Isang linggo na lamang ang top-rating primetime teleserye ng GMA-7 na First Yaya, ang nagsilbing unang teleserye ng mga celebrity kids na sina JD Domagoso at Cassy Legaspi.
Hindi naman ikinaila ng dalawang bagets na kahit matagal na silang introduced sa isa’t isa ay mas naging close sila dahil sa constant silang magkasama sa mga lock-in tapings nila.
“Well for me, I’m really thankful because I got to be close with everybody here,” panimula ng dalaga ni Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.
“Kami ni JD kasi, Mavy was friends with him before and then I met JD, mga 2018 ’yun, e. Tapos, naging friends kami at ’yun nga po sa First Yaya, we got closer. Naging close friends.”
Patunay ang mga pitik na biro nila sa isa’t sa online press conference para sa pagtatapos ng First Yaya sa pagiging mas kumportable na nila sa isa’t isa.
Gaya nalang ng pasalong-biro ni JD na siyang sumagot para kay Cassy sa tanong kung ano ang mami-miss ng dalaga sa binata.
“Mata ko raw po...” pilyong hirit ng may kakulitang anak ni Mayor Isko Moreno.
“Actually, alam na ni JD ko, honestly, I’ll miss his presence,” patuloy ni Cassy na tila dumedma sa panunukso ni JD. “Kasi every time after taping, he’ll always wait for me. And he would always ask, ‘Kumain ka na ba?’ He always carried my stuff na pang-taping ko. And of course, I’ll definitely miss that.
“I guess, our parang companionship or just working together. Kaya when I saw him yesterday, parang we had taping or guesting, parang sabi ko, ‘Ay, na-miss ko talaga ’to, grabe.’
Matapos sumagot ni Cassy ay sumingit ang reporter na si Rommel Gonzales na siyang nakasalang na nagtatanong kay Cassy sa virtual conference. Pinuna nito na nasambit ni Cassy ang mga katagang “JD ko.”
Namumulang bumungisngis si Cassy at hindi makapaniwalang nasambit nga niya ’yon.
“Sinabi ko ’yun?” balik-tanong niya. “Sorry nag-slip lang po, nag-slip lang po...hahaha!”
Ganoon ba sila magtawagan sa set?
“Hindi po, nag-slip lang po,” halos mautal nang tanggi ni Cassy.
“Sorry, hindi ko na kaya, Joaquin, ikaw na nga...” Pagpapa-rescue pa niya sa ka-loveteam.
“Hindi po, hindi po, nag-slip lang po talaga,” salo naman ng natatawa ding si JD.
Pero bukod kay JD, maingay rin talaga ang isyu sa kanila ng Kapamilya singer na si Darren Espanto.
Matagal na rin kasi silang nali-link sa isa’t-isa. In fact, mas nauna pa silang ma-link ni Darren bago pa niya naging ka-loveteam si JD sa GMA-7.
At ngayon nga, may mga fans na rin silang nagtatalo-talo dahil may maka-Darren para sa kanya at meron din gusto si JD ang gusto for her.
Kaya direkta na naming tinanong si Cassy kung ano ang papel sa buhay niya nina JD at Darren.
“Honestly, I’m just focusing on work,” nakangiting tugon ni Cassy. “Work lang po talaga ang nasa isip ko and s’yempre, thankful naman po ako sa mga supporters on both sides. But ’yun po, I’m just focused on work. Work lang po ang nasa isip ko.”
Friends lang talaga niya ang dalawa?
“Yes po. [I’m] Friends lang with everybody. Maybe the lovelife can happen in the future. Pero sa ngayon po, work and First Yaya. Yehey! Finale na next week!,” sadyang pagliliko ni Cassy sa topic.
Akalain n’yong patapos na ang First Yaya at naka-experience na ang baguhang si Cassy kung paano makasali sa isang full-length teleserye.
Muntik pa sanang tutulan ito noon ng nerbiyosang nanay ni Cassy na si Carmina. Tila naging apprehensive noon si Carmina nang malamang mauuwi na sa lock-in taping ang show dahil sa pandemic.
At mukang na-enjoy nang husto ng dalaga ang mga naging experience niya kaya mukang mas pursigido na siyang mag-artista.
“Actually po, even before I got the role of Nina Acosta for First Yaya, I already knew that I wanted to take showbiz seriously po,” seryosong lahad niya.
“And during ’yung lock-in taping po, na-realize ko na, ‘Okay, confirmed. I really want to do this for a long time.’ And I guess, parang mas lalo akong na-fall-in-love sa work and it made me want to be a better actor and to just improve. Para sana, may mga future projects pa po.”
Naging critics ba ng acting niya sina Zoren at Carmina?
“Well, s’yempre, they know naman po na it’s my first teleserye. And we always watch First Yaya every night. They say naman that I do a good job, which is good. Pero s’yempre, sometimes, there will be comments na ‘P’wede ka pang mag-improve dito’ and all of that. At ’yung Number One [puna] nila is, ‘Mag-aral ka ng Tagalog.’
“So, ako naman, ‘Yes po, mother...yes po, father...eto na po.’ So ’yun lang po. But other than that, my parents really support me. I’m so grateful for that.”
Aniya pa, ang laking pasasalamat niya na nakasama nga siya sa First Yaya dahil ang dami raw naibigay ng mga experiences niya sa buhay niya bilang acting newbie.
“Ako po kasi, nag-acting workshop po ako before this show,” pagbabalik-tanaw niya. “And it’s really different when you actually do the work and you actually start the serye.”
“I learned a lot po,” patuloy niya. “I learned a lot on how to relax on the set. Huwag masyadong i-overthink ang lines ko... and just to really study my character.
“And I got a lot of help from Direk L.A. [Madridejos] And of course, my mga co-actors who always say, ‘Just try to relax. Wag i-overthink. Just know your character by heart.
“And of course, I want to thank JD. Pareho kaming bago sa teleserye world and we were able to help each other. I learned a lot from everybody.”
YOU MAY ALSO LIKE:
Payo ni Michael V. sa showbiz newbie’ng anak na si Brianna: “Be prepared with a lot of criticisms.”
Catriona Gray, naiyak nang muling iwan ang mga magulang sa Australia
Sue Ramirez, handa na bang maging First Lady ng Victorias City, Negros Occidental?
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber