Carla Abellana sa dahilan ng hiwalayan nila ni Tom Rodriguez: “I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed. I was made to look so stupid.”

Hindi man  direktang sinabi ni Carla Abellana, pero base sa mga inilahad n’ya ay lumalabas na tila may personality disorder si Tom. “Ilang beses ko po siyang hinikayat na magpatingin, magpagamot at magpagaling dahil yun din po ang gumana sa akin. Pero wala parin po. ”Ganu’n pa man, tinanggap n’ya daw si Tom at pinakasalan pa. “Tinanggap ko parin po siyang ng walang pagdududa kahit wala pong pagbabago. Hinarap ko siya sa altar. Buong puso po akong determinadong alagaan ang pagsasama at pagmamahalan namin, at panindigan ang mga sinumpaan namin sa harap ng Diyos.” Pero nasagad daw s’ya along the way kaya nauwi sa sitwasyon nila ngayon ang kanilang pagsasama. “Sa dami po ng binigay ko kay Tom wala na pong natira sakin. Galit, pride at ego ko siya narin po ang kumuha sakin at hinayaan ko naman pong kunin din po niya.”

Photos: @carlaangeline on Instagram

Hindi man direktang sinabi ni Carla Abellana, pero base sa mga inilahad n’ya ay lumalabas na tila may personality disorder si Tom. “Ilang beses ko po siyang hinikayat na magpatingin, magpagamot at magpagaling dahil yun din po ang gumana sa akin. Pero wala parin po. ”Ganu’n pa man, tinanggap n’ya daw si Tom at pinakasalan pa. “Tinanggap ko parin po siyang ng walang pagdududa kahit wala pong pagbabago. Hinarap ko siya sa altar. Buong puso po akong determinadong alagaan ang pagsasama at pagmamahalan namin, at panindigan ang mga sinumpaan namin sa harap ng Diyos.” Pero nasagad daw s’ya along the way kaya nauwi sa sitwasyon nila ngayon ang kanilang pagsasama. “Sa dami po ng binigay ko kay Tom wala na pong natira sakin. Galit, pride at ego ko siya narin po ang kumuha sakin at hinayaan ko naman pong kunin din po niya.”

Matapos ang matagal na pananahimik ay hindi sinasadyang nabasag ng aktres na si Carla Abellana ang kanyang pananahimik at naglabas ng kanyang saloobin hinggil sa naging hiwalayan nila ni Tom Rodriguez.

Nangyari ito sa comment section ng kanyang YouTube channel few days ago, specifically sa vlog n’ya tungkol sa kanyang bagong endorsement na in-upload last June 3. Ito ay matapos na may netizen na nagreklamo na dinilete umano ni Carla ang mga comments niya. 

Bagama’t burado na ang thread kung saan nakipagsagutan ang aktres, maagap naman itong na-screenshot ng FashionPULIS.com, kaya kumalat na ito online. 

“And my comment was removed hahaha. Bakit? Takot ka Mabasa na hypocrite ka. Wag ka magbait baitan kasi Hindi ka mabait,” patutsada ng netizen sa Kapuso actress.

Sinagot naman ito ni Carla at sinabing: “Ayaw ko lang po ng negativity.”

Samantala, isa pang netizen ang kumuwestiyon sa aktres sa pagla-like daw n’ya ng mga negatibong comments patungkol kay Tom at maging sa mga comments na may alegasyon ng cheating. 

Marahil ang isa sa pinatutungkulan n’ya ay ang pagla-like ni Carla sa recent Instagram post ni Ai-Ai delas Alas ng mga artcards containing quotations na may kinalaman sa cheating.

“Ayaw mong negativity sana d ka na lang nag like sa mga nega comments kay tom, sana nung nagka problema kayo sana hindi ka nag igs na humihingi ka ng tulong? Sana nag usap na lang kayo, hindi yung hindi mo kinakausap tapos ngayon may balita nag aasikaso ka ng annulment,” tirada ng netizen kay Carla.

Dito na sumabog ang aktres at tuluyan na n’yang binasag ang kanyang pananahimik.

Una n’yang in-address ang pagla-like daw n’ya ng mga posts na tila patama sa kanyang estranged husband at sa may kinalaman sa pangangaliwa.

“[O]po, nag like po ako, pero yun lang po ang ginawa ko. Hindi ko na po yun inulit. Nag like po ako pero hindi ko po ginawa ng paulit-ulit at ng matagal. Ang taong lubos na nasaktan hirap pong pigilang hindi ilabas ang galit sa anumang paraan,” panimula ni Carla sa mahaba n’yang tugon. 

Kahit hindi n’ya idinetalye nang husto, inilahad n’ya ang umano’y mga dahilan kaya nauwi sila ng aktor sa hiwalayan.

“I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed. I was made to look so stupid,” diretsahang sabi ni Carla. 

Hindi lang daw sa kanya ito ginawa ni Tom kundi maging sa kanyang pamilya.

“Kung sana hanggang dun lang po makakabangon din po ako balang araw. Pero para gawan pa po ako at ang pamilya ko ng mas marami pang kasamaan at kataksilan sa mga sumunod na araw, linggo at buwan, sobra sa sobra na po ang sakit at pagdurog ng puso at pagkatao ko,” aniya.

Hindi raw n’ya ginawa sa aktor ’yon noong panahong magkarelasyon pa sila.

“Pero bukod po dun wala po akong ginawang masama kay Tom. Wala po akong ibinigay kay Tom kundi tunay na pagmamahal, respeto, pag-aalaga, pag-aaruga, pag-unawa, pagtitiis, sangkatutak na pagpapatawad, milya-milyang pasensya, paniwala, pagtiwala, pag-aasikaso, pag protekta, lahat na,” pagbabahagi n’ya.

Mahabang panahon daw s’yang nagpa-kontrol noong sila pa ng aktor.

“Binigay ko po buong buhay ko sa kanya. 7 na taon po akong bawal magalit, magtampo, masaktan, mabigo, malungkot, madismaya dahil hindi po pwede. Makakatikim po ako kahit subukan ko pong ipaliwanag sa kanya na nasasaktan niya ako at hindi po tama ang mga ginagawa niya,” aniya.

“Paulit-it ko pong pinapaalala sa kanya na hindi po ako kalaban at mabuti po ang kalooban at intension ko. 7 na taon pong naipon sa loob ko lahat yun. Gustuhin at kailangan ko man pong ilabas, lubos na nakakakatakot po,” dagdag pa n’ya.

Hindi man n’ya direktang sinabi, base sa inilahad n’ya, lumalabas na tila may personality disorder si Tom. 

“Ilang beses ko po siyang hinikayat na magpatingin, magpagamot at magpagaling dahil yun din po ang gumana sa akin. Pero wala parin po,”ani Carla.

Ganu’n pa man, tinanggap n’ya daw si Tom at pinakasalan pa.

“Tinanggap ko parin po siyang ng walang pagdududa kahit wala pong pagbabago. Hinarap ko siya sa altar. Buong puso po akong determinadong alagaan ang pagsasama at pagmamahalan naming, at panindigan ang mga sinumpaan naming sa harap ng Diyos,” saad ng aktres.

Nasagad daw s’ya along the way kaya nauwi sa sitwasyon nila ngayon ang kanilang pagsasama. 

“Sa dami po ng binigay ko kay Tom wala na pong natira sakin. Galit, pride at ego ko siya narin po ang kumuha sakin at hinayaan ko naman pong kunin din po niya,” tila sumbong pa ni Carla. 

“Pinaglaban ko po siya ng lagpas sa 7 na taon. Kahit po kung tutuusin wala pa po yung pag like sa iilang comments na yun kumpara po sa nagawa niya sa akin at sa aming lahat, at sa lahat-lahat pa po ng ginawa niya at ginagawa niya.”

Kahit nasaktan daw s’ya, hindi daw n’ya piniling maghiganti. 

“Sa lala po ng sakit, pambabastos, panloloko, pandudurog, paninira, panggagamit at pagtataksil po niya, mga tinago niya, napakadali pong ibalik sa kanya sa paraan ng pagganti,” pagpapatuloy n’ya. 

“Pero hindi po ako ganun. Hindi po ako bobo. Hindi po ako lalaban kahit tapak-tapakan na po ako ng husto. Hindi po ako mababaw. Hindi po ako masamang tao.”

Pinagsabihan din n’ya ang netizens na maghinay-hinay dahil hindi nila alam ang kabuuan at totoong pangyayari. 

“Kung ano po ang nakikita, naririnig at nababasa Ninyo online ay kakarampot lang po ng hindi po Ninyo nakikita, naririnig at nababasa kapag wala pong kahit anong camerang naka record. Kapag sarado na po ang pinto sa pamamahay po namin at wala na pong ibang nakakakita,” ani Carla. 

Pag-uulit pa n’ya: “Hindi po ako masamang tao tulad ng sinasabi, nararamdaman, naririnig at nakikita po ninyo online, sa TV, etc. . 

“Pinalaki po ako ng nanay at lola ko na marunong rumespeto, umunawa, magmahal, magpatawad, magpasalamat, magpakumbaba, at higit sa lahat may takot po siya Diyos,” pagtatapos ni Carla. 

Samantala, sa vlog naman ni Ogie Diaz kahapon, June 15, ay tila may source ito na nagsabing isang text lang umano ang pinagmulan ng lahat. May babae umanong nagpi-flirt  kay Tom sa text at nabasa umano ni Carla. At kahit daw anong paliwanag ay hindi an nakinig si Carla at natagpuan nalang ni Tom ang mga gamit niya na nasa labas na ng bahay nila.

Hindi in-address ni Carla ang particular na paratang na ito pero kung pagbabasehan ang kanyang mga nasabi ay tila paulit-ulit n g offense sa kanya si Tom at siya ay napuno na lamang.

READ: Hiwalayang Tom Rodriguez at Carla Abellana, sa isang mahiwagang text lang nga ba nagsimula?

Matatandaan na nagpakasal sina Tom at Carla noong October last year. Umugong naman ang balitang naghiwalay sila noong January 2022 matapos mapansin ng netizens na hindi na nila pina-follow sa Instagram ang isa’t isa.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.