Condo unit tour ang naging content ng actress-vlogger na si Carla Abellana sa YouTube video n'ya na in-upload last September 25.
For sale na daw kasi ngayon ang condo unit ng Kapuso actress sa The Grove by Rockwell sa Pasig City kaya naman nagsagawa s'ya ng virtual tour para makita ito ng sinumang potential buyer.
Sa video, ipinasilip ng Love of My Life lead star ang loob ng kanyang condo na naipundar daw n'ya noong baguhan pa lang s'ya sa showbiz.
Matatandaang unang bumida noon si Carla sa Philippine adaptation of the Mexican telenovela na Rosalinda way back 2009 at ang condo unit nga daw ang isa sa mga naipundar n'ya.
"I bought this property during pre-selling nu'ng bago pa lang ako sa showbiz," k'wento ni Carla sa kanyang vlog. "Binili ko s'ya pre-selling so hindi as expensive. So it's been about [8] years already, more or less.
"I bought it in [2012]. Nu'ng time na 'yon, ginagawa pa lang ang The Grove. Hindi pa buo lahat ng 'towers. And there are six towers by the way.”
Dagdag pa ng 34-year-old Kapuso primetime actress: "In all fairness, sa loob ng [walong] taon nag-increase na po ang market value ng The Grove, you know. If you consult a real estate broker sasabihin naman nila. May idea naman sila, more or less, kung magkano na po ang market value dito per square meter dito sa The Grove."
Masaya daw ang aktres na sa pag-iinvest n'ya sa condominium unit na iyon pero dumating na daw ang time na kailangan na n'ya itong i-let go.
"I'm so happy na worth it 'yong investment. Definitely, worth it," pahayag pa ni Carla. "Nag-grow na 'yong price, 'yong value, through the years and I believe I'm ready to let go, guys. I'm ready to let go of this condo unit.
"Para matirhan na talaga s'ya nang tuluyan ng whether it's a newlywed couple, mag-boyfriend-girlfriend, a small family, or whatever."
Nag-share pa ang aktres na dati daw ay pinangarap lang n'ya ang magkaroon ng condo sa Rockwell kung saan s'ya dating nagtrabaho bago n'ya sumabak sa pag-aartista.
"Alam n'yo ba na nagtrabaho ako sa Rockwell Land bago ako mag-show business? Yes, nagtrabaho po ako for Rockwell," pagbabahagi ni Carla. "I was in Human Resources [Department].
"I think, nasabi ko na po ito sa ilang vlog ko at ilang interviews ko for work. But, yeah, believe it or not, I worked in Human Resources for Rockwell Land for a year and three days. O, 'di ba? May three days pa.
"Tapos nakakatuwa lang kasi nu'ng nagtatrabaho pa ako sa Rockwell, nangarap ako, s'yempre, 'di ba? Nangarap ako na, 'Ay, ang mahal ng Rockwell. Grabe. Kelan ko kaya maa-afford ang Rockwell?'
"Suntok man sa buwan na wishful thinking or whatever pero sabi ko, 'What if one day, 'di ba?' Hindi naman masama mangarap. Libre lang naman mangarap. So sabi ko, 'Balang araw magkakaroon din ako ng condo unit sa Rockwell.' And, lo and behold, we are here now."
Sulit daw lahat ng pagod at effort ng aktres dahil nagkaroon naman daw ng saysay ang lahat ng 'yon.
"Worth it ang lahat ng paghihirap, guys, ang lahat ng pagpupuyat, ng pag-iiyak, ng pagod, lahat dahil nakapagpundar ako ng condo unit sa isang Rockwell property," tila may kilig pang sey ng aktres.
"So nagkatotoo 'yong aking pangarap. Nagkatotoo 'yong promise ko sa sarili ko na one day magkakaroon ako ng condo unit sa Rockwell. It's just facinating to think of right now. It's overwelhing. Nakaka... Ang sarap. Ang sarap ng pakiramdam, 'di ba, na isa sa mga pangarap mo natupad mo."
Nakuha pang magbiro ni Carla na ang pagbebentahan ng kanyang condo unit ay gagamitin daw sa ipapatayo nilang dream house ng boyfriend na si Tom Rodriguez.
"'Yon na nga, guys. Tulad ng sabi ko, tulungan n'yo na akong tuparin ang isa ko pang pangarap which is to build a dream home. Hindi po kami ni Tom makakapagpagawa ng aming dream home kung hindi ko po ito mabebenta," natatawang sey ng aktres.
"Joke lang naman, guys," bawi n'ya sa kanyang sinabi. "S'yempre pagsisikapan pa rin 'yon. Magtatrabaho pa rin nang mabuti. But hopefully, yes. Maibalik na sa akin 'yong aking investment through the sale of this unit."
WATCH the full video of Carla Abellana's condo unit tour here:
YOU MAY ALSO LIKE:
Carla Abellana, inip na nga sa marriage proposal ni Tom Rodriguez?
Tom Rodriguez, sigurado na kay Carla Abellana; in-love din daw sa leche flan ng aktres