Carlyn Ocampo, naparatangang nagka-“career suicide” dahil sa pagtanggap ng role sa KPL Rantserye

Photos: @carlyncabel | @vivamax

Photos: @carlyncabel | @vivamax

May ilang taon na ring bini-build up ng Viva ang talented Caviteña singer-actress na si Carlyn Ocampo. Una, as a member of the PPop Girls na isinali sa ilang TV and movie projects ng Viva gaya ng Diary Ng Panget, (2015), Parang Normal Activity (2016), Wattpad Presents (2015 to 2016), Para sa Hopeless Romantic (2016), at Luck At First Sight (2017).

Carly also auditioned—and passed—the Z-Pop Dream Project noong 2019. Ang Z-Pop Dream ay isang search for new K-pop idols all around Asia, kung saaan siya ang naging team leader ng girl group that came from seven different countries. For that, she had intense K-pop training in Korea.

Sa pagbabalik-Pinas, pinagtambal sila ng kume-K-Pop ding si Ella Cruz sa Viva TV comedy series na Sisters Forever (2gether Poorever) bilang Supsop sisters na mga anak-mayamang naghirap.

Looking back, wholesome ang branding nang paghu-hulma ng Viva kay Carlyn. 

Kaya naman marami ang mga fans niya ang nagtaka at nagulat nang masali siya sa Rantserye na KPL (Kung Pwede Lang)—na produkto ng kontrobersyal na director na si Darryl Yap—kung saan naka-ngarat (dirty finger) siya sa poster, nagmumura at ipinakita pang may hawak na dildo sa trailer.

Sa virtual press conference kamakailan ng Kung Pwede Lang, inamin ni Carlyn na kasalukuyan siyang umaani ng bashing at panlalait dahil sa sudden shift niya sa choice of project. But the girl is not one to back out on a challenge.

“Sa akin po, sobrang challenging po ’yang part na yan kasi since sabi ko nga po, hindi nga po ako nagmumura talaga and first time ko pong magmura sa palabas, on-cam,” pagtatapat ni Carlyn.  

In fact, in real life, wala din siyang mai-share na experience ng pagra-rant. Kung meron man daw maituturing na rant ay pag ’yong napapagsabihan niya ang younger kapatid niya kapag makulit ito.

In short, kabaligtaran ng role niya sa KPL ang tunay niyang pagkatao.

“Lalo na po ’yong poster namin na naka-middle finger...medyo na-bash po talaga ako diyan,” patuloy na pagkukuwento ni Carlyn. “Ang daming nag-message sa akin na mga fans na career suicide daw...na: ‘Carlyn, ano’ng ginagawa mo? Ekis ka na, Carlyn! Ano bang pinag-gagagawa mo sa buhay mo?’

“Kasi sa K-Pop nga po, super bawal po yan talaga sa amin... galing po akong Korea, sa Korean management...Pero sabi nga po ni Boss Vic [del Rosario of Viva], sa akin, ‘Iyan, e, role lang naman. Isiipin mo, hindi ikaw yan...once na ginawa mo yan, kung sino ’yong role mo—si Precious—si Precious na yan, hindi yan si Carlyn.’”

At dahil sanay nga sa bashing ang writer-director ng Rantserye’ng KPL na si Darryll Yap, winarningan at inihanda naman daw nito ang loob nila sa mga posibleng mangyari.

“Hindi nalang po namin pinapansin,” mahinahong say ni Carlyn. “Sabi nga po ni Direk Daryll Yap, bago pa maglabas ng kung anuman [material], sinasabihan niya kami na ‘Tatagan n’yo loob n’yo.’ Ayon, hindi na po namin pinapansin.”

Responsableng anak naman ang role ni Carlyn sa KPL at ang rant niya ay iikot sa mga saloobin ng mga anak na gaya niya na silang nagdadala ng bigat ng pamilya dahil siya ang may kakayanan. 

At gaya ng ibang cast na sina Rosanna Roces, Bob Jbeili, at ang original KPL girl na si Loren Mariñas, naniniwala si Carlyn na ang mga rant na nakapaloob sa KPL ay sumasalamin lang sa rant—open man o tago—ng mga real-life Pinoys.

Ang KPL ay hango sa ultra-viral VinCentiments short films na pinagbibidahan ni Darryl Yap discovery na si Loren Mariñas. 

In-adapt ito into a family comedy series—kung saan kasama rin sina Dennis Padilla at Dexter Doria—para sa Vivamax Originals na magsisimula nang mapanood sa Vivamax app this Friday, April 9.

Vivamax is available online at web.vivamax.net or download the app on Google Play Store at Apple App Store. You can also get Vivamax vouchers on Shopee and Lazada.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

The Juans reflect on 2020 challenges and toxic traits in first 2 episodes of their KwentoJuan podcast

Kelley Day, dinidipensahan ng mga nanggagalaiting Pinoy pageant fans amidst COVID-19 positive rumors sa Egypt

Empress Schuck sa pagiging kasal kay Vino Guingona: “Mas masaya na. Mas buo na. Hindi na nakaka guilty dahil may blessing na ni God.”

Tala The Film Concert ni Sarah Geronimo, may global repeat!

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.