May mahalagang paalala ang actress-TV host na si Carmina Villarroel sa mga taong active sa social media.
Inilahad n’ya ito kamakailan sa virtual media conference ng podcast nila na Wala Pa Kaming Title (WPKT) kung saan kasama n’ya ang mga BFFs n’ya, ang magkapatid na sina Janice and Gelli de Belen, at si Candy Pangilinan.
Dahil casual talk about anything and everything under the sun ang peg ng kanilang online show, natanong sina Gelli, Candy, at Carmina (absent si Janice sa media conference) kung ang ganitong style ba ay nagta-translate to being genuine?
Sa analysis ni Carmina, napupunta daw talaga minsan sa point na nag-o-overshare ang kahit na sino pag dating sa mga online platforms na gamit nila pero kebs daw ’yon sa kanya.
“Ako naniniwala ako du’n sa oversharing. Ako lang ’yon. That’s only for me,” say ni Carmina. “That’s why… Like I said, hindi ako judgmental na tao. Kung anuman ang nakikita ko sa social media…Facebook, Twitter, Instagram o kung ano...if that is you page, if that is your account, I respect that,” pahayag ni Carmina.
“Kung ano man ang shini-share mo… Kumbaga, wala akong opinyon. I don’t care. That’s your business. Ang pinapakialaman ko lang ’yong sa akin kasi naniniwala ako sa oversharing depende sa topic ha.”
Sa sitwasyon naman daw kasi nilang apat sa WPKT, ang mga ibinabahagi nila ay mostly mga karanasan nila sa buhay na p’wedeng kapulutan ng lessons ng kanilang listeners.
“So, kami nga, ’yong sharing namin ay sharing ng mga magkakaibigan na p’wedeng marinig ng ka-table sa kabila because hindi naman ito ’yong super secret na ‘Ah, kailangan ganito lang,’” paliwanag n’ya.
“’Yong sharing, meaning in terms of mga experiences namin in life. Baka kasi through our kuwentuhan ’yong listeners namin baka matuto sa aming experiences.
“Hindi kami nagpapaka-righteous. Hindi kami nagpapaka-know-it-all. Like I said, we are sharing our journey to our listeners.”
Same principle daw ito sa ginagawa nilang pagha-handle sa kanilang social media accounts.
“Ganu’n din naman sa aming respective accounts sa social media. Nag-a-agree din ako sa sinabi ni Gelli na whatever you post or whatever you share on social media, be responsible,” dagdag pa n’ya.
“Di ba, sinasabi nga nila, you think before you click kasi mamaya [baka] fake news naman pala ’yong shini-share ninyo.”
Nagbigay pa ng payo ang Widow’s Web actress sa mga gaya n’yang celebrity na maraming online followers na maging responsable sa pagpo-post at pagshi-share ng content in their respective accounts.
“Tayo, doon sa maraming followers, maraming naglo-look up sa atin so let’s all be responsible,” pahayag ni Carmina.
“And let’s say, kung anumang topic ang gusto mong pag-usapan… ‘Sinasabi mo na what you see is what you get. I’m just being true, authentic… Nagpapakatotoo lang ako.’ Be ready sa magiging reaksyon ng mga tao,” paalala n’ya.
Wala naman daw magiging problema as long as walang napapahamak o nasasaktang tao sa mga ipino-post online.
“Now, if you don’t care then go ahead. That’s your life, that’s your page, that’s your account. Basta sa akin, wala ka lang inaapakang tao… Oo, that is your page, that is your account. Just make sure na wala kang inaapakang tao, wala kang inaagrabyadong tao then okey ka. Okey tayo,” aniya.
“Pero sa akin, just be responsible. ’Yon lang ’yon. Whatever you do, just be responsible. Harapin mo kung ano mang consequences ang dadating sa buhay mo with your posts, or with your accounts, or with your comments, or with your videos or with your opinions. Just always be ready to whatever kung ano man ang dumating,” pagtatapos ni Carmina.
Pakinggan ang masasayang weekly tsikahan nina Carmina, Gelli, Janice, and Candy sa Wala Pa Kaming Title, na may bagong episode tuwing Wednesday on Spotify and Apple Podcasts.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber