Carla Abellana admits she regrets marrying Tom Rodriguez

Matagal-tagal na rin mula nang huling beses nagkausap ang dating mag-asawang Carla Abelllana at Tom Rodriguez. Handa naman daw si Carla'ng kausapin ito sakaling gusto nitong makipag-usap. Hindi nga lang daw anytime soon. “Ever, oo naman. But any time soon, no. Parang ganu’n. I wouldn’t say naman na never. Parang ganu’n...plus we’re in the same industry,” sagot ni Carla.

PHOTOS: @carlaangeline & @nelwinuyphoto on Instagram

Matagal-tagal na rin mula nang huling beses nagkausap ang dating mag-asawang Carla Abelllana at Tom Rodriguez. Handa naman daw si Carla'ng kausapin ito sakaling gusto nitong makipag-usap. Hindi nga lang daw anytime soon. “Ever, oo naman. But any time soon, no. Parang ganu’n. I wouldn’t say naman na never. Parang ganu’n...plus we’re in the same industry,” sagot ni Carla.

Sa lahat yata ng mga artistang sumalang na sa lie detector test, si Carla Abellana ang pinaka-excited at relax lang sa lahat. Katwiran niya, wala naman daw kasi siyang tinatago.

Kaya naman sa pa-lie detector ng actress na si Bea Alonzo para sa kanyang YouTube channel, iilan lang ang lumabas na "lie" sa kanyang mga sagot. At pag dating naman sa mga mas juicy o difficult questions na tungkol sa love at relationship, game na hinarap ng aktres ng aktres ang lahat.

At isa sa tanong ay kung nagsisi raw ba si Carla na nagpakasal. 

S'yempre, ang tinutukoy rito ay ang naging kasal nila ng actor na si Tom Rodriguez na tumagal lang ng tatlong buwan at nauwi agad sa hiwalayan noong isang taon.

Hindi pa ko natatanong n’yan ha,” reak ni Carla. 

Natatawang nagkuwento muna si Carla bago sumagot ng yes or no.

May isi-share ako. Palagi kong nire-ready ang sarili ko sa question na 'yan na wala pa namang nagtatanong. Hindi ko rin alam ang isasagot ko…”

Kalaunan ay “No” ang naging sagot ni Carla pero lie ang naging resulta sa lie detector test na kapwa nila ikinatili ni Bea.

Natatawang paliwanag naman ni Carla: “So, I regret… alam n'yo kung bakit? P'wede akong mag-explain? S'yempre, gusto kong sabihin na ‘no…’ kahit papaano, s'yempre, kung paano tayo pinalaki sa kultura natin—dahil Catholic din ako—na parang no regrets dapat. Kasi, part ito ng plan ni God, mga ganu’n…

“But then, honestly, kung si Carla at tanggalin mo lahat ng 'yon, yes, talagang nagsisisi ako! Kaya siguro gano’n 'yung answer [result]. Kasi, honestly, hindi ko pa alam, ano ba 'ko, yes or no.”

Isang mabilis na “No” naman ang sagot agad ni Carla sa tanong kung nai-imagine niya ang sarili niya na magpapakasal muli.  At tama naman ang naging resulta.

“No, would you believe?,” sabi pa niya.

Tama rin sa “yes” ni Carla ang resulta sa tanong kung winish ba niyang sana ay hindi na naisapubliko pa ang hiwalayan nila.

“I mean, sino naman ang may gusto na maging public ang isang mahirap at sensitive na public matter.”

Wala din daw s’yang regrets sa kung paano n’ya hinandle ang breakup nila. Mas pinili kasi n’yang manahimik na lang.

Ang daming considerations, e, ’di ba?” ani Carla. 

At mukhang wala na ring pag-asa pang magkabalikan pa sila dahil “No” ang naging sagot ng aktres sa tanong na “Will you ever get back with Tom again?”

Napa-"Yes!" din ang ina ni Carla na si Rea Reyes na kasama pala nito that time. 

Although naniniwala daw s’ya na deserve ng bawat isa ang second chance o kahit pa ng third chance, pero ibang usapan na raw kung lalagpas pa doon.

“Yes but not third, fourth, fifth, sixth… Everybody deserves a second chance even a third chance, my gosh. Pero pag [pa-ulit-ulit] Kaya nga chance, e. There has to be change. ’Yon bang ganu’n. Hindi p’wedeng paulit-ulit,” saad pa n’ya.

Sinundan ni Bea ng tanong si Carla kung nabago raw ba siya ng mga nangyari?

“Yes and honestly, nasa process pa 'ko ng changing. I wouldn’t say that I’m already a changed person. But I can definitely see changes already na unti-unti pa lang na nangyayari.

“Definitely, maraming changes na, but it’s really more on mga smaller changes muna. Parang baby steps.”

At dahil matagal-tagal na din mula ang huling beses silang nagkausap ni Tom, natanong din ni Bea si Carla kung kakausapin ba n’ya ang aktor kung gusto nitong makipag-usap sa kanya. 

“Ever, oo naman. But any time soon, no. Parang ganu’n. I wouldn’t say naman na never. Parang ganu’n...plus we’re in the same industry,” sagot ni Carla. 

Nangangahulugan din kaya ito na ayaw n’ya munang makasama sa isang project si Tom?

Ayoko sana. But then…honestly kasi, paano pag biglang sinabi, ’di ba, ng GMA?” sagot ng aktres.

Tila ikinagulat ni Bea ang sagot ni Carla: 

“So, talagang gagawin mo [ang project with Tom kung sakali]?” tanong ni Bea sa kanya. 

“But personally, ayoko. No… Oo, yes, I have a forgiving [heart] pero really I don’t want to work [with him],” paglilinaw n’ya.

Naitanong din kay Carla kung magmamahal daw ba siyang muli sa parehong paraan ng pagmamahal na ibinigay niya dati?

Ang hirap naman ng question na 'yan,” pag-amin niya. “I’m hoping that I will fall in love again. But hindi ko na alam. Hindi naman siguro impossible but hopefully, yes, oo…

Pero ngayon, wala pa raw sa plano niya.

“No, hindi talaga. It’s not in my head space. S'yempre, I’m hoping naman na I will.”

At dahil single na nga s’ya ngayon, mga kaibigan daw n’ya ang kanyang makakasama sa pagse-celebrate ng Valentine’s Day. 

May trip kami ng aking barkada. Magba-Baguio kami. Since elementary, my barkada, ’yong akin talagang pinakabarkada…sila ang kasama ko for Valentine’s,” pagtatapos ni Carla.

Matatandaang ikinasal sina Carla at Tom noong October 2021 pero makalipas lang ang tatlong buwan ay lumabas ang mga espikulasyon na naghiwalay na sila. 

Naging palaisipan sa publiko ang pinaka-ugat ang kanilang hiwalayan dahil kapwa ayaw magsalita ang dalawa.

Last June 2022 nang ma-provoke ng isang basher si Carla kaya’t sumagot ang aktres at sinabing ginamit at tinraydor umano s’ya kaya humantong sila sa hiwalayan ni Tom. 

“I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed. I was made to look so stupid,” matapang na pahayag ni Carla that time. 

Sa inilabas namang statement ng kampo ni Tom that time, inanunsyo n'yang finalized na ang divorce decree sa kasal nila ni Carla na inihain n'ya sa US.

Sa interview naman ni GMA reporter Nelson Canlas kay Carla last November 2022, sinabi n'yang hindi s’ya makapagdetalye sa mga reasons ng breakup nila ni Tom. 

Hindi ko masasabi ’yan kasi hindi po s’ya isang bagay lang. I cannot answer that question kasi madami,” lahad ni Carla. 

Madami pong dahilan na hindi po mababaw, hindi ganu’n kadali, hindi iisang bagay lang. Talagang maraming reasons as to why.”

Noong December 2022 naman, sa interview naman ni Tom with Ogie Diaz, pinasinungalingan nito ang mga isyung naglabasan kaugnay sa hiwalayan nila ni Carla gaya ng pananakit n’ya rito nang pisikal, ang tsikang bading umano s’ya, at ang bali-balitang nakabuntis daw s’ya ng ibang babae.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Carla Abellana sa dahilan ng hiwalayan nila ni Tom Rodriguez: “I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed. I was made to look so stupid.”

Hiwalayang Tom Rodriguez at Carla Abellana, sa isang mahiwagang text lang nga ba nagsimula?

Cryptic na babala ni Tom sa isang netizen na umusig sa kanya kung bakit niya sinaktan si Carla Abellana: “Baka magulat po kayong lahat pag lumabas na lahat lahat.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.