sabi sa akin ng yaya [ni Quentin], ‘Ma’am, pi-picture na tayo.’ May picture na, togapractice,” pagbabalik-tanaw ni Candy. “So, ‘yon nga. Sabi ko, ‘Sure ka? Last year nag-picture din tayo.’ May graduation picture din kami last year, e, [pero] hindi naman kami pina-graduate. Sabi n’ya, ‘Ma’am, sigurado na ako.’ Sabi ko, ‘Bakit?’ [Sagot n’ya], ‘May practice.’

However, tumawag na lang daw ang yaya sa kanya sa phone isang umaga at umiiyak. Sumbong nito, pinull out daw si Quentin sa practice at hindi pinayagang um-attend sa graduation rites. 

Pumunta ako’ng eskwelahan,” pagpatuloy na k’wento ng aktres tungkol sa discriminatory school na hindi niya pinangalanan. 

Nakita ko si Quentin doon sa isang tabi, naglalaro. ‘Yong yaya nandu’n sa isang tabi, umiiyak. To make the long story short, nakita nu’ng principal [si Quentin sa graduation practice]. Pinull out nga.

Sinubukan daw n’yang makiusap sa principal para payagang maka-graduate ang kanyang unico hijo. 

Nagpunta ako sa principal,” pagre-recall pa ng TV, movie and stage actress. “Nagtanong ako, ‘Bakit po hindi s’ya ga-graduate?’ 

"Sabi n’ya, ‘Hindi lang naman po kinder ang ga-graduate. May ibang levels din. Paano pag nagwala ang bata? Nakakahiya.’ 

Sabi ko, ‘Ah…ipa-practice ko ho ‘yong kami lang dalawa…. Ipa-graduate n’yo na ho. Parang awa n’yo na.’

Hindi daw pumayag ang principal at idinahilan nito ang ilang insidente ng pagwawala ni Quentin sa kanilang mga past events. 

Totoo nga naman kasi nu’ng bata pa si Quentin, tuwing may program palaging nagwawala. So, Best in Walkout kami,” pagbibiro pa ni Candy. “‘Yong bubuhatin mo [s’ya] tapos lalabas ka [ng venue]. Kakaway ka na lang, ‘Pasensya na po. Pasensya na po.’ ‘Yong ganu’n.” 

Paki-usap pa daw n’ya noon sa principal, “Pinag-practice n’yo na po ‘yong bata. Kawawa naman po.’ Umabot ako sa, ‘Kahit bigyan n’yo na lang po ng bond paper [na] walang nakasulat [imbes na diploma].’ To make the long story short, naiyak ako sa principal. Nagmakaawa ako.

Still, hindi pa rin daw pumayag ang principal. 

Habang nasa kotse pauwi, in-encourage daw ni Candy ang anak n’ya na mag-practice sila sa pag-akyat at pagbaba sa stage para sa kanyang graduation dahil umaasa s’yang baka magawan pa ng paraan at payagan silang maka-attend sa ceremony.  

Humawak na lang daw ito sa kamay n’ya at sinabing, “No, mom. I’m good. I’m okay.”

Lalo daw s’yang naiyak sa naging gesture ng kanyang anak. 

Dito na daw n’ya naisip na bigyan na lang ng solo graduation rites si Quentin.

Sa awa ko, kinaibigan ko ‘yong barangay captain namin,” natatawang sabi ng Tililing co-star kahit na tumutulo ang kanyang luha. “‘Di ba, gumagawa ako ng events? Meron akong red carpet. So gumawa ako ng sariling graduation sa plaza. Kami-kami lang [ang attendees]. Nag-invite ako ng mga taga-church [para] taga-palakpak.” 

Grumaduate s’ya?” naa-amaze na tanong ni Toni.

Sagot ng Viva artist, “Grumaduate s’ya sa plaza namin.

Na-curious naman si Toni at muling nagtanong kung nagwala ba si Quentin sa solo graduation n'ya gaya nang ikinakatakot ng principal.

Hindi,” saad ng komedyana. “Classmate n’ya [kunwari] ‘yong yaya n’ya.”

At bahagya silang natawa. 

Ang tingin ko, all parents, all mothers who go through that, siguro gagawa din sila ng paraan to rise above it,” paliwanag ni Candy. “Because I think, all mothers…”

“Want the best for their kids,” dugtong ni Toni. 

“Yes,” pagsang-ayon ni Candy. “And they will just cope.”

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Candy Pangilinan and son Quentin are awarded their Silver Play button plaque by YouTube!

Pika's Pick: Candy Pangilinan’s Quentin successfully pulls off his first altar boy duties

 

Aiko Melendez, inaming may sama ng loob sa kaibigang si Candy Pangilinan

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.