Carla Abellana, kinilig kay Bea Alonzo

Carla Abellana on Bea Alonzo: "Ang hirap hindi kiligin at tumitig!" Bea to Carla: "Mukha kang doll sa malapitan!"

Photos: @carlaangeline / @beaalonzo

Carla Abellana on Bea Alonzo: "Ang hirap hindi kiligin at tumitig!" Bea to Carla: "Mukha kang doll sa malapitan!"

Naging instant fan ng bawa't isa sina Carla Abellana at Bea Alonzo!

Unang nag-express ng pagka-faney si Carla Abellana kay Bea Alonzo matapos niya itong makasama sa isang recent guesting sa All Out Sundays.

Idinaan ni Carla sa kanyang Instagram post ang paghanga niya sa Start-Up PH  lead actress.

"One of my career dreams is to work with her," panimula ni Carla sa IG.

“Although we had a few chances of working together for an endorsement a few years ago and we’ve come across each other on several occasions, this is the first time i actually got to perform on stage with Bea.

"I was fangirling when we saw each other yesterday. And i was gushing so much on the inside all throughout the day. Ang hirap hindi kiligin at tumitig!" 

"Thank you, Lord. What a gift! And thank you, @alloutsundays7 ! 🥰"

Agad namang tumugon si Bea sa papuri sa kanya ni Carla sa mismong comments section ng IG account ni Carla. 

Ayon kay Bea, pinag -uusapan nila ng kanyang mga kasama sa dressing room kung gaano kaganda si Carla, na mukha raw manika ang Sparkle actress.

"OMG! Carla!! The feeling is mutual! We were talking about how beautiful you are in the dressing room!! Mukha kang doll sa malapitan!" masayang tugon ni Bea.

“I WOULD LOVE TO WORK WITH YOU!!!"

Bongga tiyak kapag pinagsama sina Carla at Bea sa isang teleserye o pelikula.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Diborsyadong sina Carla Abellana at Tom Rodriguez, six months nang hindi nag-uusap; Carla, aminadong hirap mag-move on

Carla Abellana, nag-aaral mamaril

Pika's Pick: Carla Abellana goes sexy in new photo shoot

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.