Catriona Gray, inirampa sa Vogue Philippines Gala ang damit na gawa sa recycled materials

Malaking karangalan umano para kay Catriona Gray ang maipakita ang husay at pagka-malikhain ng mga Pinoy sa kanyang kasuotan during the Vogue PH Gala.   “Such an honor to elevate Filipino talent and creativity on such an exciting event for our country.”

PHOTOS: @catriona_gray on Instagram

Malaking karangalan umano para kay Catriona Gray ang maipakita ang husay at pagka-malikhain ng mga Pinoy sa kanyang kasuotan during the Vogue PH Gala.  “Such an honor to elevate Filipino talent and creativity on such an exciting event for our country.”

Sino ang mag-aakala na gawa pala sa recycled materials ang isinuot ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa dinaluhan n’yang Vogue Philippines gala nitong Monday, August 29.

Proud na ibinida ng Filipino-Australian model and beauty queen sa nasabing okasyon ang kanyang intricate OOTD o outfit of the day na inadornohan ng mga bulaklak na gawa sa plastic bottles.

“Sustainability but make it VOGUE. [recycling emoji] What better way to celebrate the launch of @voguephilippines Maiden issue and first ever Vogue Gala than by embodying one of Vogue's values,” pahayag ni Catriona sa kanyang Instagram post that night. 

Inisa-isa rin n’ya ang mga designers na nagtulong-tulong para magawa ang suot n’yang white ensemble na tinawag nilang “Forever Blooms.”

“This beautiful creation by @maisonglarino @jaggyglarino is made using recycled polyurethane plastic bottles. Crafted exquisitely into roses. Punctuated with jewels by @bulgari and custom-made shoes designed by @jaggyglarino executed by @_mxstudio,” pagbibida n’ya.

Malaking karangalan umano para sa kanya ang maipakita ang husay at pagka-malikhain ng mga Pinoy sa kanyang kasuotan. 

“Such an honor to elevate Filipino talent and creativity on such an exciting event for our country,” saad pa ni Catriona.

Kasama ni Cat ang nobyong si Sam Milby na rumampa sa event, kung saan din n’ya naka-reunite ang kanyang fellow beauty queens na sina Miss World 2013 Megan Young, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, at Miss International 2016 Kylie Verzosa.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sam at Catriona, first ever Filipino Influencers na a-appear sa Amazon Prime

Catriona Gray, dinipesahan si Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu na nabu-bully online dahil sa kanyang timbang

Pagho-host ng talent search na Top Class, pay forward mission para kay Catriona Gray

Pika's Pick: Catriona Gray introduces her "twin sister" to her parents at the wax museum in Singapore

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.