Catriona Gray, dumulog sa NBI; desididong mahanap ang nasa likod ng pagkalat ng fake topless photos niya online

PHOTOS: @catriona_gray on Instagram, @mjfelipe on Twitter

PHOTOS: @catriona_gray on Instagram, @mjfelipe on Twitter

Matapos ang naging commitment ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa Department of Trade and Industry (DTI) ngayong araw, July 21, kung saan ay ginawaran s’ya ng certificate of conferment bilang ambassador ng One Town, One Product program, dumiretso ang beauty queen sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Maynila.

Dumulog ang 26-year old model-turned-beauty queen sa NBI upang magsampa ng reklamo laban sa nagpakalat ng kanya diumanong altered na larawan kung saan s’ya ay pinagmukhang nakahubad diumano ng pang-itaas at nakalabas ang maselang bahagi ng kanyang upper body. 

Nauna nang ipinahayag ng kampo ni Cat last Sunday, July 19, through her legal counsel member, Atty. Joji Alonso, and management firm na Cornerstone, na "fake" at "digitally altered" ang mga kumalat na umano’y nude photos niya. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Joji Alonso (@attyjoji) on

Ani Atty. Joji, kuha umano ang mga ito sa isang video advertisement ng isang clothing line kung saan naging endorser si Catriona before.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Joji Alonso (@attyjoji) on

Sa mga post ni Atty. Joji, nag-warning siya sa mga di pa matukoy na salarin na nagpapakalat ng mga said photos na nakipag-ugnayan na umano ang kampo ng beauty queen sa otoridad upang mapanagot ang lahat ng nasa likod ng paninirang ito na wala umanong ibang pakay kundi and dungisan ang pangalan ng Pinoy pride and beauty icon.

Pinatotohanan naman ni Catriona na seryoso ang kanyang kampo sa pagsasampa ng reklamo nang makausap s'ya ng media matapos nga ang naging commitment n’ya sa DTI kanina.  

“Me and my team are taking the actions that we need to address the issue at hand,” pahayag ni Catriona kay MJ Felipe ng TV Patrol na dumalo sa DTI event.

Sa ulat naman ng gmanetwork.com, tiniyak naman ni NBI Deputy Director Vicente de Guzman III na magka-conduct sila ng investigation para matukoy at mahuli ang salarin sa pagpapakalat ng fake topless photos ni Catriona online. 

“The reason why the NBI is conducting an investigation is to determine the persons accountable for its posting in the social media. Kahit sino tamaan niyan i-cha-charge namin,” pahayag ni Deputy Director de Guzman sa GMA-7 news.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Catriona Gray’s legal counsel and her management firm warn legal action against perpetrators of alleged topless fake photo of the beauty queen circulating online

Pika's Pick: Sam Milby finally breaks silence on “defamatory lies” circulating online about him and GF Catriona Gray; says “I will do everything in my power to protect her.”

Pika's Pick: Miss Universe 2018 Catriona Gray does ambassador duties for the Department of Trade and Industry’s One Town, One Product initiative to promote local products

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.