Carla Abellana, nakatanggap ng “wholesome” bachelorette party treat mula sa kanyang To Have and To Hold family

Nakatakdang ikasal si Carla Abellana kay Tom Rodriguez sa October 23 at gaganapin ang matrimonial ceremony sa Madre de Dios Chapel sa Tagaytay Midlands.

PHOTOS: @carlaangeline on Instagram

Nakatakdang ikasal si Carla Abellana kay Tom Rodriguez sa October 23 at gaganapin ang matrimonial ceremony sa Madre de Dios Chapel sa Tagaytay Midlands.

Hindi raw inakala ni Carla Abellana magkakaroon s’ya ng bachelorette party ilang araw bago s’ya ikasal sa fiancé n’yang si Tom Rodriguez dahil sa ipinatutupad pa ring restrictions due to the COVID-19 pandemic. 

But her To Have And To Hold co-stars and director made it happen at binigyan s’ya ng isang hindi malilimutang bachelorette party bago n’ya iwan ang buhay-dalaga. 

“The closest to a ‘Bachelorette Party’ i could get during this pandemic,” sey ng Kapuso actress sa kanyang latest Instagram post last October 2. 

Kalakip nito ang series of photos na kinunan sa intimate gathering. Kabilang sa mga dumalo sa event sina Max Collins, Rocco Nacino, Valeen Montenegro, Ina Feleo, Luis Hontiveros, at ang direktor nilang si Don Michael Perez.

Inisa-isa rin ni Carla ang mga health protocol check list na kanilang sinunod on that special night.

—“Everyone was Antigen tested first
—“Wasn’t a party because it was just a quick segue from a plated Italian dinner, 
—“Open air at a co-actor’s house for proper air circulation
—“Everyone vaccinated
—“Wholesome.”

Nagpapatawa actually si Carla sa paggamit niya ng description na “wholesome” na ang tunay na inig biyang sabihin ay “naughty.” Ito ay dahil binigyan siya ng mga co-actors n’ya ng bridal-shower cake na may naka-disenyong male genitalia. 

Makikita ngang naka-blur pa ito sa ilan sa mga semi-closeup photos na ibinahagi ni Carla. 

“The smiles and laughter are all real, though. Because i seriously thought i wouldn’t even get to have one,” pagpapatuloy ng pa bride-to-be. 

“I have the funniest and sweetest co-stars and Director. THANK YOU, @valeentawak, @maxcollinsofficial, @ina_feleo, @nacinorocco, @luishontiveros7 and Direk DMP.”

Pinasalamatan din ng aktres ang Italyanong mister ni Ina Feleo na si Giacomo “James” Gervasutti na s’yang nag-prepare ng kanilang Italian food para sa kanyang bridal shower. 

”Thank you also to @jamesgerva for the most authentic and delicious Italian feast i’ve ever had in Manila (@pasticci.ph ), @rielmanuel for recording the moment and @gohingmelissa for the pleasant company,” lahad ni Carla.

Nakatakdang ikasal sina Carla at Tom sa October 23 sa Madre de Dios Chapel sa Tagaytay Midlands.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.