Carlo Aquino, sure daw na nahanap na ang “the one” sa girlfriend na si Trina Candaza; Rhea Tan, nagpe-presintang ninang sa kasal ni Carlo Aquino at gustong sagutin pati reception!

Photos: Anna Pingol & Instagram

Photos: Anna Pingol & Instagram

Taong 2013 nang maging kaibigan ni Rhea Tan, ang president at CEO ng BeauteDerm Corporation ang pogi at versatile actor na si Carlo Aquino. Kaya ito raw ang kinuha niyang kauna-unahang endorser ng BeauteDerm na hindi siya tinanggihan kahit hindi pa ganoon ka-laki ang kumpanya niya. Game din daw ang aktor na samahan siyang mag-bukas ng maliit na tindahan ng BeauteDerm sa mga far-flung provinces gaya ng Nueva Viscaya dahil ini-snob pa raw sila ng mga malls noong araw. 

One-hundred and eight stores and 45 celebrity endorsers later, buo pa rin ang samahan ng magka-ibigan na nauwi na sa daig pa ang magkapatid na samahan.

Kaya naman medyo emotional si Rhea sa pa-solo press conference niya para kay Carlo, who is now promoting the new men’s line ng BeauteDerm, ang Spruce & Dash (Beau Charcoal Soap; Hugh Shaving Cream; Brawn Anti-perspirant White Spray for both foot and underarms; Charcoal Charmer Detoxifying Peel-off Mask; and Lad Hair Pomade).   

“Si Carlo, parang ano yan 2013 kaibigan ko na po siya, nasa appliance industry pa [ako],” pagre-recall ni Rhea na isang marketing genius. “We are celebrating our seven years [of friendship]. Ibig sabihin pag seven daw, forever na ’yon diba?”

Sa pagka-excited ni Rhea, napa-biro tuloy ito na malamang ang friendship nila ay ma-extend pa hanggang sa pag-aasawa and beyond ng aktor. 

“Malay mo mag-a-abay ako or magni-ninang na sa future niya... kasi minamadali ko na din siya. Hahaha!”

“Nampe--pressure ka, Achi,” natatawang singit ni Carlo, who is now 34.

[Achi is his term of endearment for Rhea, which means older sister in English.]

“Hindi naman,” salo ni Rhea. “Pero kasi p’wede na diba?”

Halos puro pasalamatan ang naganap sa solo press con na iyon ni Carlo. Rhea thanked Carlo for staying with her all these years, habang si Carlo naman, na balitang pataas nang pataas ang presyo taun-taon, ay nagpasalamat din dahil hindi siya binibitiwan ni Rhea kahit lumawak na ang mundo ng BeauteDerm business nito.

“Achi, thank you, thank you sa lahat ng naitulong mo,” pagtatapos ni Carlo. “At saka s’yempre para sa isang tao na walang binibigay sa’yo kundi pagmamahal, ano pa’ng isusukli mo? Gano’n na rin diba?”

“Maraming salamat na kasama kita mula noon hanggang ngayon,” muling balik ni Rhea. “At ito na ’yong time na ma-ano ko naman, maibalik ko ’yong love and trust mo no’ng ako’y nag-uumpisa pa. 

“Mawawala ka lang sa piling ko kung ayaw mo na sa akin. I’ll always be your Achi and magiging ninang ako—gusto mo akin din ’yong reception... gano’n! Lahat para sa’yo and everything. Basta. Whatever makes you happy, nandito lang si Ate. I’m here for you.”

Nang ma-solo ng ilang members of the press si Carlo, natural na ang agad nausisa sa kanya ay tungkol alok na libreng reception ng future wedding ninang niyang si Rhea Tan. Biro pa nga ng ilan, baka mang-gulat nalang din siya gaya ng ginawa nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

“P’wede din namang hindi kayo magulat. Hahaha!” sakay naman ni Carlo.

“Kasi nakita ninyo akong lumaki ta’s biglang kinasal agad? Ano ba, thirty-four [years old] na ako ba’t mag-gu-gulatan pa?”

Pero that very moment na kausap namin siya, wala pa raw siyang maibabalita tungkol sa proposal or wedding plans. Pero if ever man daw, trip daw niya ng mala-top-of-the-world wedding concept dahil mahilig siya sa nature.

“Titingnan natin sa mga susunod na buwan o taon,” maikling say ni Carlo.

Pero at least may isang bagay—pinaka-mahalagang bagay, in fact—na sure na.

Sure na daw siyang si Trina Candaza na ang kanyang “the one.”

“Final answer,” birong-totoong hirit ni Carlo.

Hindi daw mahalaga kay Carlo ang tagal o haba ng relasyon, kundi kung ano ang naging epek nito sa buhay niya. 

Ang with Trina, “Nag-iba siguro ’yong ano outlook sa buhay... mas magaan, mas happy...”

Pinaninindigan ni Carlo na hindi pa siya nagpo-propose sa girlfriend. Pero dahil nga 34 na siya at sure na siya kay Trina, kaya baka malapit-lapit na din sila.

In the meantime, Team Abangers muna.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.