Carla Abellana, hinanda na ang sarili sakaling magkita silang muli ni Tom Rodriguez; “Wala na po akong nararamdaman kung sakali man po na mangyari ’yon.”

Sakaling magkaharap na sila ng ex-husband niyang si Tom Rodriguez, ayaw ni Carla Abellana na s’ya ang unang magre-reach out. “Hahaha! Ayoko po. Hahaha! Ayoko po. Ang dami ko pong inaatupag. Ang dami ko pang kailangang isipin. I don’t see the need o hindi ko nakikitang kailangan. I don’t think it’s necessary na may ganu’n pang initiative or attempt na mag-reach out,” sabi n’ya.

PHOTOS: Tom Pornel & Pat Dy via @popoycaritativo on Instagram

Sakaling magkaharap na sila ng ex-husband niyang si Tom Rodriguez, ayaw ni Carla Abellana na s’ya ang unang magre-reach out. “Hahaha! Ayoko po. Hahaha! Ayoko po. Ang dami ko pong inaatupag. Ang dami ko pang kailangang isipin. I don’t see the need o hindi ko nakikitang kailangan. I don’t think it’s necessary na may ganu’n pang initiative or attempt na mag-reach out,” sabi n’ya.

Tuluyan na raw nakapag-move on ang aktres na si Carla Abellana sa kontrobesyal na hiwalayan nila ng former husband niyang si Tom Rodriguez.

Iyan ang ipinarating n’ya sa entertainment press sa naging media conference n’ya kagabi, September 26, right after she signed a management contract with All Access to Artists.

Kinumusta kasi s’ya ng press people at natanong kung nakapag-move on na ba s’ya totally sa separation nila ni Tom. 

Oo naman po. Definitely po. Nabanggit ko kanina na parang nahanap ko na ang aking peace. Talagang nasara na po ang chapter na ’yon ng aking buhay,” malumanay na sagot ni Carla.

Masaya na raw sa estado ng buhay n’ya ngayon ang aktres dahil sobra pa umano sa pagmo-move on ang ginawa n’ya. 

Lagpas-lagpas pa po kumbaga sa pagmo-move on, ’yong ganu’n. So, masayang-masaya po [ako]. Definitely, masaya po ako kung nasaan ako ngayon sa buhay ko po. I’m happy where I am and kung sino ako today,” pagtitiyak n’ya.

Alam naman daw n’ya na may dahilan kung bakit nangyari ang masakit na kabanatang iyon sa buhay n’ya.

“Of course, looking back, parang, in a way, thankful po ako du’n sa pangyayari. Nangyari naman po ang lahat ng ’yon for a reason,” she said. 

“Definitely moved on. Sobrang happy po kung nasaan ako ngayon at kung sino ako today. Yes, moved on na po at closed na po ang chapter na ’yon. Marami na pong nangyari after,” pag-uulit pa n’ya.

Dahil dito, nausisa pa si Carla kung paano na lang if ever na magkaharap silang muli nang nakahiwalayan niyang asawa.

Ayon sa kanya, naihanda na umano n’ya ang kanyang puso at isip noon pa man kung sakaling dumating ang araw na ’yon.

Dahil nga po nasa same industry kami, pareho po kaming artista, at ’yon nga po, sa GMA pa po, ’di ba, nagkataon po. Inevitable po ’yon, of course,” aniya. 

Matagal ko na pong naisip ’yon, na-prepare ang sarili ko. Parang wala na po, wala na po akong nararamdaman kung sakali man po na mangyari ’yon,” saad ni Carla.

Patuloy niya: “Kung mangyari ’yon o dumating ang araw na ’yon, hindi na po, wala na po. Kumbaga, kilala ko na po ang sarili ko. Parang ganu’n po,” pagbabahagi ng aktres.

Kumbaga, confident na po ako na…wala po. Kumbaga, hindi na po ako parang magpa-panic o matatakot or malulungkot. Parang ganu’n po.” 

Dahil nakapag-move on na, nakasisiguro raw s’ya na hindi s’ya makakaramdam ng kung anumang negative emotions sa sandaling magkaharap sila.

“I know myself better already. Wala naman pong whatsoever na negative reaction or feeling or whatsoever,” pagtitiyak ni Carla. 

Ako po ay napaka-professional na tao. So, kung sakaling nasa same studio po s’ya o kunwari may show po, wala pong problema, of course. Trabaho lang po, ’di ba?” dagdag pa n’ya.

S’yempre, may mga responsibilities din kami. Meron po kaming kailangang gawin. Wala pong problema ’yon.”

E, sino naman kaya sa kanila ang unang mamamansin o magre-reach out kung sakali?

“Hahaha! Ayoko po. Hahaha! Ayoko po. Ang dami ko pong inaatupag. Ang dami ko pang kailangang isipin,” natatawang sagot ni Carla.

“I don’t see the need o hindi ko nakikitang kailangan. I don’t think it’s necessary na may ganu’n pang initiative or attempt na mag-reach out,” pagtatapos n’ya.

Samantala, maliban sa pagpirma n’ya sa bagong management, may bagong teleserye din si Carla na tiyak na abangan ng mga fans.

Ito ang Stolen Life, kung saan makakasama n’ya sina Gabby Concepcion at Beauty Gonzalez, na mapapanood soon sa GMA Network.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Carla Abellana gives a glimpse of nearly-finished new home, which symbolizes her state of “moving forward”

Carla Abellana, napatawad na ang ex-husband na si Tom Rodriguez; sarado na ang isip sa konsepto ng kasal

Carla Abellana admits she regrets marrying Tom Rodriguez

Diborsyadong sina Carla Abellana at Tom Rodriguez, six months nang hindi nag-uusap; Carla, aminadong hirap mag-move on

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.