Nagk'wento si Kapamilya actor Carlo Aquino sa mga karanasan n'ya on his first week bilang isang ganap na ama.
Nito lang September 13 kasi ay ginulat ng aktor ang publiko nang ipaalam n'yang siya ay certified daddy na by sharing a photo of Baby Elona Mithi nila ng kanyang girlfriend na si Trina Candaza sa Instagram.
At kagabi, September 15, naka-online tsikahan ng TV host-vlogger na si Darla Sauler ang first time father sa YouTube channel nito kung saan ibinahagi ng aktor ang kanyang experiences sa pagiging daddy.
"Sobrang sarap sa pakiramdam na hindi na 'yong sarili mo 'yong priority kundi 'yong mag-ina mo na, 'yong family mo, 'di ba?" pahayag ni Carlo nang kumustahin s'ya ni Darla mula sa kabilang linya. "Ang sarap na nagtatrabaho ka para sa kanila. Kasi ito, future nu'ng anak ko 'yong nakasalalay, 'di ba? S'yempre gusto mo maging stable, maging maayos, kung saan s'ya mag-aaral, 'yong mga ganu'ng bagay."
Mas inspired daw na magtrabaho ang aktor dahil sa new blessing na natanggap n'ya despite of what is happening sa showbiz industry ngayon.
"Biglang nagkaproblema ang ABS [CBN]," pagpapatuloy ng award-winnig actor. "Although hindi kami very vocal, nag-iisip-isip na ako kung ano ang gagawin, kung anong career move 'yong dapat kung gawin kasi s'yempre ayoko maging stagnant. Ayokong tumigil sa ganito na lang ako, titigil ako."
Ibinahagi rin ni Carlo ang pinagmulan ng name ng kanilang baby. Tsika n'ya, mula daw sa girfriend n'yang si Trina ang "Elona" habang sa kanya naman ang "Mithi."
"Enola kasi is alone backwards, di ba? So we want her to grow up [na] parang adventurous, independent. 'Yong ganu'n.
"Tapos Mithi, 'yun 'yong pangalan ng ka-love interest ko sa Pahina which is being played by Dianne dela Fuente nu'ng kabataan ko. Wala pa akong anak [nu'n]."
Hindi na rin daw inisip ng A Soldier's Heart co-actor kung magbago man ang tingin sa kanya ng Netizens nang i-post n'ya ang photo ni Baby Enola Mithi sa social media.
"Little angel 'yan, e. Blessing 'yan. Bakit mo itatago 'yong ganyan kalaking blessing at happiness sa buhay mo?" paglalahad ng aktor. "At saka hindi naman ako nagpo-post para sa ibang tao, e. Magpo-post ako kasi gusto ko o gusto namin ni Trina na i-share 'yong happiness."
Paglilinaw pa ng aktor, hindi daw nila itinago ang pregnancy ni Trina dahil nakikita naman daw sila ng mga tao na lumalabas nang magkasama.
"Hindi naman namin tinago," diin n'ya. "Hindi lang namin na-post, siguro. Pero kasi kapag lumalabas kami, although naka-mask pero may nakakakilala pa rin sa akin, e... May nagpapa-picture. E, kasama ko s'ya. Alangan namang... Kasama ko si Trina. Pumupunta kami ng Rockwell. Pumupunta kami ng SM Aura. Ganyan."
Pagre-recall pa n'ya, nalaman daw nilang buntis si Trina last January kaya somehow ay maganda ang bungad ng taong 2020 sa kanilang dalawa bago pa nagkaroon ng pandemya.
"Kaya meron akong [nilo-look] forward, e. Meron akong... May malaking darating sa akin. Kailangan hindi ako ma-derail. Ganu'n."
Thankful and proud naman daw s’ya sa mommy ng kanyang baby sa lahat ng mga naging sakripisyo nito.
"Grabe din naman 'yong pinagdaanan namin ni Trina na dumating kami sa ganito," share pa ni Carlo. "Kaya very proud din ako sa kanya, sa lahat ng sakit na naranasan n'ya para mag-stay s'ya sa akin, para ituloy namin 'yong relationship namin at magkaroon ng isang napakagandang blessing na ganito. Sobrang thankful din naman talaga ako sa kanya."
And speaking of hirap, challenging daw ang naging pagbubuntis ni Trina dahil sumakto ito sa kasagsagan ng community quarantine dahil sa coronavirus disease pandemic.
"Nagpa-check up kami bago mag-quarantine siguro twice lang," k'wento n'ya. "Tapos pagkatapos nu'n... Good thing lang 'yong brother-in-law ko merong medical supplies. So nakakuha kami ng pang-BP [blood pressure], nakakuha kami ng doppler. So self-check kami. Tapos mini-message message namin 'yong OB [OB GYN/obstetrician-gynecologist] namin. Tapos may mga small clinics... Lying-in! Para ma-ultra sound nang kaunti, nang mabilis lang, na pwede ka magpa-schedule."
At dahil first time parents, natanong si Carlo kung napupuyat na ba sila ni Trina sa pag-aalaga ng baby.
"Salitan kami, actually," tugon ng aktor. "Pagkapanganak n'ya, September 8 kasi si Mithi, e, bale first night namin hindi pa masyadong nakakakilos si Trina so ako lang muna. Pero hindi pa naman si Mithi nagpapuyat nu'n. 'Yong second night nagpalitan na kami. Ako 'yong 11 [PM] to 3 [AM] tapos si Trina 'yong 3 [AM] something to 7 [AM]. Ganyan.
Masaya ding ibinida ni Carlo ang kanyang karanasan sa pagpapaligo at paglilinis kay Baby Mithi.
Dahil malapit na rin s'yang magbalik-trabaho, sinusulit daw ni Carlo ang makapiling ang kanyang mag-ina dahil nga lock-in taping ang ganap ng mga TV shows sa ngayon.
"'Yong mga ganitong sanggol, mga new born, sobrang bilis daw talaga lumaki. So talagang every moment talagang... Gusto ko ako na lang muna [ang mag-aalaga]. Laging [kong] pinapa-burp."
Habang nagaganap ang online tsikahan ay natutulog naman daw si Baby Mithi na s'yang naging topic nina Carlo at Darla.
Paglalarawan pa ni Carlo: "Ganu'n 'yong new born, e. Parang tulog s'ya the whole day tapos kapag matutulog na kami doon s'ya gigising. Doon s'ya, 'Ah, matutulog na pala kayo ha' Doon s'ya mag-iiiyak, magpapa-asikaso.
"Parang ang lambot-lambot nila. Kasi hindi nila kaya 'yong katawan nila. Pero 'yun 'yong gusto ko, e. Sinasabi nga ni Trina na, 'Gusto ko, Love parang ano... Pwede na s'ya kausapin kahit konti.'
"Sabi ko ayoko, gusto ko 'yong ganito habang nanggigigil ako. Tapos ang sarap ng amoy. Amoy gatas kahit nakailang lungad na, ilang ihi na ang bango pa din talaga," pagtatapos ni Carlo.
YOU MAY ALSO LIKE:
LOOK: Carlo Aquino hugs Maine Mendoza during his concert!
Maine Mendoza, inaming nagka-crush nang “slight" kay Carlo Aquino