Bumuwelta ang mag-partner na sina Carlo Aquino at Trina Candaza sa isang basher na nagbanta sa buhay sa ng seven-month-old nilang daughter na si Enola Mithi.
Sa kani-kanilang Instragram nitong Linggo, April 11, kapwa sinagot nina Carlo at Trina ang komento ng isang basher na nanlait sa kanilang anak at may kasama pang pagbabanta.
Narito ang laman ng screenshot photo ng messages mula sa basher na ipinost ng aktor sa kanyang IG Story:
“Ansarap mo namang patayin bata ka
“Mukha kang tutang ina
“Anak ka ng artista pero mukha mo parang tutang ina
“Gawin kaya kitang punching bag para mawala na yang mukha mo”
Hindi ito pinalagpas ng 35-year-old celebrity dad at binuweltahan n’ya ang pangahas na basher.
“[F]ull grown adults who makes fake accounts to do this,” sey ni Carlo sa kanyang caption sa nasabing IG Story. “Ano na ang nangyari sa mundong ito.”
Sunod-sunod pa n’yang tanong, “Papano kayo pinalaki ng mga magulang ninyo? Magkano sinasahod niyo para gawin ito? Worth it ba?”
Hindi rin ito pinalagpas ng galit na galit na si Trina. Ini-repost n’ya sa kanyang IG Story ang mga sinabi ni Carlo at naglabas din ng kanyang saloobin.
“Nakakagalit,” pahayag n’ya. “[M]ga ganitong klase ng basher mga salot kayo.
“Puro kayo fake account, pero takot na takot ipakita mga pag mumukha niyo.”
Hindi naman ipinakita o pinangalanan ng dalawa kung kanino nanggaling ang nakababahalang messages para sa anak.
Matatandaan na September 2020 nang sinurpresa ni Carlo ang publiko nang mag-post s’ya sa Instagram ng baby photo ni Enola Mithi as indication na ganap na s’yang ama.
YOU MAY ALSO LIKE:
Maine Mendoza, inaming nagka-crush nang “slight" kay Carlo Aquino
LOOK: Carlo Aquino hugs Maine Mendoza during his concert!
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: https://twitter.com/pikapikaph
Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/
YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber