Carmina Villarroel, asiwa sa paggawa ng intimate scenes kahit si Zoren Legaspi ang ka-eksena?

“This is one of the projects na Carmina and I have been waiting for a long time,” pagbibida ni Zoren sa bago nilang project na Stories From The Heart: The End Of Us.

PHOTOS: @mina_villarroel & @zoren_legaspi on Instagram

“This is one of the projects na Carmina and I have been waiting for a long time,” pagbibida ni Zoren sa bago nilang project na Stories From The Heart: The End Of Us.

Aminado ang aktres na si Carmina Villarroel na kahit matagal na s’yang artista ay hindi daw s’ya kumportable pag dating sa mga intimate scenes. Ito ay kahit pa ang mister n’yang si Zoren Legaspi ang kanyang ka-eksena. 

Inamin n’ya ito sa isang virtual interview nilang mag-asawa na ipinalabas sa 24 Oras last November 2 ngayong may gagawin silang bagong TV project together, ang bagong installment ng drama-romance anthology na Stories From The Heart entitled The End Of Us.

Doon kasi ay gaganap daw silang mag-asawa at meron silang intimate scenes. 

“I’m really not into, you know, mga kissing scenes, intimate scenes because that’s not me. I’m really not comfortable doing that,” honest na pahayag ni Carmina. 

“But with this one… Surprise! Hahaha!” natatawang sabi pa n’ya.

Iikot ang istorya ng The End of Us sa buhay ng mag-asawang naghiwalay at nasa proseso na ng annulment ng kanilang kasal. Pero may pangyayari daw na babago sa ikot ng kuwento na dapat abangan ng mga manonood. 

Sey naman ni Zoren, matagal daw nilang hinintay na muling magkasama sa isang soap opera dahil bihira itong mangyari. 

“This is one of the projects na Carmina and I have been waiting for a long time,” pagbibida ni Zoren sa bago nilang proyekto.

This past few months, sa Saturday morning show na Sarap, Di Ba? sila nagkasama-samang pamilya nang ang bahay nila ni Carmina ang maging set ng show dahil sa mga ipinatupad na COVID-19 lockdown. 

Ano naman kaya ang sey ng kambal nilang sina Mavy at Cassy sa bago nilang pagbibidahang anthology?

Kahit pare-parehas kaming busy they’re are very supportive,” lahad ni Carmina.

Abala na kasi sa ngayon ang dalawa sa kani-kanilang projects. Kakatapos lang ni Cassy sa primetime series n’ya na First Yaya at heto’t magkaka-season 2 ang show kaya paniguradong balik-lock in taping ito soon.

Busy din si Mavy sa lock-in taping nito sa upcoming series na I Left My Heart in Sorsogon.

Natanong din ang mag-asawa kung ready na ba silang magkaroon ng kani-kanilang love life ang kanilang kambal. Dito umiral ang pagiging protective parents ng celebrity couple. 

“I don’t think nasa pag-iisip nila ngayon ’yan, lalo na ngayong na-experience nila ’yong pandemic. Nakikita nila na hindi ganu’n kadali ang buhay,” paliwanag ni Zoren. 

“At this point na pandemic ang iisipin mo ay relasyon? Aba, teka lang muna. Mag-survive muna tayo.

Natawa na lang si Carmina sa sinabi ng kanyang mister. 

Dagdag n’ya dito, “We are just very thankful kasi nga wala pa ’yon sa isip nila because they’re busy with their work.”

Wala pang detalye kung kailan maipapalabas The End of Us nina Carmina at Zoren. At present kasi ay ongoing pa on TV ang Never Say Goodbye nina Jak Roberto, Klea Pineda at Lauren Young, na susundan naman daw ng Love On Air nina Khalil Ramos, Gabbi Garcia, at Sunshine Cruz.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.